"Ah... wala po sir, nagkakatuwaan lang po 'yung dalawa, 'diba tinuturuan siya ni Kayden ng sayaw." Palusot ni Vance.
"Is that true Ms. Sylvia?" Baling sa 'kin ni sir.
"Hindi po— hmm! hmm!" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng takpan ni Elijah bigla ang bibig ko.
Sakop pati buong mukha ko.
"Yes, sir. Ayos lang po ang lahat." Plastic na sagot nitong isa.
"Ayusin mo ang pagsayaw mo, Ms. Sylvia. I know that Mr. Williams can teach you... well." Sabi niya pa, tumango naman 'tong isa.
Pasalamat siya nakapagitna sa 'min ang mga hudlong kundi baka masugod ko na siya at pinaulanan ng mga sapak sa panga. Wala na akong pakialam kung masira ang maganda niyang mukha.
Kumaway pa ang gago sa papalayong teacher namin. Huminga ako ng malalim kahit pa nakatakip ang bibig ko para lang pakalmahin ang nag-iinit kong ulo. Binitawan din naman ako nitong hudlong na nagtakip ng bunganga ko.
"Let's start." Sabi ni Kulapo, lumapit na lang ako sa kaniya. Humiwalay 'yung mga iba pa sa 'min, may nagtuturo naman sa kanila.
"Anong una?" Tanong ko sa kaniya, hindi ko naman siya tinitignan, sa likod niya... ro'n ako nakatungin.
Wow mga upuan.
"The first one. I will show you and then do it." Sagot niya sa 'kin. "One," sabay galaw sa paa. "Two," 'yung kamay niya naman ang ginawa niya. "And three." Pagtatapos niya, pinagsabay niya lang 'yung mga ginawa niya.
"Gagawin ko 'yon?" Tanong ko saka ko kinamot ang ulo ko.
"What do you think?" Sarcastic na tanong niya. "Kung gusto mo kantahin mo para masaya."
"Hoy! Sarkastiko ang mga isinagot mo..." Natakpan ko na lang ang bibig ko dahil sa mga lumabas na salita.
Parang gusto kong maglaho ngayon din. Bakit ba nasabi ko 'yon? Ngumisi tuloy siya, alam ko na ang iniisip niya. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko. Tanga ka talaga, Heira.
"So? What now if my answers are sarcastic?" Sabi niya, tumaas ang gilid ng labi niya.
Lumapit naman siya sa 'kin, sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Kulang na lang maduling ako dahil sa ginagawa niya. Gusto kong umatras pero parang nadikit na ang mga paa ko sa sahig.
Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha namin ngayon. Gahibla na lang ng buhok ang layo ng
ilong niya sa ilong ko. Ramdam ko ang hininga niya. Amoy maxx na may v-fresh.
Ako kaya? Ano naman ang amoy ng hininga ko?
"...Ano naman ngayon kung sarkastiko ang mga sagot ko? Hahalikan mo ba 'ko?" Tanong niya ng nakangisi.
Hindi ako sumagot dahil parang nahihipnotismobang mga mata ko at patuloy na pinagmamasdan ang mukha niya. Ang ganda ng mga mata niya... kulay tsokolate at pumupungay pa, matangos ang ilong at... mapupulang labi.
Napapikit ako nang dahan-dahan niyang ilapit sa 'kin ang mukha niya. Napapanguso na 'ko e! Akala ko kung ano na, 'yon naman pala pipisilin niya lang ang ilong ko tsaka niya pinitik ang noo ko. Ano nananaman ba kasi 'tong naisip ko e!
"Do it now." Natatawang utos niya sa 'kin.
Sumama ang mukha ko at inambahan ko siya ng suntok pero nilagay niya ang palad niya sa noo ko at pabiglang itinulak. Umayos ako ng tayo at inalala ang mga ginawa niya kanina. 'Yung pagbibilang niya ng 'one, two, three' e.
"Makatulak naman 'to..." Bulong ko sa sarili ko, makatulak wagas e. "Tignan mo kung tama ha. Kapag tumawa ka tatanggalan kita ng ngalangala." Pagbabanta ko sa kaniya.
"Bilisan mo na lang, una pa lang ang pinapagawa ko sayo ang dami mo ng sinasabi." Reklamo niya.
"One," ginawa ko ang paggalaw ng paa niya kanina. "Two," 'yung kamay naman. "Three," pinagsabay ko ang dalawa. Taas noo naman akong tumayo dahil nagawa ko na rin sa wakas ang pinapagawa niya sa 'kin.
"You did it well." Komento niya, hindi ko alam kung napipilitan lang ba siya o ano dahil parang wala namang gana ang sinabi niya.
"Syempre ako pa." Pagmamayabang ko.
"Ang tigas mo naman."
"Anong sinabi mo?! Ang tigas ko? Ang ganda na kaya nung ginawa ko!"
"Alam mo naman pala na matigas ka, itatanong mo pa."
"Wala akong sinabing matigas ako! Magaling kaya akong sumayaw!"
"In your dreams." Nakangising sabi niya sa 'kin. Inis ko naman siyang tinignan.
Mama mo dreams.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 199
Start from the beginning
