Ngumiwi na lang ako dahil sa kamalian ko. Ayos 'yan, napahiya ako ro'n ah. Umayos na lang ako ng upo at iniwas ang paningin ko sa kaniya, todo ngisi pa talaga siya e 'no?
"Alzhane." Tawag ko dahil alam kong maayos ang isasagot niya sa 'kin.
"Yes?" Tanong ni atsaka ngumiti, I smiled back.
Nakakahawa ang pagiging good vibes niya na palaging may ngiti sa mga labi, hindi mo man lang siya makikitang magagalit o sisibangot except na lang kay Timber dahil mukhang inaasar siyavng hudlong kaya naman palagi siyang naiinis sa kaniya.
"Magdadala pa ba ng sleeping bag sa foundation day?" Tanong ko bago ako kumain ng fries na niluto rin ni Tita Zyra para sa 'min.
Mabait ang mga magulang ni Zycheia kaya nga kaibigan sila ng mga magulang ko. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya naman mula pagkabata ay magkasama na kami ni Eiya, siya lang din ang naging kaibigan ko ng 16 years.
Pero iba na ngayon dahil nakilala na namin ang mga hudlong at mga babaita. Hindi na sila iba sa 'min at parang magkakapamilya na ang turingan namin sa isa't isa. Hindi ko lang basta magkakaklase.
Si Asher ang lolo, si Kayden ang tatay kaya siya ang boss, si Chadley ang kuya, kami ng mga babaita ang mga ate at si Kenji ang bunso. Si Kio ang anay ng pamilya este isa siya sa mga kuya.
Si Kenji ang ninja ng pamilya. Si Mavi ang tito na isip bata. Natawa na lang ako tsaka napailing dahil sa naisip ko. Ang laki naman ng pamilya namin kung gano'n. Kumain na lang ako kaysa naman mahalata nila ang pagtawa ko, baka isipin pa nilang baliw ako.
"Yes. Palagi tayong magdadala ng mga sleeping bag kapag may activity, uh... I have two, do you want to borrow one?" Nakangiting tanong niya sa 'kin.
Umiling naman ako. "Salamat pero hindi na, mero'n ako ng gano'n sa bahay namin, tinanong ko lang dahil baka hindi nananaman ako makakapagdala no'n." Natatawang sagot ko sa kanila.
Tinatanaw ko si Asher at Trina na nasa kubo nina Eiya. May beach hut sa may isang tabi, pwede kang magpahangin do'n dahil may duyan sa loob no'n. Bukas naman 'yon dahil tanging upuan at bubungan lang naman 'yon.
(A/N: Kaya kung may iniisip kayong kakaiba, mali ang iniisip niyo. Bawal 'yan, kapatid.)
Sila ang nandoon dahil nagpapractice pa sila sa kanta nilang dalawa. Mahina lang naman 'yon kaya hindi sumasapaw sa tugtog namin kahit na naririnig namin silang kumakanta. Parehas na malamig ang boses.
"Balik na tayo sa practice!" Pang-aaya ni Jharylle pero walang tumayo sa 'min.
"Five minutes pa." Hirit ko sa kaniya.
"Mamaya na, ang aga pa naman." Sabi naman ni Eiya.
"Ay, wow. Isang oras na practice dalawang oras na pahinga." Sarcastic na sabi ni Mavi. "Let's get it on!" Sabi niya tsaka niya pinatugtog ang speaker kaya naman wala na kaming nagawa kung hindi ang tumayo at humilera.
Mas pinili kong sa likod na lang kaysa sa harapan. Wala naman akong hilig sa pagsasayaw kaya bakit ako kekembot? Mukha lang akong mataba pero matigas ang mga bewang ko.
Ginawa namin ang unang steps. Sina Kayden, Jharylle, Adriel at Lucas ang nasa harapan dahil sila ang pinakamalambot sa 'min. Naalala ko 'yung sinabi sa 'min ni Sir Almineo nung isang araw.
Kasama pa pala 'yung 'Fivotieur Of The Gloom.' Ibig sabihin, dagdag 'yon sa mga contest na dapat naming salihan. 'Yon ang sinasabi dati nina Kayden na may special dance sila. Special ampota, kasama naman pala 'yon sa program.
Lima silang sasayaw kaya naman doble ang pagod nila, pagkatapos ng practice nila rito, sa isa naman sila. Hindi naman sila pwedeng humiwalay dahil kokonti kami at papangit ang sayaw namin. Halos kalahati lang ang bilang namin sa iba e.
VOUS LISEZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Roman pour AdolescentsPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 206
Depuis le début
