Pasalampak akong umupo sa sahig, king ina wala pa nga akong naaayos na kahit na isang sayaw pagod na 'ko. Ni wala nga akong natatandaan sa mga sinasabi ni Sir Edward ngayon.

Basta ang alam ko, gutom na 'ko. Sumimangot ako tsaka ko hinimas-himas ang tyan ko, kawawa naman ang mga alaga ko pati sila sumasayaw na rin.

Kahit na makita ako ni sir ngayon, magrereklamo naman ako para bigyan niya kami ng kahit isang oras na pahinga lang. Isang oras lang naman. Konti lang naman 'yon.

O kaya naman pahinga na lang, 'wag ng ituloy ang practice.

"...Third movement, the third movement is the Soulja Boy.
This dance was named after DeAndre Cortez Way because he helped popularize it. I’m going to let you look this one up online and watch it yourself because it is very involved. When you are doing this dance, you should have a laid back attitude and should really have fun with it!"

Nagulat ako ng biglang tumaas ang boses niya, napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Pinakadiin niya pa ang mga sinasabi niya. Susme, bawal ba talagang magpahinga kahit saglit lang?

"Ms. Sylvia." Nakakatakot na tawag niya sa 'kin.

"P-po?" Tanong ko, kunwari natatakot pero gusto ko lang talagang magpahinga na! Ayos ng masermonan kaysa naman sumayaw ng sumayaw dito ngayon.

"What is the last move of hip-hop?" Tanong niya, nasa 'min ang atensyon ng lahat ngayon.

Patay na!

Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi matawa, bwisit naman kasi 'tong mga kasama namin tawa ng tawa, pati tuloy ako nadadamay na.

"Answer me, Ms. Sylvia! Or else... you're out!" Pagbabanta niya. Hala! Yari na, kahit naman hindi ako nagseseryoso ngayon ayaw ko pa rin namang bumagsak sa kahit na anong subject.

"Ms. Sylvia?! Ano bang nangyayari sayo ha?! Dati naman nakakasagot ka sa 'kin sa lahat ng mga tanong ko tapos ngayon hindi mo na nga ginagawa ang mga pinapagawa ko, nakaupo ka lang tapos hindi mo pa masagot ang tanong ko! Is your mind sleeping?!" Pagalit na sabi niya sa 'kin.

Ngumiti na lang ako ng pilit. Nagmukha tuloy na ngiwi 'yon, mas lalo pa akong pinagtawanan ng mga hudlong, pinanliitan ko sila ng mata. Putangina lang, tulungan niyo na lang ako rito kaysa naman sa tumawa kayo riyan. Tangina niyo!

"Sir, call a friend." Sagot ko sa kaniya..

"Ms. Sylvia! Are you out of your mind?! Call a friend? This is not a game, this is my class—!"

"The SpongeBob."

Nagulat kaming lahat ng may sumagot sa kaniya. Napalingon kaming lahat kay Kayden na madilim nananaman ang mga mata, nakasando lang at medyo magulo ang buhok.

Depressed ba siya?

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi namin. Sabi ko call a friend, hindi ko naman sinabing call an enemy. Hindi ko naman friend ang gagong 'yan e. Si Eiya and the babaita lang naman ang kaibigan ko rito, isama mo na rin ang batang hapon.

"The SpongeBob is the fourth and I think the last to learn about hip-hop moves. This dance actually is NOT named after SpongeBob SquarePants. It was made popular in the 1990’s in the clubs of Baltimore, Maryland." Paliwanag niya kay Sir Edward.

Lahat naman kami napanganga sa kaniya ng sayawin niya ang tinutukoy niyang 'The SpongeBob.' Kahit ako, hindi ko maiwasang mamangha dahil sa lambot ng katawan niya. Isabay mo pa 'yung mga matunog na pagngisi niya.

Nakakatunaw.

Aissssh! Ano bang pinagsasasabi mo r'yan, Heira. Kaaway mo 'yan. Galit ka sa kaniya 'diba? Bakit mo pinupuri ngayon 'yan, porke nakasando siya tsaka sumasayaw? Wala namang kapuri-puri sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now