"Ang sama ng bunganga mo. Kanina mo pa nilalait ang kwarto ko."

"Hindi ko nilalait, honest lang talaga ako." Kinindatan niya pa ako. "Bahala kang pamahayan ng mga gagamba r'yan, sistereret. Malay mo maging spider-woman ka." Dagdag niya.

Namilog naman ang mga mata ko tsaka umayos ng upo. Itinaas ko ang dalawang paa ko sa kama at nag-indian-sit para makita ko ang lahat ng ginagawa niya. Balak niya atang i-raid ang kwarto ko sa dami ng kinakalkal niya.

"Pwede 'yon?" Manghang tanong ko sa kaniya. "Kapag kinagat ako ng gagamba maging spider-woman ako?" Umaasang dagdag ko.

"Syempre hindi, 'wag kang tanga, sistereret. Alam kong tanga ka pero 'wag mong ipamukha sa harapan ko." Komento niya tsaka pumunta sa kabinet ko.

Hala patay! Hindi pa ako nakakapag-ayos ng mga damit, sabog-sabog pa ang mga inilagay ko ro'n. Nangangalkal kasi ako ng pwedeng isuot ko tapos wala namang maayos kaya ayan, nagulo. 'Yung mga panty ko, shemay! 'Wag niya sanang makita.

Napapikit na lang ako ng buksan niya ang kabinet ko at sumabog sa mukha niya ang sandamakdak na damit ko. Napacross-fingers na lang ako na sana 'wag niyang makita ang mga underwears ko dahil siguro akong aasarin niya nananaman ako.

"Hindi mo naman sinabi sa 'kin na may ukay-ukay ka pala rito." Sabi niya sa 'kin.

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nakaharap pa rin siya sa kabinet ko at parang may hinahanap, hinuhulog niya lang sa may sahig ang mga dami ko. Napanguso na lang ako.

"Hindi naman 'yan ukay-ukay e." Reklamo ko sa kaniya. "Damit ko 'yan."

Napahinto naman siya sa ginagawa niya tsaka tumingin sa 'kin. Nanlalaki ang mga mata niya at parang hindi pa makapaniwala sa sinabi ko. Tsh, OA rin pala ang lalaking 'to 'no. Gumalaw pa ang Adam's apple niyang may malakin pa kaysa sa buto ng mangga.

"Ay, damit mo ba ang mga 'to? Bakit ba sabog-sabog? Hindi ka rin pwedeng manupi? Hindi ka pa pwedeng mag-asawa kaya gano'n... vdismslsk." Hindi ko na maintindihan ang sunod niyang sinabi dahil sa bulong na lang ang ginawa niya.

Hindi ko na lang 'yon pinansin. "Marunong naman akong manupi, hindi ko lang natututukan kaya hindi pa naayos." Sabi ko sa kaniya tsaka ko pinilot ang mga damit ko sa sahig, pinatong ko sa may kama.

"Ang sabihin mo... tamad ka lang, ang dami mo pang sinasabi r'yan." Natatawang sabi niya bago siya tumalon sa kama ko. "Tupuin na natin, tutulungan na kita, baka hindi mo nanaman matutukan." Sarkastikong sabi niya.

Buti na lang pala at nasa lalagyan pa ng bagong labang damit ang mga underwears ko kundi baka nilamon na 'ko ng kahihiyan sa harapan ng kapatid kong sumobra sa Adam's apple.

Ako sa damit, siya naman sa mga shorts. Mukhang bihasa siya dahil sa bilis at linis niyang manupi, para siyang babae kung magligpit ng damit ah. Ngumiwi ako ng itaas niya ang shorts na binigay sa 'kin ni Trina. Kawawang shorts 'yon na lang palagi ang pinagdidiskitahan.

"Sayo ba 'to?" Tanong niya, hindi maipinta ang mukha niya.

"Oo..." Sagot ko sa kaniya, inilagay ko sa gilid ko ang mga natuping damit.

"Bakit ang ikli naman nitong short na 'to? Papasok ba sa binti mo 'to? Ang taba kaya ng mga biyas mo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Malamang shorts 'yan kaya maikli, kung mahaba 'yan, longs na ang tawag d'yan." Isinagot ko sa kaniya ang palagi naming isinasagot ng mga babaita sa tuwing pupunahin kami ng iba. Tama naman kasi ang sagot namin.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now