'Yung ibang section nasa 50 students sila tapos kami lampas bente lang, nasa'n ang hustisya? Pa'no kung hindi pa lumipat sa 'min si Kio, pa'no kung hindi pa dumating si Chadley edi parang mga kinder lang kami dahil sa konti namin.

Si Kayden, Asher, Adriel, Kio at Chadley ang lalaban. Sila kasi ang mga pinilit ng mga hudlong at mga babaita na sumali ang lima sa contest na 'yon. Pumayag naman sila dahil ayaw naman nilang mapahiya ang section namin.

Kailangan naming galingan hindi para sa cash prize at trophy kundi para ipakita namin sa iba na hindi lang kami basta ng mga basura na gaya ng tinatawag nila. Mga normal na estudyante kami pero mga kakaiba naman.

Kung iniisip ng iba na wala kaming alam... walang laman ang utak ng mga hudlong kaya kami inilipat sa Twenty-third Section, nagkakamali sila dahil malikot ang mga utak ng mga 'to e.

Biro lang.

Mabilis mag-isip ang mga hudlong at madiskarte kaya kapag minsan na nahihirapan na kami sa mga ginagawa namin. Napapagaan nila basta idaan lang sa tawa at 'wag sa pag-bubwisit, hindi matatapos ang ginagawa kung inis ang papairalin.

Hindi muna sumali si Kayden sa sayaw namin dahil pinapanood niya kami, dapat na raw naming ayusin ngayon hindi katulad nung mga practice namin dati na puro tawa ang ginagawa namin at para kaming mga zombie.

Mapaparusahan daw ang hindi mag-aayos. Hindi ko nga alam kung bakit biglang natakot ang mga hudlong na 'to at nag-ayos ng agaran. Sus, kung alam lang nila na sinabi lang niya 'yon para takutin sila.

Pero iba e. Kapag natitignan sila ni Kayden bigla silang namumutla at inaayos ang mga steps na nagkakamali sila. Ano ba 'yung parusang tinutukoy ng Kulapo na 'to?

Sinong hindi matatakot sa kaniya e may dala siyang stick at mahina niyang pinapalo-palo sa palad niya. Parang isang maling galaw lang hahampasin ka niya.

Wala naman siyang tinatawag na pangalan, basta idadaan niya lang 'yon sa tingin. Akala mo naman masisindak ako, sila lang pwede pa pero sa 'kin, hindi na uubra 'yan.

Ako pa ba, si Heira ata 'to.

Tatlong beses pa naming inulit ang sayaw. Maayos naman naming nagawa 'yon, akala ko naman buong araw kaming mapapagod e buti na lang nilapitan kami ni tita Zyra at sinabing magpahinga muna kami kahit saglit lang.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Kayden, halatang ayaw niya sa sinabi ni tita e. Wala naman siyang nagawa kahit na gusto niyang umalma dahil may matanda si tita sa kaniya, alangang sigawan niya siya gaya ng ginagawa niya sa 'kin minsan.

At isa pa, wala namang makakatanggi kay tita dahil sa lawak ng ngiti niya. Jolly na tao si Tita Zyra kaya nga ka-vibes niya si mommy e. Parehas silang parang mga isip bata pero mapagmahal. 'Yung tipong makikita mo pa lang siya mapapangiti ka na.

Nagkabuwag-buwag na kami, 10 minutes lang daw 'yon dahil may mga steps pang idadagdag, hindi pa kasi namin nakukumpleto ang kanta pero patapos na rin naman 'yon.

"Kakapahinga lang natin tapos pahinga nananaman," reklamo ni Vance. "Ang saya kayang gumiling-giling, pampatanggal ng bilbil." Dagdag niya pa. Hindi ko maiwasang matawa. Gago talaga ang bunganga ng hudlong na 'to.

"You want?" Alok sa 'kin ni Alzhane sa kinakain niyang chitchirya pero tumanggi ako.

"Tirhan mo na lang ako, kakainin ko mamaya, busog pa 'ko e." Sagot ko sa kaniya.

Nagamit ko ang pagkakataon na 'yon para puntahan 'yung dalawang songerist na parang hindi man lang nagpapahinga, kanina pa sila kanta ng kanta. Hindi pa ba ubos ang boses nila?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now