Ako naman ang nagpumilit na 'wag munang umuwi e, wala naman talaga siyang kasalanan dito, nagmagandang loob lang siya sa 'kin pero ayaw kong tanggapin 'yon. Ayaw ko namang madamay pa siya sa galit ni Kio sa 'kin.
Bumaba ako ng kotse niya. "Mauna na 'ko, ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko sa kaniya bago ako maglakas papalapit sa bahay namin.
Nang lumingon ako muli sa kaniya, nando'n pa rin ang kotse niya, mukhang hinihintay niya muna akong makapasok sa 'min. Kinawayan ko muli siya bago tuluyang pumasok ng gate namin.
Kahit sa araw na 'to lang, naranasan kong magkaro'n ng kuya na pwedeng sandalan kapag malapit na 'kong matumba. Ang swerte ng kapatid niyang babae dahil mero'n siyang kuya na mabait pero kulang sa turnilyo ang utak.
Nakasara na ang pinto. Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa mga labi ko dahil sa nakita ko sa may bintana ang anino ni Kio, alam kong siya 'yon, memoryado ko na ang tungkol sa kaniya.
Huminga ako ng malalim at inalis ang kahit na anong reaksyon sa mukha ko bago ko hinawakan ang doorknob at pinihit 'yon, pagpasok ko ng bahay, agad naman silang napatingin sa 'kin.
"Oh, my god! Heira, saan ka ba nagpunta?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni mommy saka niya ako niyakap ng mahigpit, matagal bago ko sinuklian 'yon dahil nag-aalangan pa 'ko.
Ang tanga ko lang, bakit hindi ko naisip na nag-aalala sila sa 'kin. Bakit hindi ko naisip na hinahanap nila ako sa mga ganitong oras. Bakit hindi ko naisip na... may naghihintay na pamilya sa 'kin?
"Anak... bakit ngayon ka lang? It's almost time. May nangyari ba sayo?" Tanong sa 'kin ni daddy pero umiling lang ako sa kanila, nahagip ng mata ko si Kio na parang natatakot ang mga mata niya.
Natatakot siguro siya na baka isumbong ko siya sa mga magulang namin tungkol sa ginawa niya sa 'kin kanina. Bumuga ako sa hangin. Hindi ko siya ilalaglag sa kanila lalo na kung alam kong ikakapahamak niya, hindi naman ako nanakit gaya niya.
"Ayos lang po ako. May pinuntahan lang po ako kaya ngayon lang ako." Sagot ko sa kanila.
"Saan?" Tanong ni mommy.
"Sa... isang kaibigan lang po."
"Wala ka kina Zycheia, tumawag na kami sa kanila kanina. 'Wag kang magsinungaling sa 'min, Yakiesha. Where have you been?" Seryosong tanong ni Kio.
Ano bang pakialam mo?
'Yan sana ang isasagot ko sa kaniya pero hindi 'yon akma sa sitwasyon namin ngayon. Kapag sinabi ko 'yon, baka magalit nananaman siya sa 'kin, baka magkaroon nananaman ng gulo at ako nananaman ang sisihin niya.
"Sa park." Sagot ko. "Kasama ko po si Jaxon... 'yung lalaking nandito nung isang linggo lang." Pagtatapat ko, wala naman akong magagawa kung magsisinungaling ako at isa pa, wala naman kaming masamang ginawa.
"J-Jaxon?" Nanginginig na tanong ni mommy, tumango naman ako. "May sinabi ba siya tayo? May pinagtapat ba siya? May sinabi ba siya tungkol sa 'min... sa 'tin?" Sunod-sunod na tanong niya ba para bang natatakot siya sa pwede kong isagot.
"Wala po. Wala naman siyang sinabi sa 'kin, sinamahan niya lang po ako dahil..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko, ayaw ko namang sabihin sa kanila na umiyak ako. "...Dahil masakit po ang ulo ko, nagkataon lang po na nando'n din siya." Sabi ko, nagkataon na dumaan siya sa harapan ko.
Nakahinga naman sila ng maluwang, kumunot ang noo ko dahil sa mga inaakto nila. Hindi makalapit sa 'kin si Kio kahit alam kong gusto niya akong lapitan. Sigurado naman akong sesermunan niya lang ako dahil sa ginawa kong pag-uwi ng ganitong oras.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 197
Start from the beginning
