"Baka kasi lunukin mo tapos isisigaw mo pa ang ‘DARNA!’" Umakto pa siyang parang isang superhero. Nakataas ang isang kamay tapos nakapamewang pa.
"Sa tingin mo ba malulunok ko 'yan? Hindi naman malapad ang esophagus ko, try natin sayo?" Pagsakay ko sa trip niya.
"Ayaw ko nga, baka magkaro'n ako ng Adam's apple ng wala sa oras. Sayang ang cute kong boses." Sabi niya at pinaliit ang boses niya.
Aning.
Naging nuno ang gunggong. Kinuha ko ang bola at pinatalbog 'yon, agad akong kumuha ng mga 'jacks.' Kinuha ko na lahat para masaya kaso hindi ko na makita kung nasaan ang bola. Napalakas ata ang pagkakatalbog no'n.
"Kung patalbugin mo ang bola parang nagbabasketball ka ah." Natatawang sabi ni Xavier at binato sa mukha ko ang maliit na bola. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit ba kasi ang talbog ng bola na 'to, Ji. Hindi ba pwedeng base ball na lang ang gamitin natin?"
"Kaya nga jackstone, Yakie. Maliit lang ang bola. Kung ayaw mo ng matalbog na bola, golfball ang gamitin mo." Sagot niya bago niya agawin ang mga laruan niya sa 'kin at kumaripas ng takbo. Hahanap siya ng ibang kalaro, sigurado ako ro'n.
Umupo na lang ako ulit sa pwesto ko tsaka nagbasa ng libro. Natapos ang klase namin ng wala akong naalala sa mga tinuro nila. Pasimple kasi kaming kumakain ni Kenji, panay ang pagyuko naming dalawa.
Habang nasa daan ako, nagpepedal ako bigla kong naramdaman na parang pinipilit ang puson ko. Huminto ako saglit, baka nabigla lang ang kalamnan ko dahil sa kakamadali kong makauwi ng bahay.
Hinilot ko ng bahagya ang puson ko, nawala rin ang sakit no'n. Dahan-dahan na lang akong nagpedal pauwi ng bahay, baka kasi sumakit nananaman ang puson ko. Siguro nabigla lang talaga ang puson ko kanina.
Pumasok ako sa bahay namin, nadatnan ko si Kio ro'n sa may sofa, nakaupo at nagcecellphone. Agad siyang tumayo ng makita niya ako pero nagmadali akong umakyat ng kwarto at nilampasan siya.
Sigurado naman akong kukulitin niya lang ako, baka nga paaminin niya pa ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Hanggat hindi niya pinapalamig ang ulo niya, hindi talaga kami magkakaayos.
Dumeretso ako sa kwarto ko at humiga na. Mamaya na ako maliligo. Namilipit na lang bigla sa sakit ang tyan ko, agad akong pumasok sa banyo pero wala naman akong nailabas kahit hangin wala.
Umupo ako sa gilid ng kama. Para akong naiiyak dahil sa sakit no'n. Hinawakan ko ng mahigpit ang tyan ko para maibsan ang sakit no'n. Wala pa sina monmy, hindi ko alam kung anong gamot ang pwede kong inumin.
Kanina pa 'to ah. Sinapak-sapak ko ang tyan ko at patuloy na binubulong ang 'ang sakit ng tyan ko.' Alam kong wala namang makarinig sa 'kin, ginagawa ko lang 'yon para maibsan ang sakit no'n.
Nagpagulong-gulong ako sa kama. Kailan ko ba huling naranasan ang ganito kasakit na nararamdaman? Hindi ko na alam. Baka may nakain nananaman ako na hindi pwede sa tyan ko kaya naman ganito.
"Kio!" Sigaw ko dahil hindi ko na kaya ang dysmenorrhea ko.
"Kio tulong!" Naiiyak na sabi ko habang namimilipit sa sakit. "Aray... ang sakit." Sabi ko sa sarili ko, napapadyak na lang ako dahil sa hindi ako sanay sa pakiramdam.
May gamot ba para rito?
"Kio... Kio!" Halos bulong na lang ang nagiging pagtawag ko kay Kio, nanlalambot na ata ako.
Nakita ko naman ang pagpasok niya at dala ang mukha na nag-aaalala. Lumapit siya sa 'kin at nagtataka pa kung bakit ko sinasapak-sapak ang tyan ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 200
Start from the beginning
