"Ibili mo muna ako ng tubig tapos sayo na lang 'tong pagkain ko." Pang-uuto ko sa kaniya at nagpuppy eyes pa, sa tubig na lang ako nabusog tapos kulang pa sa 'kin.

"Akin na lang niyan 'yan ah!" Turo niya sa plato kong may lamang pagkain, hindi ko pa nga nakakalahati.

"Oo na, sige na. Alam ko namang gutom pa ang mga bituka mo, ayaw mo pang sabihin sa 'kin." Pang-aasar ko sa kaniya.

Aalis na sana siya pero pare-parehas kaming nagulat ng magbaba ng mineral water sa harapan ko si Kayden ng walang sinasabi. Tinignan ko lang 'yon saka tumayo.

"Tara na, Ji. Bili na tayo." Nagsumikap akong ngumiti pero ang totoo, naiinis ako.

Ano nananaman bang pakulo 'yon? Parang kahapon lang... halos ipakulong niya na 'ko dahil sa inis niya sa 'kin dahil sa pagtawag ko 'kuno ng malan— kay Zoe. Natalie ng buhay niya. Natawa ako ng sarkastiko.

"Yakie, mero'n ng tubig, ayon oh." Turo niya sa tubig na nasa lamesa.

Lahat sila napahinto sa mga ginagawa nila dahil sa ginawa ni Kayden. Wala akong balak inumin 'yon, malay ko ba kung nilagyan niya pa ng Zoenrox 'yon. Ayaw ko pang mamatay, marami pang chuckie ang ininumin ko.

"Kung gusto mo sayo na. Basta tulungan mo lang akong bumili."

"Ayaw ko!" Agad na pagtanggi niya. "Inumin mo na lang 'to, Yakie. Tinatamad akong maglakad." Sabi niya pa bago umupo sa pwesto ko at inumpisahan ng kainin ang pagkain ko.

Nakita ko naman ang mga matatalim na titig ni Kayden pero hindi siya sa 'kin nakatingin... sa baso, sa baso siya nakatingin habang kagat-kagat ang ibabang labi niya. Hinayaan ko na lang siya, baka nagriritwal siya at sinusubukang basagin ang basong hawak niya.

"Asher." Tawag ko, 'yung tono ko... tono na normal lang, hindi 'yung nakakatakot.

"Why?" Simpleng tanong niya.

"Pupunta ka ng canteen 'diba?"

Narinig ko kasi siya kanina na gusto niya raw uminom ng kape, nagpapahinga lang siya saglit tapos pupunta na ng canteen. Ewan ko ba sa lalaking 'to, parang hindi siya nabubuhay kung hindi siya iinom ng kape.

"Oo... I'll buy some coffee." Sagot niya, pinapanood naman kami ng iba. Nagtataka siguro kung bakit siya lang ang kinakausap ko.

"Sabay mo nga ako. 'Yung isa kasi r'yan, hindi naman ako tinulungan, nilantakan naman ang pagkain ko." Parinig ko sa hapon pero parang wala naman siyang narinig.

"Tara, pero ayaw mo ba talagang inumin na lang 'yon?" Turo niya pa tsaka nang-aasar na tumawa.

"Gusto mo ng 360° sapak?" Inis na sabi ko sa kaniya, pinanliitan ko siya ng mata dahil sa pagtawa niya, gano'n din 'yung iba.

Talagang iniinis nila ako ah. Nauna na lang akong umalis habang tinatakpan ang dalawa kong tenga. Nakakarindi ang mga tawa nila. Talagang ginagatungan pa nila 'tong Abo na 'to e.

"Hey! Wait!" Tawag sa 'kin ni Asher, pinipilit niya pa na ayusin ang boses niya pero nahalata ko pa rin sa kaniya ang pagtawa niya.

"Bilisan mo! Ang tagal mo namang maglakad e." Reklamo ko sa kaniya.

"Ikaw 'tong parang hinahabol ng aso e. Kababaeng tao ang kalalaki ng mga hakbang."

"Blah blah blah blah blah, wala akong naririnig. Blah blah blah blah blah, wala akong naririnig." Ulit-ulit na sabi ko sa kaniya, kapag hindi ako nakapagpigil, baka putulin ko na lang ang dila niya. Matabil masyado.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now