"Magpapahinga na po ako, gusto ko na pong matulog." Sabi ko sa kanila.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil tumakbo na ako paakyat ng kwarto ko, narinig ko ang pagtawag nila sa 'kin pero hindi ko na lang pinansin. Inaantok na rin naman ako, nakakain na ako kaya wala ng problema ro'n.

Nagpalit lang ako ng damit kong pantulog bago ko binagsak ang katawan ko sa kama ko at pumikit. Sana bukas ayos na... sana bukas tapos na ang lahat ng 'to, ayaw ko na ng gulo.

"Sige, sistereret, ikwento mo sa kuya mong gwapo pa sa gwapo."

"Ako? Mukhang lolo? Sa gwapo kong 'to, sasabihan mo 'ko na lolo?"

"Pero sa bagay, pwede naman akong sugar lolo."

"Nakakatakot ka naman pala, kwento pa lang parang madudurog ka na e."

Muli akong napangiti bago tuluyang nilamon na ng antok. Kung may araw man na ayaw kong balikan... baka ito ang araw na 'yon. Ayaw na ayaw ko na ulit mangyayari 'to.

-

"Isha... nakauwi ka ba ng maayos kagabi? Wala namang nangyaring masama sayo 'diba?" Bungad sa 'kin ni Eiya sa 'kin.

Hindi ko na lang inagahan ang pagpasok ko ngayon dahil wala rin naman akong gana. Kung makikita ko lang 'yung dalawa pati na rin 'yung ibang mga hudlong buong maghapon parang gusto ko na lang pumikit at matulog.

Talagang hindi ako maaga ngayon dahil ayaw kong makasabay si Kio sa kahit na anong gawin ko sa loob ng bahay namin. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako bumaba ng bahay.

Kinakatok niya ako kanina pero hindi ko siya pinagbuksan, hindi ko naman gawain ang maglock ng pinto pero ngayon, palagi ko ng nilolock 'yon dahil ayaw ko siyang kausapin. Mas lumalala lang ang inis ko sa kaniya kapag nakikita ko siya.

Biscuit na nga lang ang kinain ko e. Kinalkal ko lang 'yon sa may kabinet ko sa kwarto ko. Buti na lang pala nagsasaksak ako ng pagkain kahit saan kaya naman may nadudukot ako sa mga ganitong oras.

Nagbike ako papasok pero hindi gaya ng dati na mabilis ko lang pinapatakbo 'yon, ngayon... parang ayaw ko ng magpedal para hindi agad makarating sa B.A.U. Bagsak balikat din akong pumasok dito, napilitan lang ako kaysa naman sa mag-absent ako.

Pumasok ako ng room ng hindi ko tinitignan kahit na sino sa mga hudlong. Nakayuko lang ano o kaya naman nakapikit para lang hindi ko makasalubong ang mga mata nila.

Nanghila lang ako ng upuan ko para tumabi kay Eiya, nasa gitna kasi namin si Kenji na wala atang alam sa nangyari kahapon, hindi ko siya ata nahagilap nung nagkakagulo sa canteen, baka nasa tambayan na no'n siya. Siyang mag-isa.

Mag-isa si Kio sa may likuran namin, nando'n siya sa pwesto niya at nakatingin lang sa 'kin. Kahit hindi ko siya tinitignan, nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Seryoso lang siya at malalim ang iniisip.

"Wala namang nangyari sa 'kin, late lang akong nakauwi." Sagot ko sa kaniya bago ko buksan ang librong dala ko.

Kaya ko namang makipagkwentuhan habang nagbabasa. Gusto ko lang libangin ang sarili ko habang hindi pa nag-uumpisa ang klase. Kaysa naman makinig ako sa mga boses ng mga hudlong sa paligid ko.

"Mga anong oras ba? Tsaka sinong kasama mo?" Tanong niya.

"Mga alas nuwebe na rin 'yon. Galing lang ako ng park... uh, kasama ko 'yung si Jaxon."

"Jaxon?!" Gulat na tanong nilang dalawa ng batang hapon.

Dahan-dahan akong tumango pero nasa libro pa rin ang tingin ko. Bago pa lang 'to, hindi na kasi ako masyadong nakakapagbasa nitong mga nakaraang araw dahil tulog na agad ako pagkauwi ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now