"Kalma ka lang, hindi ka kauubusan. Gabi na." Sabi niya pa habang pinapanood niya akong maglagay ng pagkain sa platito ko.

Kumain na lang ako at hindi na sila pinansin dahil mga asungot sila sa pagkain ko. Wala silang mga dulot, ang sama nila, akala mo naman pati lalagyan kakainin ko. Ang pangit nila kabonding.

Nang matapos kaming kumain ay tumulong kami sa pagliligpit. Sisibat na sana si Michael Jaxon pero pinigilan namin siya ni Kio. Pagkatapos niyang makikain sa 'min hindi siya magliligpit? Ang kapal naman ng fezlak niya.

Wala siyang nagawa kundi ang kamutin na lang ang noo niya at nakasimangot na pinunasan ang lamesa. Kami na ni Kio ang nagligpit nung mga plato at inilagay 'yon sa lababo para hugasan na ni Aling Soling.

Inaya pa muna nila daddy si Jaxon sa may sala para magpahinga, nakakapagod na pala ang kumain ngayon 'no? Hindi naman ako nainform, pinapababa na pala ang kinakain ngayon.

"Gabi na, Jaxon. Hindi ka pa ba uuwi?" Sabi ko.

Pekeng ngiti ang pinakita ko sa kaniya, magkadikit pa ang ngipin ko sa taas at baba habang madiing sinasabi 'yon. Kanina pa niya ako binabara e. Magkasundo ata sila ni Kio. Parehas na marunong mamikon.

"Sistereret, ayaw mo ba ako rito sa bahay ninyo? Ayaw mo bang nakakakita ka ng gwapo?"

Ngumiwi naman si Kio. "Sistereret? Ikaw? Gwapo? Asa." Pambabara niya sa isa.

"Kio naman... ikaw pa rin ang baby ko kaya 'wag ka ng magselos kay sister Heira, halika na rito, ikiss na lang kita." Sagot naman nitong isa tsaka niya nilapitan si Kio.

Akmang yayakapin niya siya pero inilagay ni Kio ang palad niya sa mukha ni Jaxon. Pinipilit niya siyang palayuin pero mapilit 'tong isa. Talagang pinakanguso niya pa, desididong halikan ang kakambal ko.

Tinatawanan lang siya ng mga magulang namin. Imbis na iligtas nila kami sa lason, tumawa pa talaga sila. Lumayo na agad ako dahil baka ako naman ang isunod niya. Masasapak ko na lang siya kapag ginawa niya 'yon.

Tumabi ako kay mommy at sumiksik sa kaniya. Mas mabuti ng lumayo sa lason kaysa sa pigilan pa. Kahit ako natatawa sa itsura nung dalawa. Para namang gago 'yung Jaxon, nagladlad na ata siya.

"Lumayo ka sa 'kin, Jaxon." Utos ng kapatid ko. "Subukan mong ilapat sa mukha ko ang nguso mo sa balat ko, papaduguin ko 'yan." Dagdag niya pa kaya naman tumigil  'yung isa.

Napaatras naman ako ng tumingin siya bigla sa 'kin. Mas sumiksik pa ako sa likod ni mommy ng ngimisi siya ng nakakaloko. 'Yung ngisi niya parang nasapian ng sampong demonyo e. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin pero bago niya pa ako mahawakan ay pinagbantaan ko na siya.

"'Wag mo akong hahawakan, Jaxon. Subukan mo lang kundi tatanggalin ko 'yang ngala-ngala mo!" Pagbabanta ko sa kaniya. "Sabing 'wag kang lalapit e!" Sigaw ko tsaka ko siya dinuro-duro gamit ang ballpen ni daddy, hiniram ko lang sa kaniya saglit para sana may magamit ako.

Marami namang ballpen si daddy kaya sigurado akong hindi niya naman hahanapin 'to kahit na mawala pa 'to. Ipupupukpok ko talaga sa kaniya 'to kapag ginawa niya sa 'kin ang ginawa niya kay Kio.

"Halika na rito, sistereret. Ikaw na lang ang i-ha-hug ni Kuya Jaxon." Pagpupumilit niya pa at inilahad niya sa 'kin ang kamay niya. "Ayaw na sa 'kin ni baby Kio kaya ikaw na lang ang baby ko, baby Heira."

"Baby mo mukha mo. Baby damulag na 'yan kaya hindi mo na mapipilit. 'Wag mo akong yayakapin kundi isusungalgal ko sayo 'tong ballpen na hawak ko."

Natigilan naman siya at hinawakan ang dibdib niya na para bang nasasaktan siya sa sinabi ko. Ngumiwi ako at inambahan siya ng batok pero umiwas siya. Takot naman pala siya e. Binalik ko na lang kay daddy ang ballpen niya, mukhang hindi ko na kailangan pa 'to dahil umamo na ang aso.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now