Aayos lang kami kapag lalapit na sa 'min si sir para tignan kami. Kung ano-anong steps na lang ang ginagawa namin no'n, basta kamukha nung mga nasa harap. Speaking of sir, heto siya ngayon, pinaiikutan niya kami at inoobserbahan ang ginagawa namin.

"Okay, second move... is the breaking!" Sabi niya tsaka pumalakpak para kuhanin ang atensiyon ng lahat.

"Second move pa lang 'yan?" Parang napapagod na sabi ko, ilang beses na kaming sumayaw ng sumayaw tapos nalalaman ko na first move pa lang pala 'yon?

Anak ng...

"...Breaking, also known as breakdancing, b-boying, or b-girling could be the most common element of hip-hop. Breaking is very unstructured and improvisational and is performed at all different levels: toprock (standing), downrock (close to the floor), power moves (acrobatics), and freeze moves (poses)." Sabi niya sa 'min at itinuro kung paano namin gagawin 'yon.

Syempre kahit anong turo ni sir sa harapan, hindi naman namin makita kaya gumawa na lang kami ng sarili namin, buti na lang may alam din si Jharylle sa mga ganito kaya naman pinapakita niya sa 'min kung pa'no gawin 'yon.

"Tanga, Maurence. Ganito kasi 'yon, hakbang isa tapos hakbang isa pa, parang bubukaka ka lang tapos pagsamahin mo ang kamay mo tapos patigasin mo ang mga galaw mo. Kaya nga break dance e!" Paliwanag niya pa, tawa ako ng tawa sa kaniya dahil stress na stress na siya sa mga hudlong na kasama nami ngayon.

"Ang hirap naman kasi gago! Hindi ba pwedeng hakbang-hakbang na lang na parang rumarampa? Anak ka ng tokwa! Para kang natatae sa ginagawa mo e!" Pambabara naman nung isa tsaka siya tumawa.

Binatukan naman siya nung isa. "Gano'n talaga 'yon. Tignan mo si Heira, nakuha niya kagaad." Papuri niya sa 'kin.

Taas noo naman akong kumaway sa kanila. Achievement 'to kaya naman dapat ipagmayabang, first time e.

"Sample! Sample! Sample! Sample!
Sample! Sample! Sample! Sample!Sample! Sample! Sample! Sample!" Sigaw naman nung mga hudlong.

Lumayo kami ng kaunti dahil may sarili naman kaming buhay dito. May sarili kaming mundo... may sarili kaming sayaw na ginagalawan ngayon.

Ginawa ko naman 'yung pinapagawa nila. Kung ano lang ang alam ko 'yon lang ang ginawa ko. Aba malay ko ba kung pa'no sayawin 'yung iba pa. Ang mahalaga napakita ko na sa kanila.

"Wow, dancerist."

"Ayan na 'yung matsing, niyuyugyog na ang sanga."

"Hip-hop ba 'yan o nakuryente dance?"

"Pwede na kitang pakuluin at palambutin muna."

"Woaaaah! Pwede ka ng maging macho dancer."

Huminto ako sa pagsayaw dahil sa mga sinasabi nila. Sabi na e. Talagang pinagtitripan lang nila ako. Mga wala kayong dulot!!!

"... Third movement is the Boogaloo.
This is a movement using mostly the hips and legs. It is a very loose movement that gives the illusion that the dancer has no bones from the waist down."

Kung nagtataka kayo kung bakit nagkaayos na kami ng mga hudlong. Hindi ko rin alam dahil bigla na lang nangyari 'yon. Basta ngayong araw parang bumalik na ang lahat sa dati.

Maliban na lang 'dun sa hindi ko na kinakausap si Kio saka 'yung gagong hudlong na kulapo, wala rin naman silang balak kausapin ako kaya wala rin akong balak na sagutin sila. Singkataasan na lang ng pride.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now