Hindi na humabol sa 'kin si Kio, baka inaayos niya pa ang sasakyan niyang muntikan ng magasgasan dahil sa bigla kong pagbukas sa pintuan. Nauna na tuloy kaming pumasok sa B.A.U.
Siguradong may tatawagan pa 'yon. Walang mintis 'yon, palaging may tinatawagan bago pumasok. Hindi ko alam kung sino pero alam kong 'yun 'yung taong kausap niya sa telepono nung nasa resort pa kami.
Kio niyo lumalove-life na.
"Good morning!" Bati ko sa kaniya.
"Good morning." Ngumiti siya. "Nagkaayos na kayo? Uh... I mean, are you two are talking Nagkaayos na kayo?to each other?" Si Adriel na ang unang nagtanong.
Tumango ako. "Oo, ayos na kami." Sagot ko sa kaniya.
"Good to hear that. E si Kayden... papansinin mo na rin ba?" Tanong niya kaya naman natutop ako.
Ilang saglit muna ang lumipas bago ako sumagot sa kaniya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago tumingin sa kaniya. Nagtatanong... nagtataka at umaasa ang mga mata niya.
"Hindi ko pa alam..." Sabi ko sa kaniya.
"Why? He's sorting things out between the two of you, can't you see that?"
"Nakikita ko naman pero... basta! Pwedeng 'wag na lang natin siyang pag-usapan? Bahala na kung kakausapin ko na siya o hindi, ang mahalaga buhay." Sabi ko na lang sa kaniya at nagpaunang maglakad sa kaniya.
Sumunod naman siya, pero bago kami makapasok sa loob ng room ay may binigay siya. Isang chukie, kumunot ang noo ko pero tinanggap ko naman 'yon, sayang naman 'yon kung tatanggihan ko pa.
"Salamat." Sabi ko sa kaniya bago pumasok sa loob. "Bakit mo pala ako binigyan ng ganito?" Tanong ko sa kaniya.
Umupo muna ako sa tabi niya tutal wala pa naman ang taong nasa pwesto 'yon. Kinuha ko ang straw saka sinimulang inumin, malaki naman 'yon tapos malamig pa.
"Because I don't know how to lighten your heavy feelings so I just thought of giving you a chuckie. Are you feeling okay?" Nakangiting tanong niya.
"Uhm!" Tumango ako. "Ayos na, may chuckie na ako e!" Pagmamayabang ko pa sa kaniya. "Salamat pala rito."
"Ilang salamat pa ba ang sasabihin mo? It's nothing. I'm your... friend and I want to make you happy." Sambit niya tsaka nag-iwas ng tingin.
"Naks naman! Ayos lang 'yan, ipagpatuloy mo lang para nakatipid ako." Masayang tugon ko tsaka ko siya kinindatan bago ako tumayo at umalis sa kinauupuan ko dahil nakita ko na si Kayden na papasok ng room.
Nagtama pa ang mga paningin namin pero nag-iwas na lang ako ng tingin. Nagtagilid na lang ako dahil parehas kami ng dinaraanan. Muntikan ng magkabunggo ang mga balikat namin buti na lang nakaiwas agad ako.
Umupo ako sa pwesto ko, ro'n sa pwesto ko kahapon. Bahala na si Kio na mag-isa ro'n. Wala naman siyang kwentang kadaldalan, buti pa si Eiya, maraming dalang chismis. Kaso wala pa siya pati 'yung batang hapon wala rin siya.
Late ba ang mga 'yon? Kinuha ko na lang ang pagkain ko sa bag, syempre titingin silang lahat sa 'kin kaya naman tinago ko ulit 'yon. Ang lakas ng pandinig ng mga 'to, kaluskos pa lang ng plastic naririnig na nila.
Kinuha ko ang notebook ko at binasa ang mga nakasulat do'n. Anak ng tokwa... may assignment nga pala kami sa last subject namib kahapon. Bakit ba hindi ko naaalala 'yon?
Tumayo ako at kinalbit si Kio. Tumingin naman siya agad sa 'kin at pinatay ang cellphone niya. Ngumiti ako ng nakakaloko... nang-aasar.
"What do you want?" Masungit na tanong niya.
"Magtatanong ka na lang tapos salubong pa ang mga kilay mo e 'no?"
"Spill it. Naglalaro pa 'ko."
"Sus, naglalaro raw pero may kachat. Sino 'yon?"
"None of your business." Madiing sagot niya kaya alam kong napipikon na siya sa 'kin. "Anong kailangan mo, Yakiesha? Kung aasarin mo lang ako, go... don't bother me." Pagtataboy niya sa 'kin.
"May assignment ka?" Tanong ko sa kaniya. "'Yung sa Filipino! Pakopya ako, nakalimutan ko e."
"Tss." Singhal niya sa 'kin
Kinuha niya ang bag niya mula sa likod, akala ko pa naman 'yung notebook ang ihahagis niya, 'yung bag niyang mabigat pala. Sinapo ko naman 'yon, muntikan na akong matumba.
"Ang bigat." Sabi ko sa sarili ko. "May ginto ba 'to?" Tanong ko sa kaniya.
"Kung makahanap ka edi sayo na." Walang ganang sagot niya sa 'kin bago niya buksan ang cellphone niya.
Kinalkal ko naman ang bag niya. Napanganga na lang ako, ang ayos ng gamit niya. Hindi kagaya ng sa 'kin na kulang na lang magmukha ng basurahan. Nakakapanghinayang namang hawakan ang mga notebook niya, baka magulo kasi ang mga 'yon kapag kumuha ako ng notebook niya.
Dahan-dahan ko lang hinahanap ang Filipino notebook niya. Wala man lang singit-singit na papel o kaya naman plastic sa bag niya. Nahiya 'yung mga eroplanong ginawa namin ni Kenji na nakasingit sa mga notebook at pape ko.
"Oh, sayo na 'yang bag mong mabigat." Pagbabalik ko sa kaniya ng makita ko na ang hinahanap ko.
"Isusumbong kita kay daddy na hindi ka na gumagawa ng assignment, puro ka na lang kumakain." Pagbabanta niya. "I always see you eating. Try to do diet."
"Ayaw ko, baka mamatay lang ako ng wala sa oras." Pagkain ang buhay ko.
Kinopya ko lang ang assignment namin. Iniba ko na lang 'yung ibang mga salita, masyadong malalalim 'yon tsaka baka mahalata pa kami nung teacher namin. Hindi ata nila alam na kapatid ko si Kio.
Kinagat ko ang dulo ng ballpen ko habang iniintindi ang sinulat niya. Hindi naman pangit ang sulat niya, hindi ko lang talaga alam ang ibig sabihin ng mga salita na nilagay niya.
"Anong sinusulat mo, Yakie? Love letter?" Bungad sa 'kin ng batang hapon sa 'kin saka siya umupo sa tabi ko.
"Assignment." Sagot ko tsaka ko ginulo ko ang buhok ko. Dapat pala sumagot na lang ako kagabi para hindi ako nahihirapan ngayon. "Pagsulat mo nga ako, Ji." Sabi ko sa kaniya.
"Ayoko nga. Matanda ka na, kaya mo na 'yan." Tugon niya. "Pasulat ka kay Kayden, maganda ang sulat no'n." Dagdag niya pa kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko, naiwan ang ballpen sa bibig ko.
"...'Diba, Kayden?" Tawag niya pa, nakita ko siyang kumindat. Natampal ko na lang ang noo ko saka ako napailing. "Pagsulat mo raw si Yakie— hmm hmm hmm." Pagkawag niya ng takpan ko ang madaldal at maingay niyang bunganga.
Lumingon ako sa Kulapo kahit na ayaw kong gawin 'yon. Nasandal lang siya at himala, nakapolo siya pero hindi naman namin uniform 'yon. He was wearing a long-sleeved white polo shirt with two buttons open so I could barely see his chest. Magulo ang buhok niya at basa pa 'yon.
Tumaas ang noo niya na para bang nagtatanong kung ano ang nangyayari, hinayaan ko na lang siya ng gano'n. Hindi ako nagpahalata na naninibago ako sa suot niya. Bumalik ang tingin ko sa notebook ni Kio, ilang sentences na lang naman 'yon matatapos na rin ako.
"'Wag kang mag-iingay ng walang katuturan, Ji. Hindi kita bibigyan mamaya nung dala kong cookies." Pagbabanta ko sa kaniya bago ko siya bitawan. Tumango naman siya at nagdrawing na lang ng tao sa papel na nasa harapan niya.
Sinulat ko na lang kung ano ang nasa notebook ni Kio. Hindi naman siguro nila mahahala 'to. Nawala na kasi sa utak ko ang mga pwedeng isagot, bwisit kasi 'tong si Kenji e. Nang matapos ako ay tumayo na ulit ako tapos kinalbit ko nananaman si Kio.
"Yakiesha!" Gulat na sabi niya kaya naman pati ako napatalon na lang.
"Luh, inaano kita?" Natatawang sabi ko sa kaniya. "Ibabalik ko lang sayo 'tong notebook mo. Bakit gulat na gulat ka? May tinatago ka 'no?" Pang-aasar ko sa kaniya, kunwari akong nanghihinala.
"Tsh! Wala 'no. Just put the notebook you borrowed in my bag again." Inis na sabi niya tsaka niya initsa ulit ang bag niya sa 'kin.
"Makaatsa ka naman. Hindi ka na sana replyan!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 202
Start from the beginning
