"Sino 'yun, Yakie?" Nakasimangot pero nanghihinalang tanong ni Kenji sa 'kin.

"'Yung sa college... kakilala nila mommy. Isinakay niya lang ako sa kotse niya nung lumabas ako ng gate natin." Paliwanag ko.

"Bakit na naman niya isinakay? Tinawagan mo ba siya?" Tanong ni Eiya.

"Ay mali. Ako pala ang sumakay sa kotse niya kahit wala pa siyang sinasabi sa 'kin." Pagkaklaro.

"Hindi mo naman kilala 'yun, Yakie e. Dapat hindi ka sumasama sa mga hindi mo kakilala, malay ba natin kung may gawing hindi maganda 'yun!" Sabat ni Trina na nasa harapan ko na pala.

"Yes. She's right. We we're all worried here and asking where you're going, we're calling you but you don't answer, your cellphone is turned off. You okay?" Tanong sa 'kin ni Alzhane, tumango naman agad ako.

"Oo naman... bakit naman ako hindi magiging okay."

"Dahil do'n sa nangyari kahapon?" Nag-aalangang sabi ni Shikainah sa 'kin.

"Wala na 'yon, kalimutan na ang dapat kalimutan. Baka naman aksidente lang 'yon tsaka ayos na sa 'kin ang lahat." Sinserong sabi ko.

Hininaan ko na lang 'yon, 'yung tipong kami na lang ang makakarinig dahil ayaw kong isipin nina Kio at nung Kulapo, isama mo na rin 'yung hudlong na nagpaparinig ako sa kanila.

Dumating na ang teacher namin kaya naman nagsibalikan na kami sa mga kani-kaniya naming mga pwesto. Buong klase akong lutang, wala naman akong iniisip sadyang hindi lang kaya ng utak ko na makinig ngayon.

Hanggang sa matapos na rin 'yung sunod na subject, mas inaantok pa 'ko dahil sa boses nung teacher namin, parang nanghehele siya ng mga istudyante.

Sinuot ko kaagad ang bag ko nang marinig ko ang bell, hinila ko si Eiya at Kenji. Ayaw kong makasabay muna ang mga hudlong sa pagkain kaya naman nauna na kami. Hinintay na lang namin ang mga babaita sa may hagdan.

Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom kahit na biscuit lang ang kinain ko kanina, himala nga 'yun e. Parang natahimik ang mga dragona ko sa tyan ng sampalin ako ni Kio.

Akmang maglalakad na sana ako nang hablutin ni Kio ang braso ko. Iniwan tuloy ako ng mga kasama ko dahil parang nakatunog naman sila para makapag-usap kami nitong isa. Walang emosyon ko siyang tinignan.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa isang malamig na tono.

"Yakiesha..."

"Heira." Pagtatama ko. "Heira ang pantawag nila sa 'kin, hindi Yakiesha."

"Okay..." Pagsuko niya. "Kumain ka na ba?" Tanong niya sa 'kin.

Nainis naman ako lalo dahil sa pagtatanong niya. Tanga ba siya o sadyang nambubwisit lang? Nagtatanog siya kung kumain na ba 'ko e papunta pa lang ako sa canteen ngayon.

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin, Kio. 'Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa." Sabi ko sa kaniya, napanganga na lang siya dah sa tono ng pananalita ko.

Gaya ng sinabi ko, hindi niya pa ako makakausap ng maayos hanggat hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga nangyari, hanggat sariwa pa sa utak ko ang mga 'yon, hindi ko pa siya kayang kausapin gaya ng dati.

"Heira... I know you're mad—!"

"Buti alam mo?" Pambabara ko sa kaniya. "May alam ka na pala sa 'kin ngayon 'no?" Sarkastiko akong tumawa.

"Don't be rude, please!" Inis na sabi niya sa 'kin. "Don't be like this... I just want to talk to you."

Tinignan ko na lang ang mga kuko ko sa kamay ko at umaktong walang pakialam sa mga sinasabi niya ngayon. Ang dami niyang satsat, gusto ko ng kumain e. Palagi na lang siyang istorbo kapag lunch break na namin.

"Ano bang sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon dahil may naghihintay pa sa 'kin." Malamig na tugon ko.

"I... I want to say sorry about sa nangyari kahapon, hindi ko 'yon sinasadya, maniwala ka. Nabigla lang talaga ako sa mga sinabi mo sa 'kin kaya..." Hindi na niya maituloy ang sinasabi niya dahil wala naman siyang mahanap na magandang salitang dapat ilabas ng bibig niya.

Nabigla raw siya sa mga sinabi ko kahapon kaya nagawa niya 'yon... ibig sabihin, kasalanan ko pa rin kung bakit niya ako nasampal. Kasalanan ko pa rin kahit hindi naman talaga.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya. "Oo... ayos lang naman 'yun, ayos lang palagi, basta ikaw... kayo... ayos lang, wala naman kasi akong nagagawa kundi maging ayos lang sa lahat ng mga nangyayari. Ayos lang sa 'kin kaya 'wag ka ng mag-alala."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinalikuran ko na siya at naglalakad papalayo, nagtutubig na ang mga mata ko kaya naman umalis na ako sa harapan niya, ayaw kong makita niya nananaman na umiiyak ako.

Sumunod ako sa mga babaita sa canteen, syempre, hindi ako nakaligtas sa mga mapamuring tingin ng mga estudyante, 'yung iba pinagbubulungan at pinagchichismisan na nila ako. Taas noo akong naglakad sa kanila.

Wala akong dapat ikatakot sa kanila, sa mga dos por dos, kutsilyo at kamao nga hindi ako takot, sa mga bunganga pa kaya nila? Hindi naman sila multo para katakutan.

Pero mukha silang mga kaluluwa.

   ————————————————

KIO'S POV

"Tapos ka na?" She asked in a cold tone, I nodded as a sign of answer. "Oo... ayos lang naman 'yun, ayos lang palagi, basta ikaw... kayo... ayos lang, wala naman kasi akong nagagawa kundi maging ayos lang sa lahat ng mga nangyayari. Ayos lang sa 'kin kaya 'wag ka ng mag-alala."

I can see how she hurts now. Tears were already forming in her eyes but she stopped them from dripping. I feel sorry for her because she doesn't deserve to be hurt and be like this. This is my fault. It's my fucking fault.

"Masasaktan ka talaga! Bakit ba ayaw mo pang gawin?! Dahil gusto mo pang palakihin ang gulo? Dahil gusto mo nananaman ng sakitan?! Gano'n ba 'yon ha?! Hindi na kita kilala, Yakiesha!"

I didn't mean to say those hurtful words, I was just blinded by my anger because I couldn't accept that she was saying those words that shouldn't be said. Hindi niya dapat sinabi ang salitang 'yon kay Zoe.

My lips parted as I watched how she left in front of me and followed her friends. Gumagalaw ang balikat niya habang naglalakad siya kaya alam kong umiiyak siya.

I hated myself because I hurt her not only emotionally but also physically. I slapped her because I was shocked by what she said to me. Ang sama ko lang dahil pinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya sasaktan kahit kailan.

I called her last night because I was afraid that he might went somewhere  but I was surprised when my older brother texted me that he was with him. Nakahinga ako ng maluwang dahil kasama siya kahapon ni Kuya Jaxon.

Siguro nasabi niya na kay Kuya Jaxon ang nangyari kaya galit na galit siya sa 'kin, sermon ang inabot ko kaninang umaga sa kaniya. Alam kong mali ako... mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat siya agad sinigawan kahit alam kong nagsasabi naman siya ng totoo.

I just don't want Zoe to be angry with me so she's on my side, I honestly don't know who I'm going to believe in the two of them. Ngayon... dahil sa nagawa ko...

I could see in Yakiesha's eyes the coldness I had never seen before.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now