"...Nagalit siya sa 'kin dahil nga nabasa ko siya, may dala siyang juice no'n tapos natapon sa uniform niyang mamahalin daw."
"Uhm... okay. Ayos lang 'yon, kung ano rin naman ang nakabungguan mo tapos natapunan mo 'ko, magagalit din ako e. Baka nga sabunutan pa kita." Komento niya. Talaga lang ah?! Kalalaking tao, nananabunot pala.
"Edi ikaw na. Baka alam mo na ang nangyari, ikaw na lang ang magkwento sa sarili mo." Sarkastikong sabi ko sa kaniya, ang daming dada e. Pwede namang makinig na lang, wala namang kwenta ang mga sinasagot niya sa 'kin.
"Hindi na. Hindi ko naman alam ang kwento ng buhay mo. Mala-MMK ba 'yan?"
"Isa!" Pagbabanta ko sa kaniya. "Kapag umabot ng tatlo 'to hindi na 'ko magkukwento." Bwisit ka!
"Sige, sistereret, ikwento mo sa kuya mong gwapo pa sa gwapo." Sabi niya kaya naman biglang umihip ng malakas ang hangin.
"Ayan, pinakiramdaman ka ng hangin. Hindi raw niya tanggap ang sinabi mo."
Pero teka. Anong sinabi niya? Parang nagkamali lang ako ng dinig sa sinabi niya. Kailangan ko na bang maglinis ng tenga ko?
"Sige, sistereret, ikwento mo sa kuya mong gwapo pa sa gwapo."
"Sige, sistereret, ikwento mo sa kuya mong gwapo pa sa gwapo."
"Sige, sistereret, ikwento mo sa kuya mong gwapo pa sa gwapo."
"Sistereret? Kuya?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Nakita ko naman na natigilan siya at napapalunok pa. Agad namang sumalubong ang kilay ko. 'Yung totoo? Umayos siya ng upo at iniwasan ang mga tingin ko sa kaniya.
"Uh... syempre mas bata ka sa 'kin, you're a junior high school student and I'm a college student. Kaya naman mas matanda ako sayo. You can call me kuya or pwede rin namang gwapo or handsome, depende sa trip ng utak mo." Sabi niya tsaka tumawa. Tawang pandemonyo, ang sakit sa tenga.
"Gano'n ba 'yon? Lolo na lang kaya? Tutal sabi mo mas matanda ka sa 'kin, pwede na 'yung lolo o kaya naman ninong." Pang-aasar ko sa kaniya na siya namang dahilan kung bakit sumama ang mukha niya.
"Ako? Mukhang lolo? Sa gwapo kong 'to, sasabihan mo 'ko na lolo?" Inis na katwiran niya, nagulat ako ng tumango siya bigla. "Pero sa bagay, pwede naman akong sugar lolo."
Tumawa naman ako ng malakas sa kaniya. Ngayong araw na 'to, 'yon ang una kong paghalakhak, nawala na rin sa isip ko ang nangyari. Nawala sa isip ko ang mga problema ko sa paligid.
"Siraulo ka. College ka na ba talaga?" Natatawang tanong ko sa kaniya, tumango naman siya. "E bakit parang utak mo pang-elementary?"
"Tse! Ikaw ha, nilalayo mo ang usapan, sabi mo magkukwento ka na?"
"Oo nga pala... sa'n na ba 'ko?"
"Sa park."
"Pilosopo ka rin e 'no?"
"No. I'm not. Sinagot ko lang ang tanong mo."
"Tinatanong ko kung saang parte na 'ko ng ikinuwento ko sayo. Ang gulo mo naman ih!"
"'Yon ba 'yon. Alalahanin mo, 'wa kang shunga. Kwento mo tapos kinakalimutan mo?"
"Oo nga, heto na oh. Iisipin na nga, nakakahiya naman kasi sayo."
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 196
Comenzar desde el principio
