"Uhm..." Tumango siya. "I'm used to eating this." Sagot niya.
"May nakakain ka pa ba? Parang hindi man lang ako mabubusog kung ako ang kakain niyan."
"Well... ako naman ang kumakain nito, hindi ikaw kaya talagang hindi ka mabubusog." Pilosopong sagot niya.
"Alam mo, isang araw ka lang talagang nagiging mabait 'no? Hanap kaya ako ng lason — este potion na pwedeng ipainom sayo para buong taon ka maging mabait."
"No need. 'Wag kang tanga, Yakiesha, hindi totoo ang mga gano'n. Kumain ka na nga, ang bagal mo." Salubong na kilay na sabi niya.
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago namin kunin ang mga gamit namin tsaka sumakay sa kotse niya. Papasok na sana ako ro'n sa harapan pero tinaas niya ang kamay niya para pigilan ako.
"Ano nananaman?" Singhal ko sa kaniya.
"Sinabi ko bang sumakay ka?"
"Ay ayaw mo ba? Pwede naman, nay bike naman ako." Akmang tatalikuran ko na siya nang magsalita ulit siya, napangisi na lang ako.
"Fine. Hop in, dalian mo. Palagi ka na lang matagal." Inis na sabi niya sa 'kin, sumuko rin ang kumag.
Sumakay ako sa shotgun seat nang nakangiti, namiss kong sumakay sa kotse niyang mas mabango pa sa 'kin. Sininghot-singhot ko ang amoy, ang lamig sa ilong. Kung ganito ang amoy ng kwarto ko hindi na ako lalabas.
"Para kang aso sa ginagawa mo. Tigilan mo 'yan." Saway niya sa 'kin.
"Ang bago e." Sabi ko tsaka mahagyang tumawa. "Anong pabango mo?"
"Hindi ko pabango 'yan, it's the car's scent." Sagot niya sa 'kin bago niya paandarin ang sasakyan niya.
"Ang bagal mo namang magmaneho, gusto mo, ako na lang ang mag-drive? Babagalan ko lang." Sabi ko sa kaniya at ngumiti ng malawak.
"Its a scam. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo." Sabi niya tsaka umangat ang gilid ng labi niya. "You always tell me that, and then when you drive, you almost mess up everything we go through."
Ngumuso naman ako. "Mabagal lang naman ang pagmamaneho ko e. Ikaw lang 'yung takot na takot d'yan." Pang-aasar ko sa kaniya.
"I'm not afraid we might have an accident, I'm afraid of those you will collide with. Iwas gastos, Yakiesha."
"Sus—!"
"Mananahimik ka o papababain kita rito sa gitna ng daan na 'to?" Pagbabanta niya sa 'kin.
"Sabi ko nga." Pagsuko ko at zinip ang bibig ko.
Sakto lang ang pagmamaneho niya, hindi mabilis, hindi mabagal pero naiinip ako sa kaniya. Umayos ako ng upo at tumingin sa bintana. Ang aga pa pero inaantok na ako.
Agad din naman kaming nakarating sa university dahil wala namang masyadong sasakyan sa daan, walang mga asungot. Bumaba ako ng sasakyan kahit na hindi pa nakakaparada ng maayos, nagulat pa nga si Kio dahil sa pagtalon ko e.
Kumaway lang ako sa kaniya at sinabayan si Adriel sa paglalakad. Palagi ko namang nakakasabay ang hudlong na 'to e. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba o talagang hindi siya pumapasok hanggat hindi niya ako kasabay.
Ginulo ko ang buhok niya kaya naman napapikit siya. Syempre nakakakiliti 'yon, parang sinusuklayan ko lang siya gaya ng panunuklay sa 'kin ni Kio kagabi.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 202
Start from the beginning
