"Ayos na. I'm just joking. Pikon ka naman."
"Ah... nagjo-joke ka ba no'n? Hindi kasi nakakatuwa. Isa pa tapos susubukan kong humalakhak para naman masaya." Sarkastikong sabi ko sa kaniya bago pumasok ng canteen.
O syempre, hindi ako tatatantanan ng mga bubuyog na bulong ng bulong kapag nakikita nila ako. Kulang na lang puyot pukyutan para naman kumpleto na ang bahay nila. Buti na lang wala ang Queen Bobowyowg nila.
Walang haharang sa daan ko, walang mananabunot sa 'kin, walang magsusungit sa 'kin. Wala namang nakapila kaya naman dumeretso kami sa counter. Pati 'yung mataray na tindera parang ayaw na akong pabilhan ah.
Nasa'n na ba 'yung ate na mabait, 'yung medyo matanda na laging nakangiti sa 'kin kapag may binibili ako?
Mas gusto ko pa naman 'yon kahit minsan kulang ang sukling binibigay niya kaysa naman dito sa isang 'to na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya. Grabe naman 'to, magbabayad naman ako e.
"One coffee please." Narinig kong order ni Asher.
Magkatabi lang kasi kami pero siya ang inuna nung babae. Parang gusto siya nung tindera e, ngiting-ngiti pa siya. Ngumiwi naman ako. Estudyante 'yan, huy. Tsaka hindi kayo bagay.
"E ikaw? Anong sayo?" Masungit na sabi niya sa 'kin.
"Nagmamadali ka ba ate?" Nakangiwing tanong ko sa kaniya.
"Oo, marami pa akong gagawin. Bilisan mo na para makaalis ka na."
"May elepante ba kayo rito?"
"Ano?!"
"Elepante ang binibili ko, sabi mo bilisan ko, sige hanap niyo po ako ng elepante ngayon din." Sabi ko sa kaniya.
Nakita ko naman kung pa'no sumalubong ang mga kilay niya, konti na lang magdidikit na ang mga 'yon. Ngumiti naman ako ng malawak sa kaniya, akala ba niya pinaglololoko ko siya? Pwes oo. Tama siya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Konti na lang sasabog na siya.
"Elepante po ang binibili ko, alagaan ko lang sa 'min." Nakangiting sagot ko.
Patakbo naman siyang pumasok sa loob ng kusina. 'Wag niyang sabihing may elepante pa talaga sa kusina na 'yon. Muntikan na akong kumaripas ng takbo ng pukpokin niya ang ulo ko ng sandok na hawak niya.
Anak ng putspa... hindi naman ako karne para sandukin e. Buti na lang mahina lang 'yon, kundi baka kuhanin ko 'yung syanse at mag-espadahan kami rito.
"Umalis ka ngayon din sa harapan ko ngayon din, kung ayaw mong gawin kong sandok 'yang mukha mo!" Sigaw niya sa 'kin, buti na lang talaga at iilan lang ang mga tao rito sa loob ng canteen.
Mamatay na mapahiya.
"Ayaw ko po, 'yung elepanteng hinihingi ko, ibigay niyo po muna."
"Anak ka naman ng elepante! Estudyante ka lang dito, hindi mo ako pwedeng pagsalitaan ng ganiyan! Walang elepante rito, kung gusto mo, pumunta ka ng Manila Zoo at do'n ka maghanap ng elepante!" Sigaw niya pa ulit sa 'kin.
Sasagot pa sana ako pero hinila na ni Asher ang kamay ko at inilayo sa tinderang nag-aalburoto na ngayon. Parehas kaming tumawa ng nasa labas na kami.
"Loko ka. The saleswoman became angry... bakit ba kasi naghahanap ka ng elepante?" Natatawang tanong niya tsaka sumimsim sa kape niya.
"Nagtatanong siya sa 'kin ng kung ano ang gusto niya e! Nagmamadali pa naman siya, 'yon ang order ko." Natatawang sagot ko rin sa kaniya.
"Silly. Sa tingin mo ba merong elepante rito? You wanna go to Manila Zoo?"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 198
Start from the beginning
