"Ayaw ko. Ayaw ko ng mga elepanteng galing do'n. Gusto ko 'yung mga alaga niya." Turo ko sa babaeng mabilis na ang paghinga, "alam mo, ang init ng dugo no'n sa 'kin." Dagdag ko pa.
Tumawa naman siya tsaka niya ginulo ang buhok ko. "Let's go?" Pang-aaya niya sa 'kin.
Umiling naman ako. "Bili mo muna ako ng tubig tsaka chuckie." Hiling ko sa kaniya.
Pumalad naman siya. "Money?"
Tumawa ako tsaka ko ginulo ang buhok niya bago ko tinapik ang balikat niya. Ngumiti ako ng malawak, alam niya na ang ibig kong sabihin no'n.
"Fine." Pagsuko niya, pinanood ko lang kung paano siya pumasok ulit sa canteen.
Nakikita ko naman siya dahil gawa sa glass ang canteen namin. Sumama ang mukha ko nang makita kong nagpapacute pa sa kaniya 'yung tinderang pumukpok ng sandok sa 'kin.
Umaliwas din naman agad 'yon ng makita ko na dala niya na ang mga pinabili ko sa kaniya. Inabot niya sa 'kin 'yon na may naaasiwang mukha.
Tinatawanan ko siya, labag ata sa loob niya ang panlilibre sa 'kin.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" Tanong ko sa kaniya bago ko isinuksok ang straw sa chuckie. Nag-umpisa na kaming maglakad pabalik ng tambayan.
"Lumiliit kasi kanina bigla ang boses nung tindera, naging dwende siya. I don't like it."
"Pero she likes you." Pang-aasar ko.
"Heira, stop it!"
"Bakit? Bawal bang makatuluyan ng estudyante ang tindera sa canteen?"
"Bawal! 'Wag mo na akong asarin..." Nakangusong sabi niya.
"Ayaw mo no'n? Kakaiba ang love story niyo." Tumawa lang ako saka tumakbo na lang papalayi sa kaniya.
Bumalik kami ng tambayan kaya naman tumahimik ulit ang mga hudlong. Nagsisitawanan sila kaninang papunta ako kami rito e.
Ako nananaman ba ang pinag-uusapan nila?
Kinuha ko lang ang bag ko saka taas noong umalis sa lugar na 'yon. Nagtataka pa sila sa inasal ko pero wala naman akong dapat ipaliwanag sa kanila. Ilang minuto lang naman din ay may klase na rin naman kami.
Buong oras lang akong nakadukmo hanggang sa marinig ko na ang pagpasok ng mga hudlong, kasunod no'n ay ang pagpasok ni Sir Edward, P.E teacher namin.
Nagpa-good-morning lang siya sa 'min pero walang sumagit sa kaniya. Sanay na rin naman ang mga teachers sa 'min, minsan sumasagot kami pero madalas hindi, tango-tango lang kami. Pumalakpak siya bago nag-umpisang magklase.
"Tapos na tayo sa folk dances isusunod naman natin ang mga modern dance. Modern dance, theatrical dance that began to develop in the United States and Europe late in the 19th century, receiving its nomenclature and a widespread success in the 20th." Sambit niya.
"Hip hop or hip-hop is a culture and art movement that was created by African Americans, with heavy influence by Afro-Latino Americans and Caribbean Americans in the Bronx, New York City. The origin of the name is often disputed. It is also argued as to whether hip hop started in the South or West Bronx." Panimula niya sa topic namin.
Inilabas ko ang notebook ko, hindi para magtakedown notes. Inilabas ko 'yon para magdrawing, tsaka magsulat ng kung ano-ano pa, naglalaro rin kami ni Kenji ng spelling words.
"...While the term hip hop is often used to refer exclusively to hip hop music (including rap),[6] hip hop is characterized by four key elements: "rapping" (also called MCing or emceeing), a rhythmic vocal rhyming style (orality); DJing (and turntablism), which is making music with record players and DJ mixers." Dagdag niya pa.
Humikab ako, maluha-luha na ako dahil ilang beses na akong humikab. Kung hindi lang nakatingin si Sir Edward sa gawi ko baka dumukmo na ako tsaka umidlip. Exposed kasi ang pwesto namin ni Kenji e. Ngumiti na lang ako bago ko kagatin ang ballpen ko.
Baka sakaling mabusog ako.
"Hip Hop's Golden Age
In the mid-80s, rappers like LL Cool J began creating hip hop singles with catchy melodic hooks. New York duo Run DMC also used hooks in their songs but added hard-rock guitar to create a popular style called rap rock, and their 1986 album Raising Hell became hip hop's first top-ten album. When punk rock group Beastie Boys began shouting raps instead of singing, their style also became very popular and their debut album Licensed To Ill became hip hop's first number-one album..." Sabi niya bago siya umupo sa teacher's chair at isinuot ang salamin niya.
May kinuha siyang folder at binasa pa muna 'yon. Umaalingaw-ngaw tuluyan ang mga boses namin. Hindi naman gano'n kaingay at kalakas 'yon pero nagmumukha kaming mga nasa palengke.
"Class... please be quiet. May hinahanap lang ako at gagawin na ninyo ang activity niyo for my subject."
Tumahimik naman kami... mga five seconds lang naman 'yon. Pagkatapos no'n ay umingay nananaman mas lumakas pa nga 'yon e. Bahala sila, hindi rin naman sila binabawalan ng presidente namin e.
"Ji, ikaw na." Sabi ko tsaka ko kinalbit ang katabi kong tulala lang at nakanganga. "Huy, ang langaw nasa bibig mo na, papasok na niyan."
"Ang tanga mo naman, Yakie. Nasa bibig ko na nga papasok pa siya? Baligtad lang?" Sagot niya sa 'kin bago niya hinablot ang papel ko sa 'kin. "Akin na nga 'yan, baka matalo nananaman ako e. Madaya ka!" Panunumbat niya pa.
"Hoy, anong madaya ka r'yan?! Magaling lang talaga ako kaya natatalo kita." Pagmamayabang ko tsaka ako ngumisi.
Talaga naman e. Kinukuha ko ang notebook o kaya naman ang papel ko tsaka ko guguhitan 'yon para gawing grida kapag tinatamad akong makinig, inaaya ko si Kenji na maglaro no'n tapos palagi siyang talo.
Ayaw kong ayain si Kio dahil sigurado akong matatalo lang ako sa kaniya. Siya nga ang nagturo sa 'kin ng mga tactics para manalo e. Mas matalino pa naman ang kumag na 'yun kaysa sa 'kin.
Nagulat kaming lahat ng hampasin ni Sir Edward ang lamesa, gumawa 'yon ng isang malakas na ingay kaya naman natahimik na lang kami. Mukhang galit na talaga siya. Umayos kami ng upo, ngayon niya palang ginawa 'yon.
"Hindi ba't sinabi kong tumahimik muna kayo?! May hinahanap lamang ako saglit dahil nando'n ang gagawin niyo, hindi ba kayo makaintindi? Gusto niyo bang tagalugin o english-in ko ang mga sinasabi ko sa inyo?!" Panenermon niya sa 'min.
Sumimangot naman ako. Sabi niya saglit lang siya sa paghahanap niya pero umabot na 'yun ng 15 minutes, natalo ko na nga si Kenji ng limang beses e. Bakit ba kasi tatlong makakapal na folder pa ang dinala niya tapos ngayon nahihirapan siyang maghanap.
"I have already explained to you about our lesson, you have books to read first so that you will not have difficulty understanding what I have discussed with you, bakit hindi 'yon ang basahin niyo kaysa naman sa nag-iingay kayo r'yan na para bang walang guro na nasa harapan ninyo!" Sigaw niya sa 'min, parehas kami ni Kenji na biglang lumiit at nagtago sa mga panyong hawak namin.
Parang gusto na lang naming lumubog sa mga upuan namin ngayong naninigaw si Sir Edward na hindi naman namin nakasanayang makita. Hindi naman kasi siya kagaya ni Sir Raquesta.
"You're making unnecessary noises right now but if I let it read you the books given to you I can hardly hear your voices anymore! Hindi ko na nga kayo pinagbabasa dahil ako rin naman mismo ang nagpapaliwanag no'n sa inyo. Bakit ba pinapahirapan niyo ang lahat ng ginagawa ninyo?"
Humikab naman ako, hindi nawala ang antok ko kahit pa namamawis na kami sa panenermon ni sir sa 'min ngayon, kalahating oras na lesson, kalahating oras na sermon.
"...For your activity, you need to dance any hip-hop dance, self learning and practice!" Huling sinabi niya bago lumabas ng room.
Napaupo naman ako ng maayos. Mukhang nagising ako ng wala sa oras ngayon. Sasayaw... bakit kami sasayaw?!
Isa itong parusa!!! Parusa na 'to!!!
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Подростковая литератураPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 198
Начните с самого начала
