Gwapo lang siya. 'Yun lang naman 'yun.

"Very good, Mr. Williams. Marunong ka rin pala na sumayaw. Pakituruan si Ms. Sylvia." Sabi ni sir bago kami talikuran.

Gusto ko siyang pigilan at sabihing marunong naman akong sumayaw pero humarang ang mga magagaling kong kaklase. Itinulak pa 'ko papunta sa gawi kung saan nakatayo ang kulapo.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at ginawa ang ginagawa niya. Nagcross arm din ako tsaka nagseryoso. Talagang pinaglalaruan kami ngayon ng tadhana e 'no? Si Kio naman tulog kaya naman hindi ako nakahingivng tulong sa kaniya.

Nagulat ako ng ngumiti itong nasa harapan ko at bigla na lang niya akong hapitin. Mabilisan niyang pinalandas ang kamay niyang nasa palapulsuan ko papunta sa bewang ko kaya kahit anong gawin ko, hindi ako makawala.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa kaba ko. Ang lakas na rin ng tibok ng puso ko ngayon. Kaya nga ayaw kong lumalapit sa kaniya dahil bigla na lang nagwawala ang laman ng ribcage ko. Parang kinukuryente pa ako dahil sa hawak niya sa bewang ko.

"Ano ba... bitawan mo nga ako." Reklamo ko sa kaniya at pilit na lumalayo pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahapit sa 'kin.

"No... I'll teach you a lesson." Bulong niya sa tenga ko kaya naman nagsitayuan ang mga balahibo ko.

"Anong lesson pinagsasabi mo r'yan? E sayaw lang naman ang pinapaturo ni sir. Kaya kong pag-aralan 'yon kahit wala kang tinuturo. Hindi kita kailangan." Matigas na sabi ko.

Malay ko ba kung pinaghihiganti niya 'yung Zoe na 'yon. Baka kung ano pang gawin sa 'kin nitong gagong 'to, sigurado akong maling steps ang ituturo niya sa 'kin.

"Okay, if you say so. Gawin mo ngayon ang ginawa ko kanina para makita ko kung marunong ka talaga." Paghahamon niya tsaka niya ako binitawan.

Patulak pa 'yon kaya naman muntikan na 'kong matumba, buti na lang napigilan ko ang sarili ko.

Umayos ako ng tayo hindi para gawin ang pinapagawa niya kundi para sana tumakas pero nakatunog ata siya dahil saktong pagtalikod ko pa lang ay hinila niya ang kamay ko at hinigit papunta sa kaniya dahilan para dumampi ang labi niya sa labi ko.

Nakababa kasi siya ng bahagya. Ang dibdib niya ang inaasahan kong mauumpugan ko pero ano 'to?! King ina, ano 'yon?! Ang bilis ng pangyayari, hindi ko tanggap 'yon! Dampi lang 'yon pero nanghina bigla ang mga tuhod ko.

"Putragis ka! Ano nananaman 'yon!" Sigaw ko sa kaniya.

Ngumisi naman siya. "Goodluck... kiss?" Kunwari pa siyang hindi sigurado pero halata naman sa kaniya na nang-aasar talaga siya.

"Good luck kiss mo mukha mo! Gago! Manyak ka! King ina mo!" Inis na sabi ko sa kaniya pero tanging pagngiti lang ang sagot niya sa 'kin.

"Manyak? I'm a pervert?" Natatawang tanong niya sa 'kin.  "...Atleast ikaw lang ang mamanyakin."

Susugurin ko na sana siya pero pumagitna ang mga hudlong. Hinayupak ang bwisit na 'to! Kung pwede ko lang siyang bugahan ng apoy ngayon ginawa ko na.

"Anong sinabi mo?! Bawiin mo 'yon, bisot ka! Mukha kang bisugo! Bwisit ka! Bwisit! Bwisit!" Inis na sabi ko sa kaniya tsaka ko siya dinuro-duro.

"What is happening here?! Kanina pa kayo ah! Heira, bakit ka sumisigaw?!" Sabat ni sir sa 'min.

Oo nga pala, may kasama nga pala kaming teacher ngayon. Bwisit naman kasi ang araw na 'to e! Sabi nila sayaw lang ang pag-aaralan ngayon, bakit may extra pang... basta! Anak naman ng tinapa oh!

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now