"'Yon lang naman ang gusto kong ipagawa sayo. Kio, look she didn't want to do what I told her to do para magkaayos na kaming dalawa." Parang batang pagsusumbong niya.

May teluk ba ang babaeng 'to? Nambabaligtad na nga, nakuha na niya ang simpatya nina Kayden at Kio. Nagawa niya na akong pagmukhaing masama sa kapatid ko at sa ibang mga hudlong tapos ngayon, ipapagawa niya pa ang ayaw kong gawin? Bakit, hindi ko naman siya nanay ah?!

"Gawin mo na lang ang gusto niya. Kneel down and say sorry tutal ikaw lang naman ang nauna at nag-umpisa ng gulong 'to, ikaw na lang din ang tumapos."

"Kio! Alam mo ako, kilala mo 'ko. Hinding-hindi ko gagawin 'yon. Ni minsan hindi ko ginagawa lumuhod sa harap ng isang tao. Bakit ko naman gagawin 'yon ngayon?!"

"Gagawa ka ng gulo tapos ngayong may consequences ayaw mong gawin?! What the hell is happening on you?!" Sigaw ni Kio, gigil na gigil talaga siya dahil lumalabas na ang mga ugat niya sa ulo.

"Aray! Ano ba, Kio. Nasasaktan ako!" Pagdaing ko ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko, sinubukan namang pigilan ng mga babaita ang ginagawa niya pero sila mismo ay napigilan ng mga hudlong.

"Masasaktan ka talaga! Bakit ba ayaw mo pang gawin?! Dahil gusto mo pang palakihin ang gulo? Dahil gusto mo nananaman ng sakitan?! Gano'n ba 'yon ha?! Hindi na kita kilala, Yakiesha!"

Padarag kong hinigit pabalik ang braso ko. Nasasaktan na ako sa higpit ng hawak niya, nasasaktan din ako sa mga sinasabi niya. Lulubusin ko na, tutal ngayon lang 'to.

Muntik pang lumagutok ang buto ko dahil sa pagkabigla ro'n sa ginawa kong paghigit pero hindi ko na lang pinansin 'yon. Inilapit ko ang mukha ko kay Kio para marinig niya ang mga sasabihin ko.

"Ikaw ba, Kio?! Kilala pa ba kita? Hindi na rin. Kasi hindi na kita kilala, ni hindi mo nga pinakinggan ang paliwanag ko e. Ni hindi mo ako pinagtanggol, ni hindi mo ako kinampihan. Ngayon ko lang sasabihin 'to, anong klase kang kapatid—!"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng sampalin niya ako ng malakas. Tumagilid ang mukha ko at ramdam na ramdam ko ang hapdi no'n. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nailabas ko na ang hagulgol na kanina ko pa pinipigilan.

"Yakiesha... I'm sorry, I didn't mean to..." Hindi na niya magawang tapusin ang sinasabi niya, sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko 'yon. "I'm sorry... hindi ko sinasadya."

-END OF FLASHBACK-

Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat, walang labi, walang kulang. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko sa kaniya ang lahat 'diba? Pinigilan ko na lang na magpadala sa emosyon ko, nakakapangit lang 'yon.

Nakita ko naman na biglang sumeryoso ang mukha niya at parang hindi nagustuhan ang mga sinabi ko. Lumalim ang mga mata niya at konti na lang ay parang bubuga na siya ng apoy.

Ako na rin mismo ang natakot sa kaniya ngayon. Anong nangyari? Bakit biglang nagkagano'n?

"Huy. Ayos ka lang?" Tinapik ko ang pisngi niya.

"Who's that girl?"

"Ha?"

"That girl, 'yung nanabunot sayo at nambaligtad sayo."

Kahit nagtataka ako sinagot ko na lang siya. "Zoe, sa pagkakaalam ko, Zoe Natalie ata ang pangalan niya, hindi ko alam ang buong pangalan niya kasi hindi rin naman akong—!"

"Sinong Zoe?"

"Hindi ko nga alam e. Pero sa mga narinig ko, Queen ang tawag nila sa kaniya. Hindi naman ako nainform na may reyna pala sa university natin." Nakangiwing sagot ko.

"Was this her?" Tanong niya sa 'kin at pinakita ang litrato ni Zoenrox gamit ang cellphone niya.

Tumango ako. "Oo, 'yan nga!" Napasigaw ako ng wala sa oras, naingyan naman ata siya kaya naman napapikit pa siya. "Kilala mo ba?"

"Yes." Seryosong sagot niya. "Damn that girl. Kahit na anong gawin ko hindi na talaga siya nagbago sa ugali niya." Bulong niya sa sarili niya.

"Kilala mo nga siya. Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko, baka hindi mo rin ako paniwalaan kapag siya na ang nagsalita."

"No. Hindi ko papalampasin 'to. Who else? 'Yung sumampal sayo? Sino siya?"

"Kapatid ko." Mabilis na sagot ko.

"Akio Fynn?"

"Uhm... kilala mo rin siya?"

"Yes. Kilala ko silang dalawa."

"Hala! Pa'no?! Tsaka bakit mo kilala ang mga magulang ko tapos nando'n ka nung umuwi kami galing Batangas. Bakit ka biglang nawala nung kakain na sana kami, hindi ka man lang sumabay sa 'min. Bula ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko pa masasagot ang mga tanong mong 'yan. There is a right time for everything. Kapag tamang panahon na, pwede ko ng sabihin sayo."

"E bakit ayaw mo pang sabihin sa 'kin? Tsaka kailan ang tamang panahon na sinasabi mo?"

"Basta. Sa tamang panahon, malalaman mo rin ang lahat."

"Bakit? May mali bang panahon?"

"Ayan, puro ka kalokohan. Sarap mong kaltukan ng bente beses." Inis na sabi niya sa 'kin.

"Ang sama mo naman kung gagawin mo 'yon. Unahan na lang kita!" Inambahan ko siya ng kaltok pero nakaiwas siya.

Tumawa ako ng malakas ng mahulog siya sa swing at lumagapak sa lupa. Sinamaan niya ako ng tingin habang hawak ang pwetan niya.

Ayan, ang tanga kasi.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now