Wala naman akong pakialam do'n. Hindi ko naman siya kaibigan, hindi naman siya kabilang sa mga tinatawag ko na 'hudlong' kasi 'kulapo' siya, isa siyang amag. Amag! Amag!
"We're close to home, Yakiesha. 'Wag kang magulo dahil baka maaksidente pa tayo. And can you just shut up first, patahimikin mo muna ang mga tenga ko." Inis na sab niya.
Nasa subdivision na nga pala kami. Sumimangot na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita. Ang sungit-sungit niya, akala mo naman babae siyang may regla. Ibalik ko na lang kaya 'yung oras na mabait siya... ibalik ko 'yung kagabi?
Nang makarating kami sa bahay ay tumalon na lang ulit ako bago pa kami makapasok sa gate. Napapikit pa ako ng mariin ng muntikan pang tumama ang pinto ng kotse niya sa may papabukas na gate.
Ngumiti na lang ako at nagpeace sign sa kaniya, sinaman niya ako ng tingin, bago pa niya ako masigawan ay mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay. Nagtanggal ako ng sapatos ko at hinanap sina mommy.
"Mommy! Nandito na po kami!" Sigaw ko habang tinatanggal ang mga medyas ko.
Nakahawak na nga ako sa pintuan dahil natutumba ako, isang paa lang ang ginagamit ko para makatayo. 'Yung isa naman tinatanggal ko ang medyas. Ang baho.
"Aaaaah!" Sigaw ko ng may tumulak na lang bigla sa 'kin.
Bahagya lang 'yon pero isang paa lang ang gamit ko kaya ayun tuloy-tuloy ang pagtumba ko. Patanggal na sana e kaso biglaan na lang akong natumba at naunang tumama sa noo ko ang sahig.
Tumayo ako agad, alangang magswimming pa ako sa sahig. Sinamaan ko ng tingin si Kio na nasa tabi ko lang pala, nagtatanggal din ng medyas. Kokotongan ko na sana siya pero naunahan niya ako.
"Kanina ka pa ah!" Sabi ko sa kaniya at kinamot ang ulo ko, binatukan niya kasi ako.
King inang 'to, tatanggalin niya ata ang ulo ko. Kagabi pa siya. Una noo tapos ngayon batok naman. Nagiging amazona na rin siya. Hindi pa siya pwedeng mag-asawa baka kawawain niya lang 'yung asawa niya.
"You almost scratched the door of my car, are you a ninja?" Inis na tanong niya sa 'kin.
"Hindi. Tao ako, nakikita mo naman 'diba." Pilosopong sagot ko sa kaniya.
"Hindi pa nga ako nakakaparada ng maayos lumalabas ka na ng kotse. Kung magpapakamatay ka, 'wag mo ng idamay ang kotse ko." Sabi niya saka ako nilampasan.
"E ang bagal mong magparada, kaya nauna na akong lumabas." Sigaw ko sa kaniya.
Pero hindi niya ako pinansin, kung pwede lang na ihagis ko sa kaniya ang mga medyas ko, ginawa ko na pero baka gantihan niya ako kaya 'wag na lang. Sumunod na lang ako sa kaniya.
Umupo kami sa sofa. Kabilaang dulo nananaman kami. Hindi na talaga ako lalapit sa kaniya. Ang sakit kaya ng pambabatok niya. Lumabas si mommy mula sa kusina na may dalang isang tupperware at mga platito.
"Kumain na muna kayo ng miryenda niyo. Binili namin 'yan ng daddy niyo kanina." Bungad niya sa 'min.
Umupo siya sa gitna naming dalawa ng kapatid ko atsaka niya kami pinagsandok nung mango graham cake. Mukhang masarap 'yon ah. Kukunin na sana ni Kio ang binigay ni mommy pero inunahan ko na siya para naman makaganti ako sa pambabatok niya sa 'kin.
"Ako muna. Mamaya ka na." Sabi ko na lang at kumain na.
Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain ng ganito, matagal na rin kasing hindi gumagawa ng mango graham cake si mommy e. Nginiwian langa ko ni Kio at inambahang ihahagis sa 'kin ang kutsarang hawak pero nakita agad siya ni mommy kaya naman hindi na niya naituloy 'yon.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 203
Start from the beginning
