"Bakit na ayaw niyo kay Kuya Jaxon? Ang gwapo ko masyado para ayawan ninyo. Hindi niyo na ba ako mahal?" Madramang tanong niya sa 'min.

"Hindi!" Sabay naming sagot ni Kio sa kaniya habang salubong ang kilay.

Biruin niyo 'yon, isang gabi lang 'to, wala namang tatlong oras siyang nandito pero dalawa na kaming napipikon at nabubwisit niya. Hindi kami makaganti sa kaniya e. Parang ang dami niyang alam tungkol sa 'ming dalawa habang kami wala kaming ibang alam sa kaniya kundi ang pangalan niya lang.

Ang lakas din ng topak nito kapag nasa hulog siya e. Nagiging isip bata siya, kung tratuhin niya kami akala mo naman anak niya kami na edad tatlong taong gulang. Siraulo talaga siya e.

Sumimangot naman siya at kinagat ang kuko niya sa daliri tsaka dinura sa kung saan. Tinaas niya pa ang isa niyang paa, iba talaga ang utak nitong Kuya Jaxon namin e, kuya raw tapos mukhang lolo.

Akala mo sa kaniya bahay e 'no. Nagagawa niya ang mga bagay na minsan lang namin magawa rito samantalang kami ang may-ari ng bahay na 'to. Tinutok niya pa ang bentilador sa kaniya.

Ngumiwi ako. "Nagbabayad ka ba ng kuryente namin, Jaxon?" Tanong ko sa kaniya bago ko agawin ang electric fan sa kaniya. "Saka mo na itutok sayo kapag ikaw na ang nagbabayad ng electric bill namin."

"Parang electric fan lang, ang damot mo! Ibili pa kita ng isang dosenang ganiyan kung gusto." Sabi niya.

"Sige, ibili mo nga ako ngayon din." Paghahamon ko sa kaniya.

"Syempre biro lang. Mauubos ang ipon ko kapag ginawa ko 'yon, sistereret. Okay na ang isa sayo, isa ka lang naman." Pagtanggi niya agad.

Pagkatapos niya kaming bwisitin ay nagpaalam na siya na uuwi na raw siya dahil hinahanap na siya sa kanila. Buti naman at hinahanap pa siya, baka sa 'min pa 'to tumira ngayon e. Ayaw ko namang magkaroon ng ganito sa bahay namin.

Gusto ko na sana siya bilang kuya e. Mabait naman siya... minsan lang. Maayos naman siya kausap... minsan lang. Matino naman siyang kasama... minsan lang. Hanggang minsan lang 'yon dahil madalas nakakainis siyang kasama at kausap dahil ang lakas niyang mambwisit.

Lahat ng mga santo at demonyo matatawag mo na para lang kunin siya kapag pikon na pikon ka na sa mga pinagsasasabi niya. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nakuha ni mommy ang taong 'to.

Galing ata siyang ibang planeta e.

Tumayo kaming lahat para ihatid siya sa huling hantungan niya este ihatid siya sa gate. May dala naman daw siyang sasakyan kaya hindi na namin siya kailangang ihatid pa.

"Salamat po sa pagkain." Sabi niya habang nasa labas kami, kanina ko pa siya hinihintay na makaalis para makapunta na 'ko sa kwarto ko.

Hindi ko naman sa tinataboy ko siya... kanina pero ngayon oo dahil kanina pa ako bwisit na bwisit sa kaniya. Wala na akong pakialam kung mas matanda siya sa 'min. Lolo na nga siya e, mukha na siyang lolo.

Iniisip ko lang kung ganito rin ba siya mamikon sa mga kapatid niya. Ano naman kaya ang mga itsura ng mga kapatid niya kapag nasa bahay siya tapos dala niya ang pangit niyang pagmumukha.

Baka naman tinatakwil na nila siya sa kanila kapag nambwibwisit siya. Kahit na anong pambabara mo sa kaniya, hindi ka uubra sa kaniya. May panlaban siya palagi sayo.

Ang sarap niyang tirisin kanina, 'yung tipong gagawin mo na siyang kuto dahil pikang-pika ka na sa kaniya. Isa pa sina mommy at daddy e. Akala mo naman mga clown kami dahil sa buong oras nila kaming pinagtatawanan, hindi man lang nila tinulungang makaganti sa Jackstone na 'to.

Hindi lang namin siya mabatukan kanina ni Kio kahit na pikon na kami sa kaniya dahil kasama namin sina mommy. Kanina pa nakakuyom ang mga palad ni Kio, konting inis na lang lilipad na palabas 'yung isa. Kay Kio ang kampi ko.

"It's okay. Buti nga at nakarating ka rito ng sakto sa oras ng pagkain." Sagot sa kaniya ni daddy.

"Talagang sinaktuhan ko 'yon, tito. Para naman makalibre ako ng dinner."

Nasa isang gilid lang kami ni Kio at nakangiwing pinapanood ang pag-uusap nung tatlo. Gusto na naming itaboy 'tong isa e. Parehas pa namang nakasalubong ang mga kilay namin. Binobola lang naman niya si mommy.

"Did you like my recipes? 'Yung mga niluto ko pasado ba sayo?" Nakangiting tanong ni mommy sa kaniya.

"Yes naman, tita. Araw-araw na ata akong makikikain sa inyo—!"

"Bawal!"

"Wag, hindi pwede!"

Sabay naming inalmahan ni Kio ang sinasabi ni Jaxon. Hindi na ata namin maatim na asarin kami pa ulit niya. Ibabalik ko talaga siya sa planetang pinanggalingan niya.

Tumaas ang kilay niya tsaka niya kami inirapan. Bumaling ulit siya kay mommy ay ngumiti. Yuck, plastic ka! Plastic! "...mas masarap pa po ang luto niyo kaysa sa luto ni mommy." Pambobola niya pa.

"Silly." Natatawang sabi ni mommy. "You shouldn't say that but I'll keep it a secret." Kinindatan pa niya si Jaxon.

"Buti naman, baka mapagalitan nananaman ako kay mama kapag nalaman niya 'yon. Alam niyo naman po siya," pabitin na sabi niya tsaka bumulong na para bang may makakarinig na isa kanila. "...mabunganga."

Pinalo naman siya ni mommy sa braso para sawayin ang sinabi niya. Papaluin na lang hindi pa nilakasan, pa'no mababandal 'yan. Dapat pinalo mo 'yan sa pwet, mommy. Para naman makaganti ako kahit sa gano'n lang.

"Alam ko naman 'yon... kaya umuwi ka na dahil baka mapagalitan ka pa, ikumusta mo kami sa mama at papa mo." Sambit ni daddy at tinapik niya ang balikay ni Jaxon.

Napaisip naman ako ng wala sa oras.

'Ikumusta mo kami sa mama at papa mo.'

Ikumusta mo kami sa mama at papa mo.'

Ikumusta mo kami sa mama at papa mo.'

Ibig sabihin no'n kakilala na nina mommy at daddy ang mga magulang niya. Sa mga sinasabi nila kanina parang matagal na silang magkakakilala... may mga pinagsamahan na.

Siguro kilala rin ni Kio ang mga magulang niya, sana ako rin para naman may mapagsumbungan ako kapag ako ang iniinis niya.

"Pwede po ba akong kumain araw-araw dito? Hindi ako nagtitipid, masarap lang po talaga ang luto ninyo tapos masarap din sanang yakapin si my baby Kio at sistereret Heira." Natatawang biro niya sabay tingin sa 'min dalawa ni Kio.

"I'm not a baby and even more so I'm not your baby." Angil ni Kio.

"Asa ka namang yayakapin kita." Sabi ko kaniya bago ko siya inismiran.

Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa ng malakas. Pumasok ulit si mommy para kunin daw ang mga ulam na iniluto niya at ipapadala niya sa mga magulang ni Jaxon.

"My baby, Heira. Hindi mo pa ako yayakapin? Hug kuya, I'll kiss you. Gusto mo bang ampunin na lang kita?" Pangungulit niya pa sa 'kin.

Ang lawak ng ngiti niya sa labi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hinila ko si Kio para maghingi ng tulong pero tinulak niya lang ang braso ko atsaka pumasok sa loob.

"Kio! Hoy! Bumalik ka rito! Hoy!" Tawag ko sa kaniya pero hindi man lang siya lumingon. Pagsisisihan mo na iniwan mo 'ko rito.

Bumaling ako kay Michael Jaxon. "Ayaw ko nga! Baka alilain mo lang ako ro'n!" Sabi ko sa kaniya at tinulak siya papasok sa kotse niya. "Sige alis na, Kuya Jaxon. Kung babalik ka man, sana 'wag kang magdala ng kabwisitan ha. Baka mayakap kita ng mahigpit sa leeg." Sabi ko sa kaniya bago ko inaabot sa may bintana niya ang ulam na pinapadala sa kaniya ni mommy.

Kinawayan lang siya nina mommy at daddy. Pinanood lang namin siya hanggang sa mawala sa paningin namin ang kotse niya. Napahilot na lang ako sa sentido ko.

Nakakaimbyerna ang kuya namin na 'yon.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon