"Hindi naman ako pasyente para bisitahin mo."
"Halika, gawin kitang pasyente para mabisita kita. Konting bali lang namang bali ng buto, hindi naman masakit 'yon."
Ngumiwi ako. "Subukan muna natin sayo, baliin ko 'yang binti mo 'yung tipong hindi mo na magagalaw." Pagbabanta ko sa kaniya.
"Ang brutal mo kahit kailan." Nakasimangot na sabi niya.
Binaba ko ang unan at umupo sa gilid ng kama ko. Binuksan ko ang bentilador saka ko itinutok sa 'kin 'yon. Hinayaan ko na lang siya na tignan ang kwarto ko.
"Sino bang nagpapasok sayo rito?" Tanong ko sa kaniya. "Tsaka pa'no mo nalaman kung nasaan ang kwarto ko?" Dagdag ko pa.
Tinignan ko siya kung ano man ang gagawin niya. May kinuha siyang libro. 'Yung librong binigay sa 'kin ni Eiya 'yon, hindi ko pa tapos basahin ngayon 'yon. Binuklat niya 'yon tsaka siya umupo sa mismong study table ko.
"Si Manang, siya ang nagpapasok sa 'kin dito. May angal ka?"
"Wala naman. Pero, Jaxon, bakit ba palagi kang nandito sa 'min?" Nakasimangot na tanong ko sa kaniya.
"Kio and I are friends since then. More than friends pa nga. Palagi ka niyang ikinukwento sa 'kin na may kakambal daw siyang ubod ng pasaway." Nakangiting sabi niya na para bang may inaalala. 'Yung mga ngiti niya... ngiting matsing.
"...He always tells me that you are like a man when you speak, when you eat, when you act and when you walk. Nasa New York pa siya no'n Bukang bibig ka niya, that time I realized that... I've fallen to your personality."
"Luh." 'Yon na lang ang naisagot ko sa kaniya dahil nabigla naman ako sa mga sinabi niya. "Anong pinagsasasabi mo r'yan, inaantok ka ba?" Dagdag ko pa, ginawa ko na lang biro 'yon.
Tumawa naman siya. "Kidding, gusto lang talaga kitang makilala talaga kaya naman palagi akong nagtatanong sa kaniya kung ano mang anong mero'n ka." Sagot niya, nakahinga naman ako ng maluwang.
"Buti naman, teka, ang sabi mo nagkakilala kayo ni Kio nung nasa New York pa siya, pa'no nangyari 'yon?" Tanong ko sa kaniya. "Wala naman siyang sinabi sa 'kin na may kaibigan pala siya ro'n..." Bulong ko sa sarili ko tsaka ko nginatngat ang kuko ko sa darili ko.
"Matagal na kaming magkakilala niyan. Kahit pa nung wala pa siya sa New York."
"Bakit ako hindi kita kilala?" Tanong ko sa kaniya at hinarap ko siya, nasa tabi na pala siya ng tv ko, pinunasan niya 'yon gamit ang hintuturo niya tsaka ngumiwi.
"Kadiri ka, sistereret. Kababae mong tao, look at this yuck dirty." Sabi niya habang nandidiri pa. "Hindi ka naglilinis ng kwarto mo 'no? Isusumbong nga kita kay tita."
"Hoy! Naglilinis kaya ako 'no!" Alma ko sa kaniya. "Kakatapos ko nga lang e."
"Ay we?" Hindi kumbinsidong tanong niya. "Kakatapos mo lang maglinis pero may agiw at alikabok pa. Now tell me what did you clean?" Paghahamon niya sa 'kin.
"Nagwalis ako, winalisan ko 'yung sahig pati na rin 'yung mga ilalim ng kama ko tsaka 'yung ilalim ng lamesa." Taas noong sagot ko sa kaniya.
"Ayon, sistereret. Hindi lang pagwawalis ang paglilinis, try mo ring magpunas para masaya."
"Bakit hindi ikaw? Tsaka hehehe, tv lang 'yan, minsan ko lang ginagamit." Sabi ko sa kaniya.
"Anong balak mong gawin sa kwarto mo, disyerto?"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 205
Start from the beginning
