"Tinapon ko na 'yung bote na pinag-ininuman mo... pwede mo ng ichicka sa 'kin kung anong nangyari sayo."
Tumawa naman ako. "Ichicka talaga? Hindi ba pwedeng ikwento na lang? Chismoso ka pala?"
"Tsh. Just tell me... sinong nag-aaway sayo, papaluin natin." Sabi niya, akala mo naman bata akong kinakausap niya na inaway ng kalaro sa kanto.
Ngumiti ako na parang natatae. OA rin pala 'tong ugok na 'to e. Hindi ko alam kung bakit ako sumakay sa kotse niya, bigla na lang kasi siyang pumarada sa harapan ko e. Tumatakas pa naman ako kaya wala akong magawa.
Pinasakay niya naman ako. Hindi ko man siya kilalang-kilala talaga pero komportable akong kasama siya. 'Yung pakiramdam na parang kapatid ko lang 'yung kasama ko ngayon, pwede ko siyang utusan, inisin, asarin at kausapin.
Pumunta na siya sa bahay namin kaya alam kong kakilala siya ni mommy at daddy. Hindi naman siguro siya mag-te-trespass sa 'min ng may tao sa bahay 'diba? Baka kasosyo ni daddy sa negosyo, tutal college na rin naman siya, malay ko ba kung naghahanap na siya ng trabaho niya.
Naramdaman ko na lang na parang lumalakas ang paggalaw ng swing kaya naman nabalik ako sa reyalidad. Napamura na lang ako ng makitang tinutulak-tulak pala ako ni Jaxon. Bwisit, baka naman gawin niya rin ang ginawa ni Mavi sa 'kin.
"'Wag mong lalakasan, baka masapak na lang kita kapag ginawa mo 'yon." Pagbabanta ko sa kaniya kaya naman hininto niya ang swing saka umupo sa tabi ko.
Oo, sa mismong tabi ko. Nasa iisang swing lang kami, king ina, ang sikip, ang sakit sa tagiliran. Gusto ko siyang itulak para naman maluwag na ang pwesto ko. Mahaba naman ang upuan ng swing kaso malaki kaming parehas kaya masakip.
"Sige, sabihin mo na. Gusto ko lang gumaan ang pakiramdam mo." Sabi niya sa 'kin.
Tumingin naman ako sa kaniya saglit. Seryoso ang mukha niya at nakatingin sa kawalan. Gano'n na lang din ang ginawa ko. Iilan lang naman ang mga taong nandito ngayon, mukhang mga walang pasok kaya sila namamasyal..
"'Wag mo 'kong sabihan na parang bata akong nagsusumbong ah!" Paalala ko sa kaniya. "Magkukwento ako pero hindi ibig sabihin no'n nagsusumbong na ako sayo."
"Oo na. Sige na, ikwento mo na, ang dami mong eklabu-eklabu e."
"College ka nga pala kaya hindi mo narinig ang nangyari kanina." Pabulong kong sabi, alam ko naman na narinig niya 'yon.
"Bakit? What happened?"
"King inang 'what happened' 'yan, kanina niyo pa 'ko tinatanong niyan e."
"E sa anong gusto mong sabihin ko? Anong nangyari, gano'n?"
Sininghalan ko naman siya. "Nung dati, mga ilang linggo na rin ang nakakaraan no'n. Nagmamadali kasi akong pumasok sa canteen—!"
"Kasi gutom ka na kaya hindi mo na matiis?"
"Hindi 'no! Tapos na 'kong kumain no'n, nagbabalik na lang ako ng tray ng pinagkainan namin." Sagot ko sa kaniya.
"Oh, tapos? Nagbabalik ka na lang pala ng tray, nagmamadali ka pa, sus, gusto mo lang kumain ulit e."
"Makikinig ka ba o ano?!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Sige, continue."
"Ayun, pagkapasok ko, may nakabungguan akong isang babae. Hindi ko naman sinasadya 'yon dahil parehas kaming hindi nakatingin sa dinaraanan namin." Paliwanag ko, tumango naman siya bilang pagtanggap sa sinabi ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 196
Start from the beginning
