Inalala ko naman 'yung kwento ko kanina sa kaniya, kung sa'n ba 'ko huminto, kung sa'n ba ako natapos. Hinilot ko ang sentido ko, demanding pa naman ang isang 'to.

"...Nagalit siya sa 'kin dahil nga nabasa ko siya, may dala siyang juice no'n tapos natapon sa uniform niyang mamahalin daw."

'Yon, do'n nga ako. Kung saan ako sinigawan ni Zoe, kung paano kami pigilan ni Aiden, kung pa'no pumagitna ang hudlong na 'yon sa 'min.

"Pagkatapos nung araw na 'yon... 'yung araw na nabuhusan ko siya, nagalit na sa 'kin ang lahat kasi ang kinakampihan nila. Wala naman akong magagawa ro'n e." Paliwanag ko, ayaw kong tumingin sa kaniya dahil baka isipin niya na nagpapaawa lang ako sa kaniya para ako ang kampihan niya.

"...Minsan, may biglang nambubuhos sa 'kin ng juice sa ulo ko dahil sa ginawa ko. Kesyo bakit ko raw kinalaban 'yung babaeng 'yon, kung bakit ko raw siya sinagot-sagot."

Tumango naman siya at hinagod-hagod ang likod ko na animong naglalabas ako ng sama ng loob, hindi naman ako humahagulgol, hindi rin naman ako umiiyak. Siraulo lang talaga siya kaya siya ganiyan.

"...Tapos kanina, palabas na kami ng canteen e. Kasi hindi naman kami sa loob ng canteen kumakain, may sarili kaming tambayan na magkakaklase." Dagdag ko pa.

Napangiti na lang ako ng maalala ko 'yung itsura ng tambayan at kung pa'no kami kumain ng sabay-sabay do'n habang tumatawa pa. Kailan kaya mauulit 'yon? Mukhang hindi na mangyayari pa muli 'yon dahil sa nangyari.

"...Biglang may humila ng buhok ko, kulang na lang hilahin niya pati anit ko e. Parang gusto niya na akong kalbuhin dahil sa lakas nung pagkakahila niya." Sabi ko, narinig ko naman ang mga pagtawa niya.

"...Hindi ko naman siya nilabanan nang pisikalan gaya ng ginawa niya. Hanggang salitaan lang ang ginawa ko dahil hindi ko alam ang pwede kong magawa sa kaniya kapag napuno ako."

Nalaglag naman ang panga niya. "Nakakatakot ka naman pala, kwento pa lang parang madudurog ka na e." Sabi niya.

"He! Ayaw ko lang talagang may mangyaring hindi maganda kaya gano'n."

"Anong nangyari pagkatapos? Umiyak ka lang dahil sinabunutan ka niya? Dapat gumanti ka, tanggalin mo na pati ang kaluluwa niya."

"Bakit hindi Ikaw ang gumawa? Tutal ikaw din naman ang nakaisip."

"No thanks. Baka multuhin niya pa 'ko." Nakangiwing sabi niya. "Anong nangyari pagkatapos?"

"Tapos..."

-FLASHBACK-

"Aalis na 'ko, tama na." Pabulong na sabi ko at akmang hahakbang na ng tumigil sa harapan ko si Zoe para pigilan ako.

"Not that fast. Hindi pa tayo tapos." Sabi niya.

"Anong gusto mong gawin ko para matapos na 'to?" Tanong ko habang nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga pesteng luha na 'to.

"Lumuhod ka sa harapan ko and say sorry."

Agad naman akong umiling. "Kahit na ano pang sabihin mo, hindi ko gagawin ang sinasabi mo!" Angil ko.

"Don't shout. Just do what she tells you to do." Malamig na tugon ni Kio.

"Lahat ipagawa mo na, 'wag lang 'yon."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now