"Mahal naman..."

"Mahal ang bigas." Sabat ni Kenji. "Sakalin mo na lang siya, Shikainah takot naman siya sayo." Dagdag niya pa.

"Mahal ako niyan kaya hindi niya ako sasaktan— aray!"

"Hindi pala sasaktan ah." Pang-aasar ni Alzhane.

Pa'no ba naman kasi, nakatikim siya ng isang malakasang palatok kay Shikainah. Nagmamayabang pa siya ah, ang galing talagang makisama ni Shikainah. Inubos ko na ang pagkain ko, natira na lang ay 'yung ice cream kaya naman 'yon naman ang sinunod ko..

"Bakit ka nakikinig sa kanila, mahal. Hindi sila magandang impluwensiya." Reklamo naman ni Xavier kaya naman napangiwi kaming lahat.

"So... you think you're a goof influence?" Natatawang tanong ni Adriel. "Hindi rin."

"'Dre, wag mo naman akong ilaglag, napapasama niyan ako e. Tropa-tropa tayo kaya dapat shh ka lang." Pang-uuto naman nung isa.

Natatawang umiling si Adriel bago nagpatuloy sa pagkain. Tinikman ko ang ice cream na hindi na ice, parang naging shake na lang dahil tunaw na. Reject talaga ang mga tinitinda sa canteen namin. Reject din kaya ang ibayad ko para masaya?

Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa room pero bago 'yon binalik muna namin ang mga pinagkainan namin, wala namang magliligpit no'n sa tambayan, mabubulok lang 'yon.

"Ji, anong next subject natin?" Tanong ko rito sa batang hapon na naglalaro ng jackstone.

"Hindi ko alam, tignan mo na lang."

"Nag-aaral ka ba ng maayos?"

"Oo naman!" Taas noong sagot niya tsaka pinatalbog ang bola.

"E bakit hindi mo alam kung ano ang next subject natin?" Tanong ko sa kaniya bago ako umupo sa lapag kung saan siya naglalaro.

"Ikaw, nag-aaral ka ba?" Tanong niya pabalik.

"Oo naman! Kita mo naman na mas mataas pa ang score ko sayo." Pagmamayabang ko.

"E bakit hindi mo alam ang next subject natin?" Panggagaya niya sa boses ko.

"Kaya nga tinatanong ko sayo e." Hinilot ko ang sentido ko, nakakasakit ng ulo ang batang hapon na 'to, mauubos ata ang mga braincells ko kapag sa kaniya na ako nagtanong.

"Hindi ko rin alam. Parehas lang tayo, Yakie... mas tanga ka nga lang."

"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Anong sinabi mo, Ji. Ulitin mo nga." Ani ko at itinutok ang tenga ko sa bibig niya.

"Sabi ko parehas lang tayo, Yakie... mas tanga ka nga lang." Pagdidiin niya pa.

Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya. Natural na boses niya pa lang naman 'yon, hindi pa sigaw pero makabasag eardrums na. Lumayo ako sa kaniya bago pa 'ko tuluyang mabingi.

"Anong tanga namang pinagsasabi mo r'yan?" Nakangusong tanong ko sa kaniya bago ko sapuin ang bolang initsa niya.

"Wala lang, alam ko lang na tanga ka." Komento niya. "Mukha kang tanga e. Para kang tanga."

Binato ko sa mismong mukha niya ang bola. Sumusobra na siya ah, ang sama ng mga lumalabas sa bibig niya. Tatawa-tawa pa ang gago, kapag nahuli ko ang dila mo, puputulin ko 'yan.

"Sinong tanga? Hindi ako tanga ah!" Depensa ko kaagad.

"Hindi raw pero muntikan ng mahulog sa kanal tapos natapilok pa. 'Wag kang aangal, Yakie, nakita ko 'yun kanina." Pinanlakihan niya ako ng butas ng ilong bago siya tumawa ng malakas.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now