Kinamot ko na lang ang noo ko tsaka sumimangot. Totoo naman 'yung mga sinabi niya. Kung saan-saan kasi ako nakatingin kaninang nagbabalik kami ng tray kaya naman muntikan akong mahulog sa kanal na walang tubig.
Tapos natapilok pa 'ko, hindi ko kasi nakita ang bato na nasa dinaraanan ko, 'yung bato ang tanga kasi hindi siya umiwas kaninang dumaraan ako,
ayan tuloy, muntikan na akong matumba no'n pero nakahawak ako sa may bench.
Akala ko walang nakakita sa nangyari pero nagkamali ako. Ang talas talaga ng mata ng hapon na 'to. Pati mata may ninja moves, siya lang ata ang nakahuli sa 'kin na natapilok ako e.
Umakto pa nga akong parang walang nangyari kanina para hindi nila mahalata ang katangahan ko pero may CCTV nga pala ang mga mata ni Kenji, ayun! Hule!
"Wag kang maingay tungkol do'n, Ji." Sabi ko at nag-aktong nagpapatahimik. Inilagay ko sa labi ko ang hintuturo ko.
"Wala namang makakarinig no'n kaya 'wag kang matakot." Pampalubag loob niya. "Sa 'kin ka matakot dahil isisiwalat ko ang sikreto mo sa buong mundo bwahahahahaha!" Tawa niya pa, tawa niyang akala mo naman nakagawa nananaman ng isang kasamaan.
"Subukan mo lang, hindi na kita bibigyan ng mga pagkain ko sa bag!" Pagbabanta ko sa kaniya.
"Sabi ko nga hindi ko na ipagsasabi. Tahimik lang ako, promise. Wala akong nakitang Heira na natapilok. Kathang isip lang 'yon, gawa-gawa lang 'yon ng illuminati." Sagot niya na siyang ikinatawa ko.
Sa 'kin pa rin ang huling halakhak. Bwahahaha! Walang makakatalo sa isang matalino at magaling na Heira Yakiesha Sylvia. Nag-indian sit ako tsaka ko pinanood ang paglalaro niya.
"Turuan mo nga ako niyan." Turo ko sa paglalaro niya ng jackstone. Kalalaking tao naglalaro ng pambabaeng laro.
Sabagay, ako nga na babae hindi ko alam kung pa'no ko laruin 'yon e. Basta ang alam ko lang 'yung sapuin ang bola, malay ko ba sa pagkuha-kuha nung mga parang malilit na krus na gawa sa plastic.
"Jackstone lang hindi mo alam laruin?"
"Hindi." Sagot ko kaagad.
"Ngayon ka lang ba ipinangak, Yakie? Bakit hindi ka marunong maglaro nito?"
"E sa hindi ako marunong. Turuan mo na lang ako, 'wag ka ng maraming tanong." Sabi ko sa kaniya.
"Ililibre mo 'ko mamaya ah!"
"Sabi na e, may kapalit talaga e 'no?"
"Wala ng libre ngayon, Yakie hehehehe!" Sagot niya.
"Sige na, ililibre na kung ililibre." Tugon ko na lang, paubos na ang oras namin pero hindi niya pa rin ako tinuturuan. "Pwede na ba 'yung lollipop?"
"Pwede na 'yun basta isang galon."
Wow demanding.
"Sige na nga. Turuan mo na kasi ako." Pagpupumilit ko.
"Ganito kasi 'yan, ang tanda mo na. Lumaki ka ng 17 years old hindi ka marunong maglaro nito?"
"E sa hindi ako marunong maglaro r, anong magagawa ko?"
"Panoorin mo ako kung gaano ako kagaling." Pagmamayabang niya pa tsaka nagpogi sign. Kinagat niya pa ang labi niya.
Sumama na lang ang mukha ko. Gwapong-gwapo sa sarili 'tong hapon na 'to. Payatot naman. Pinatalbog niya ang bola tapos mabilis siyang dumampot ng isa sa mga 'jacks' sabay kuha sa bola. Ang bilis ng kamay nito.
"Ikaw naman, Yakie" Sabi niya sa 'kin. "‘Wag na kaya kitang pahiramin? Baka sirain mo pa 'yung bola e."
"Bakit ko naman sisirain 'yan?"
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 200
Comenzar desde el principio
