"Sabi mo e. Friends lang pala kayo pero bakit hindi mo sinabi sa 'kin na may kaibigan ka na pala rito?" Nakangusong sabi ko sa kaniya. Humikab ako, nakakaantok naman kasi ang pagsuklay niya sa buhok ko.

"Do i still have to answer that?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay.

"Oo naman." Ngumiti ako ng nakakaloko.

"I also don't know how to answer your question. Una nung hindi ka agad umuwi tapos may bugbog at pasa ka pang dala kaya nagalit ako, hindi na kita nakausap ng maayos no'n. then I found out that you two were fighting in the canteen so I didn't have enough time to tell you... na kilala ko siya."

"Kahit na. Dapat sinabi mo pa rin sa 'kin na may kaibigan ka na rin pala rito, kahit bago pa ako nakipagbasagan ng ulo— aray!" Daing ko na lang ng pitikin niya ng malakas ang noo ko.

"Proud ka pa talaga na nakipagbasagan ka ng ulo 'no? Akala ko pa naman nakauwi ka na ng ligtas no'n. Be thankful that mommy wasn't there that day, sigurado akong masesermunan ka." Sabi niya, hindi na niya pinansin ang mga sinabi ko sa kaniya.

"Sus, takot ka lang niyang mapagalitan kasi hindi mo ako sinabay no'n."

"How can I take you home with me when you were riding a bike." Sarcastic na sabi niya sa 'kin, napasimangot naman ako.

"Edi wow." Sabi ko na lang. "Pero 'yung totoo, kailan mo siya nakilala?" Pagpupumilit ko.

"Matagal na... nung nasa New York pa ako, I guess." Sabi niya sa 'kin.

"Nasa New York ka pa no'n?!" Gulat na tanong ko sa kaniya. "Ang tagal na pala..." Bulong ko sa kaniya tsaka humarap ulit sa tv.

"'Wag kang gumanyan, Yakiesha. We have been busy for the past few weeks and months kaya naman hindi ko pa nasasabi sayo. Sometimes I even forget because there's a lot of thoughts I have." Sinserong sabi niya kaya naman tumango na lang ako bago ako humarap ulit sa kaniya.

"Ang laki ng butas ng ilong mo, kita ko ang kulangot mo— aray!"

"Ayan, basta sa kalokohan, ang galing mo." Inis na sabi niya.

Napanguso na lang ako at hinaplos ang noo kong kanina pa niya pinipitik. Kapag namula niyan 'to, sasakalin ko na lang talaga siya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang sinusuklayan niya ang buhok ko.

-

Nagising ako na nasa kwarto na ako. Tumayo ako at inaantok na pumunta sa banyo, nakapikit pa nga ako ng magsepilyo ako ng ngipin ko, ayaw ko na ngang maligo pero ang asim ng kili-kili ko dahil sa pawis.

"Yakiesha, bilisan mo, aalis na 'ko." Sabi ni Kio tapos kumatok siya sa pinto ko.

Hindi ko na lang siya sinagot at agad na lumabas ng kwarto ko. Nginiwian niya ako tsaka inirapan bago nagpaunang bumaba. Sabi na e, sandali lang 'yung pagiging mabait niya tapos babalik na siya sa pagiging masungit.

Tumuloy muna kami sa kusina at naghanda ng pagkain. Mukhang tulog pa sina mommy dahil mag-aalas dos na ng marinig ko ang kotse ni daddy. Siguradong pagod sila niyan. Hindi ko alam kung bakit pa sila nagpapakahirap sa trabaho e ayos naman ang buhay namin ngayon.

"Mabubusog ka niyan?" Nakangiwing tanong ko sa kaniya.

Konting cereals lang na may isang mangkok ng gatas lang ang kinakain niya, nahiya ang kanin, hotdog at bacon na nasa plato ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang kinakain niya, kaya siguro payatot pa rin siya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now