♫♪ We're only gettin' older, baby
And I've been thinkin' about it lately
Does it ever drive you crazy
Just how fast the night changes?
Everything that you've ever dreamed of... Disappearing when you wake up
But there's nothing to be afraid of
Even when the night changes
It will never change me and you... ♫♪
Bumungad sa 'kin ang boses ni Asher. Kahit kailan talaga malamig ang boses niya. Sa lahat ng mga hudlong siya ang may pinakamalamig na boses pero ang kay Kayden ang pinakamaganda.
Ngumiti na lang ako habang pinapanood siyang kumanta habang nakapikit pa. Lumapit ako sa kubo pero hindi ako pumasok, pinatong jo ang mga braso at ang baba ko may kawayang sandalan.
Ngumiti sa 'kin si Trina at nagtataka pa kung bakit ako nandito, hindi niya ako makawayan dahil siya ang may hawak ng gitara, salitan lang naman sila. Parehas naman silang marunong tumugtog.
Habang tinitignan ko ang mukha ni Asher hindi ko maiwasang isipin ulit 'yung nangyari nung isang linggo na nagka-dysmenorrhea ako. Palagi na lang akong nilalamon ng kahihiyan kapag naiisip ko 'yon. Natawa ako pero hindi ko nilakasan, baka magambala ko pa ang pagkakanta nitong isa.
—FLASHBACK—
"Heira..." Tawag niya pa sa 'kin pero kinibot ko lang ang balikat ko para patigilin siya. "Your skirt... has a blood stain."
"Ha?" Tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya. "King inang puson 'to, patanggal ko na lang ata." Bulong ko sa sarili ko at napapikit ng mariin.
"Uh... I think you're on your monthly period—!"
Napabalikwas ako ng higa dahil sa sinabi niya. Kahit na masakit ang puson ko tiniis ko 'yon. Putangina!!! Tupa ng ina talaga!!! Kamalasan na binibigay ni satanas!
Tumakbo ako sa loob ng banyo ng clinic, nilock ko ang pintuan. Bumilis ang paghinga ko dahil sa sinabi ni Asher sa 'kin. Ibig sabihin nakita niya 'yung... 'yung dugo!! Nakakahiya!! Gago naman oh.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng banyo, agad na sumama ang mukha ko ng makitang may tagos nga ang palda ko. Bakit hindi ko ba naisip na kaya ako may dysmenorrhea dahil may buwang dalaw ako, ano na ba ngayon? Hindi ko pa schedule ah!
Pa'no na 'to? Wala pa naman akong dalang napkin sa bag ko, hindi rin naman ako makakalabas ng clinic na ganito ang lagay ng suot ko, alangang maghapon akong nakahiga sa kama 'yon.
Pumikit ako ng mariin, pintong ko ang mga kamay ko sa sink at kinuyom ang mga 'yon. Naiinis ako sa sarili kong katangahan, sa lahat ba naman ng ibibigay sa 'kin, labis na pagka-tanga pa ang marami sa 'kin.
Hindi ko dala ang cellphone ko, nasa bag ko 'yon, hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bag ko dahil wala naman 'yon sa likod ko nung magising ako. Baka na kay Asher 'yon, siya lang naman ang kasama ko kanina.
Speaking of Asher. Ano naman kaya ang naisip niya kanina ng makita niya 'yon, sigurado akong nandidiri siya. Sino ba namang tao ang hindi mandidiri sa dugo, ako nga pinandidirihan ko 'yung sa 'kin. Bwisit naman na araw 'to.
Napaupo na lang ako sa sahig dahil biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa biglang pagsakit ng puson ko, parang nilalagari na pinapalipit na nilalamuyok ang mga kalamnan ko.
Kahit na palagi kong nararamdaman 'to sa tuwing mero'n ako, hindi pa rin ako nasanay sa sakit no'n. Buong katawan ko apektado pati na rin ang pagkain ko. Tatlong araw ko nananamang titiisin ang sakit na 'to.
"Heira... are you okay?" Tanong ni Asher at marahang kinatok ang pintuan ng banyo.
"Oo, ayos lang a-ako." Hirap na sagot ko saka ako sumandal at niyakap ang mga tuhod ko.
"Gusto mo bang tulungan kita?"
"Pwede naman pero siraulo ka ba?"
"Mali ang iniisip mo. That's not what I meant. Anything that I can help, tell me." Nagsusumamong sabi niya.
Dahan-dahan akong tumayo. Mabait siya kaya alam kong matutulungan niya ako, hindi ko lang alam kung kaya niya bang gawin ang ipapagawa ko sa kaniya baka kasi tumanggi siya.
Bahagya kong binuksan ang pinto at dinungaw ang ulo ko ro'n. Nakita ko siyang nakasandal sa pader, kakatok pa sana ulit siya pero nakita niya ako.
"Ash..." Nakasimangot na tawag ko.
"Why? Anong masakit sayo? Tatawagin ko na ba si Dr. Chet?" Nag-aalangang tanong niya.
Umiling-iling ako. "'Wag kang OA. Ayos lang ako pero pwede bang... pabili naman ako ng—!"
"No. That will never gonna happen." Agad na tanggi niya.
Siya na lang ang pag-asa ko kaya kukulitin ko na siya, ayaw kong makulong maghapon dito sa banyo.
"Sige na, Asher." Pangungulit ko.
"No. I'll never do it."
"Dali na, kaibigan mo ako 'diba?" Pangnunumbat ko sa kaniya.
"Heira naman... sabi ko gagawin ko ang lahat pero 'wag naman 'yan." Sagot niya saka niya kinamot ang batok niya.
"Dali na, Asher. Babawi ako sayo. Kung gusto mo naman, ipabili mo na lang ako sa mga nasa labas—!"
"That will never gonna happen. Fuck. Oo na, hintayin mo na lang ako r'yan." Sabi niya tsaka siya tumakbo papalayo.
Sinara ko ulit ang pintuan at umupo sa bowl. Nahihirapan akong umupo dahil sa basa ang pang-upo ko. Gusto kong maiyak dahil sa kahihiyan. Sa lahat ng oras na pwedeng matagusan bakit ngayon pang may klase?
Ilang saglit lang ay dumating na rin naman si Asher. Kumatok siya kaya agad ko naman siyang sinagot.
"Here." Abot niya sa isang maliit na plastic.
Hindi kami makatingin sa isa't isa dahil parehas kaming nahihiya sa presensya naming dalawa. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. Siya naman nakayuko lang siya. Kinuha ko ang inaabot niya. Isang balot pa ata ang binili niya. Babayaran ko na lang mamaya.
"Salamat." Sabi ko sa kaniya. Akmang isasara ko na ang pinto ng ilagay niya ang kamay niya ro'n. Buti na lang hindi siya naipit.
"Put this... on your lower back." Sabi niya at binigay ang isang jacket na kulay itim.
Oo nga pala, wala rin pala akong dalang damit. Puro pagkain kasi ang dala ko. Tumango ako sa kaniya saka ko sinara ang pinto.
Thankful talaga ako at may kaibigan akong kagaya niya. Kahit ako napangiwi dahil naiinis ako sa sarili ko ngayon, iniisip ko pa lang kung gaano kalaki ang hiya niya ng bilhin niya 'tong mga sanitary pads na 'to... nahihiya na ako. Babawi na lang ako sa kaniya.
Naghugas ako at nagsuot ng pads. Bahagya kong pinunasan ang palda ko gamit ang tissue para matanggal ang blood stain. Ipinalupot ko sa bewang ko ang jacket at saka lumabas.
"Asher..." Tawag ko, nakaupo siya sa isang kama.
"A-ayos ka na ba?" Tanong niya. Ngumiti ako saka ko ginulo ang buhok niya.
"Oo, ayos na... dahil 'yon sayo."
—END OF FLASHBACK—
Natapos niya ang kanta at agad niya naman akong nginitian. Maganda ang boses niya, maganda pa ang kalooban niya. Masaya siyang kasama. Isa siyang tunay na kaibigan.
"Heira! Back to practice na raw." Tawag sa 'kin ni Alzhane.
Nagthumbs up ako kay Asher bago ako kumaway saka ako lumapit sa mga kasama ko. Luminya kami at nagsimulang sumayaw. Huminga ako ng malalim.
Ipapanalo 'to ng Twenty-third Section, kaya namin 'to! Fighting!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 206
Start from the beginning
