"Ang dami mong nakain, mag-f-fruit salad ka pa?" Pinagtaasan ako ng kilay nitong lampayatot.
"Hindi pa 'ko busog, kunin mo muna dali." Sabi ko pa.
"No. Drink a lot, don't eat too much, nakakabangungot 'yan." Pananakot niya.
"Hindi 'yan, ang konti lang nung kinain ko e. Appetizer pa lang 'yon." Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Appetizer your face. Tumayo ka na, magpahinga ka na then sleep tight. Magdiet ka naman, kawawa ang pagkain sayo. Nauubos." Sarkastikong sabi niya sa 'kin.
"Wala akong pakialam, wala namang mangyayaring masama, para isang platito lang e. Patikim lang." Pagpupumilit ko.
"Tikim lang tapos mamaya pati 'yung lalagyan halos ubusin mo na."
"Luh, ang sakit mo naman magsalita. Ikaw lang naman ant mahinang kumain sa 'ting dalawa kaya lampayatot ka."
"I don't care. Ang mahalaga hindi ako coca-cola body na 1.5 liters kagaya mo." Ganti niya.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Wag mo na akong gantihan, kunin mo na lang, sayang naman malulusaw lang." Pang-uuto ko pa.
"No. We can put it back in the refrigerator so it doesn't melt. Huwag kang mag-alala, bukas mo na lang kainin." Walang kwentang sagot niya tsaka niya ako inismiran.
"Are you already working? Ang dami mong alam sa company ah." Pagpupuri ni daddy kay Michael Jaxon.
"Yes, tito. I'm a working student. Nag-iipon lang ako pero wala naman akong pinaglalaanan."
"Ayaw mo ba akong bigyan kahit limang piso lang?" Sabat ko sa usapan nila. Tumigil naman sila tapos tumingin sila sa 'kin na may nagtatakang tingin. "Sabi mo nag-iipon ka? Sa piggy bank ba? basagin natin." Dagdag ko pa.
Tumawa naman sila ng malakas, kulang na lang mabununan siya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Hindi naman joke 'yon, walang joke sa sinabi ko. Bakit kayo natatawa, funny ba 'yon? Mga funnywalain.
"Sa bank ako nag-iipon, not on a piggy bank. Baka sundutin ko lang 'yon." Sagot niya sa 'kin.
"Pwede pala 'yun..." Bulong ko sa sarili. Bumaling ako kay daddy. "Daddy may slot pa ba na pwedeng pasukan sa company niyo?" Tanong ko, gusto ko ring mag-ipon para makabili ako ng house and lot.
Joke lang.
"Mero'n pero hindi naman kita hahayaang mag-apply. The allowances I give you are enough... higit pa nga for your daily expenses." Sagot ni daddy.
"Kahit janitress lang, daddy."
"No. Hindi ka papasok do'n." Seryosong sagot ni Jaxon. "Hindi ka pwede ro'n, hindi ka nga ata marunong maglinis ng kwarto mo, company pa kaya?" Dagdag niya, halatang nang-iinsulto siya e.
"Edi 'wag." Sabi ko na lang saka sumimangot. "Pakiabot naman nung fruit salad." Siya na ang kinausap ko, ayaw naman akong bigyan nitong kapatid kong magaling. Napakadamot niya akala mo naman uubusin ko 'yon e.
"Ang dami mo ng nakain, sistereret. Hindi ka pa ba busog? Baka naman maimpatso ka niyan." Sabi niya habang nakangiwi.
"Hindi pa." Sinserong sagot ko sa kaniya. "Kaya kunin mo na bago pa mag-init ang ulo ko sayo." Dagdag ko pa kaya agad niyang kinuha ang tupperware at iniabot sa 'kin 'yon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 204
Start from the beginning
