"Yakiesha, what happened?" Tanong niya. Hindi ako sumagot at napapikit na lang ng mariin, parang nilalamutak ang mga kalamnan ko. "Yakiesha... fuck! Tell me! Anong masakit sayo?" Nag-alalang tanong niya.
Lumapit siya sa 'kin saktong sa paanan ko pa siya huminto kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at nasipa ko siya. Sa lakas no'n tumilapon siya sa sahig.
Hindi ko naman sinasadya 'yon. Sobrang sakit lang talaga ng pakiramdam ko ngayon. Nakita ko ang pagtayo niya, nakangiwi siya at hawak ang tyan niya, nasaktan ata siya sa ginawa ko.
Wala na akong pakialam kung magkaaway kami ngayon. Basta natawag ko na lang ang pangalan niya. Buti na lang hindi si Aling Soling ang natawag ko, ayaw ko naman na masipa ko siya.
"Yakiesha, dadalhin kita sa hospital." Sabi niya pero umiling ako. "Fuck, what the hell is happening with you? Tell me." Hirap na sabi niya sa 'kin. "May sakit ka ba? Gusto mo bang tawagin ko na sina mommy?"
Umiling lang ako sa kaniya at tinalikuran siya. Kinuha ko ang unan tsaka ko inilagay sa tyan ko. Pinatay ko ang electric fan. Naging magaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano kaya naman nakatulog ako agad.
Kinabukasan ay medyo nawala na ang sakit. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa pagtulog ko kaya nawala 'yon o dahil wala lang talaga 'yon. Maaga akong nagising dahil maaga akong nakatulog.
Hindi na nga ako nakakain ng hapunan kagabi, hindi ko rin naman maramdaman ang gutom. Naalala ko lang ay 'yung pagsipa ko kay Kio kagabi, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin nito.
Pumasok ako sa banyo at naligo ng mabilisan. Nanlalambot pa rin ako.
Bumaba ako at pumunta sa kusina. Buti na lang at wala na si Kio ngayon, hindi ko alam kung late ba ako o sadyang ang aga niya lang talagang pumasok ngayon kaya hindi ko na siya makita ngayon.
Sobrang tahimik ng bahay. Tanging pagwawalis lang ni Aling Soling ang naririnig ko. Tirik na ang araw kahit anong oras pa lang. Kumain na lang ako ng kaunti dahil ayaw tanggapin ng tyan ko ang pagkain na kinakain ko.
Isa itong himala.
Parang papayat na ata niyan ako ah. Nagpahinga lang ako saglit. Kukuha na sana ako ng tubig sa may ref ng may makita akong note na nakadikit sa ref, ngayon ko lang nakita 'to, pansin na pansin ko 'yon dahil nag-iisa lang naman 'yon.
'Drink the meds in the cabinet. Eat first.
-Kio
Tumingin naman ako sa cabinet pero hindi ko alam kung anong pwede kong inumin kaya naman pinabayaan ko lang 'yon dahil hindi naman na sumasakit ang tyan ko.
Umalis na lang ako ng walang paalam, tinatamad na akong pumunta sa likod para magpaalam kay Aling Soling. Pagkarating ko sa parking lot ng B.A.U. ay nakasabay ko sa pagpasok si Asher.
"Good morning." Bati ko sa kaniya.
"Good morning din. Maaga ka ata ngayon?"
"Oo, maaga kasi akong nagising." Sagot ko sa kaniya habang naglalakad kaming dalawa.
"Buti naman."
"Anong buti naman?"
"Buti naman maaga kang nagising. Palagi ka na lang nahuhuli e."
"Masarap matulog e— aray." Daing ko at napahinto sa paglalakad dahil sumakit nananaman ang puson ko.
"Heira, are you okay? What the fuck." Rinig kong sabi niya bago ako nawalan ng malay.
Ano bang nangyayari sa 'kin?
"She's suffering from dysmenorrhea, it's normal for us, don't worry about it."
Nagising ako sa isang puting lugar. Kinusot ko ang mata ko dahil medyo nanlalabot pa ang paningin ko. Nang umayos na 'yon ay tumingin ako sa paligid at napagtatanto na nasa clinic pala ako.
"Gising ka na pala." Sabi ni Asher.
"Aray..." 'Yon ang una kong nasabi dahil parang nilalamon na agad ako ng sakit ng puson ko.
Tumalikod ako at binaluktot ang katawan ko. Parang pinapalipit ang mga kalamnan ko dahil sa sakit. Kailan ba matatapos 'to? Ano bang nangyayari sa 'kin at ganito ang mga nararamdaman ko ngayon.
Buntis ba ako?
Ay, mali. Pa'no ako mabubuntis kung wala nama akong naka-ano. Tsaka wala naman ata sa sintomas ng pagbubuntis ang pananakit ng tyan e. Ibig sabihin hindi naman 'to senyales na nagdadalang tao ako, nagdadalang tae pwede pa.
"Hey." Tinapik ni Asher ang balikat ko, nag-aalala ang boses niya.
Kanina ko pa kasi sinusuntok-suntok ang puson ko. Ang sakit talaga tangina lang. Hindi na nga ako nakakain ng marami kanina tapos dumating nananaman ang sakit na 'to. Balak na ata nila akong papayatin kaya ganito.
"Heira..." Tawag niya pa sa 'kin pero kinibot ko lang ang balikat ko para patigilin siya. "Your skirt... has a blood stain."
Ano raw?! Blood stain... ang palda ko?!
Putragis na kamalasan 'to oh!
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 200
Start from the beginning
