Inilagay niya ang hintuturo niya sa noo ko, napapikit ako dahil ang tutulis ng mga kuko niya at parang bumabaon 'yon sa noo ko. Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko na gumawa ng kahit na anong hakbang na pwede kong ikapahamak.
Pagkabukas ko ng mga mata ko ay sumakto 'yon sa paningin niya. Nawala ang emosyon ng mukha ko at tangging seryoso ang mga mata ko, kinuyom ko ang mga palad ko, oras na sabunutan niya ako, sasapakin ko na siya.
"...Because you're a flirt." Sabi niya
Sinasabi niya 'yon habang naka ngisi at habang pinipindot-pindot ang noo ko, napapaatras na lang ang ulo ko habang sinusundan ang galaw ng daliri niya. Putulin ko 'yan e.
"Malandi ka... alam mo ba 'yon? Nilalapitan mo ang alam ng lahat ng sa 'kin lang... na pagmamay-ari ko kahit hindi ko kasama." Dagdag niya pa.
"Wala akong nilalandi. Hindi ako malandi at higit sa lahat, hindi ako lalandi... hindi kasi ako kagaya mo." Sagot ko sa kaniya, narinig ko naman ang bulungan ng iba sa paligid.
Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga salitang nasabi ko sa kaniya pero ang alam ko lang, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko ngayon dahil sumusobra na siya.
"What did you say?!" Tanong niya habang namumula pa.
"Makikipagtalastasan tapos mapipikon lang pala." Bulong sa 'kin ni Trina, si Alzhane naman nakakapit sa braso ko at sinusubukan akong pigilan kung ano man ang mga sasabihin ko.
"Wala. Kalimutan mo na lang 'yon. Kakalimutan ko na rin 'yung sinabi mo, bati na tayo, okay?" Sabi ko sa kaniya tsaka ngumiti ng malawak, hindi naman pilit 'yon, totoo 'yon, gusto ko lang naman na matapos na 'to.
Hindi naman kasi ako makakain kung may istorbo sa 'kin. Alangang lantakan ko ang pagkain ko habang may babaeng dumadada sa harapan ko. Baka itapon niya pa sa harapan ko 'yon.
"Bati your face. Sino ka ba sa akala mo para pagsalitaan ng ganiyan si Queen Zoe?!" Gigil na sabat ni Madison.
Nakita ko naman na naging alerto si Shikainah, baka nagbabalak siyang pumagitna sa 'ming dalawa niyang Queen Bobowyowg na 'to kung may mangyari mang gulo.
Kung may gulo mang mangyayari, hahayaan ko sila na unahan 'yon dahil kapag ako ang nauna, ako ang masisisi ng lahat. Ayaw ko no'n kahit alam kong ako ang nasa tama.
"Ako si Heira Yakiesha Sylvia." Sarcastically I said. "Heira for short. Heira kasi ang ginagamit ng lahat na pantawag sa 'kin. Kung hindi mo pa 'ko kilala, edi magpapakilala ako. Ako si Heira." Dagdag ko pa na siya namang nakapagpadagdag sa inis niya.
"Hindi ka pa rin nadadala 'no? You're just a stupid little shit na transferee na nagmamayabang dito." Sabat ni Violet.
"Sumusobra ka na ah!" Sigaw sa kaniya ni Trina pero pinigilan ko siya. Ayaw ko naman na kami ang masira ang pigura sa iba.
"Hayaan mo na." Bulong ko sa kaniya. Bago bumaling sa babaeng nasa harapan ko. "Pasensya na po, kung may nagawa man ako o nasabi na labag sa loob niyo. Pasensya na ulit, ayaw ko ng gulo." Sinserong sabi ko kay Zoe.
"No! Hindi ko papalagpasin 'to, after you tell me that I'm a flirt, do you think I'll let you go?! Fucking no!" Galit na sabi niya.
Ngumiwi naman ako. Ang laki ng problema ng babaeng 'to, akala mo naman siya hindi niya ako sinabihan na malandi ako ah. Ilang beses niya pa ngang sinabi 'yon kahit hindi naman totoo pero hindi naman ako nagreklamo pa sa kaniya.
Namumula siya sa galit, kulang na lang bumuga siya ng apoy. At dahil lang 'yon sa sinabi kong "Wala akong nilalandi. Hindi ako malandi at higit sa lahat, hindi ako lalandi... hindi kasi ako kagaya mo."
Hindi naman talaga ako kagaya niya dahil siya, supistikada, maganda, matangkad, sexy at mataray siya. Lahat ng mero'n sa katangian niya wala sa 'kin kaya hindi ko siya kagaya. Mukhang mali ata ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko kaya siya ganito.
"E sa anong gusto mong gawin ko?!" Inis na sabi ko sa kaniya, ang dami niyang sinasabi, napipikon na 'ko sa mga ginagawa niya. "Gusto ko ng kumain e, ang tagal mo namang kumuda r'yan." Sabi ko pa.
"You punk!" Sigaw niya, akmang susugurin niya 'ko pero may pumigil sa kaniya. "Let me go!" Sigaw niya habang nakatingin pa rin sa 'kin.
Tumingin ako sa taong pumigil sa kaniya. Si Kio 'yon, nasa likod niya ang mga hudlong. Mukhang nakatunog na sila na may gulong nangyayari rito sa canteen.
"Tumigil ka na, Zoe." Mariing sabi ni Kio sa kaniya. Parang natutop naman si Zoenrox at kumalma.
"Are you okay?" Tanong sa 'kin ni Asher.
Nakalapit na pala sa gawi namin ang mga hudlong. Nasa likod ko sila, ako ang nasa harapan. Ako lang naman ang pakay nila, ako lang ang kaaway nila, hindi na dapat pa silang madamay.
Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. May humawak sa kamay ko kaya naman dahan-dahang umangat ang tingin ko kung sino man 'yon. Si Adriel... pero hindi siya nakatingin sa 'kin, na kay Zoe ang mga mata niya.
"What is happening here?" Tanong ni Kio, dumating na rin si Kayden.
Nabigo ako dahil akala ko sa 'kin siya lalapit dahil nandito ang mga hudlong. Nasasaktan ako ngayong nakita ko siyang lumapit at hinawakan ang siko ni Zoe.
Oo nga naman. Kahit naman sino ang nagsimula sa 'ming dalawa, siya pa rin ang kakampihan niya pero si Kio ang hindi ko maintindihan, parang ako pa ang iniisip niyang may kasalanan ngayon dahil sa mga malalim niyang titig sa 'kin.
"Siya. Siya ang may kasalanan!" Turo sa 'kin nung Clown 3.
"Anong siya?! E 'yang kasama niyo ang nanabunot sa kaniya e!" Pag-alma ni Trina.
"Anong nangyayari rito?!" Ang sigaw ni Kio ang umalingawngaw sa paligid kaya naman napaatras ako.
"Natalie..." Tawag ni Kayden sa kaniya. Nawala lahat ng tapang ko kanina, parang nanlalambot ang mga tuhod ko ngayon. "What happened? Bakit kayo nagkakagulo?" Mahinahon pero may diin na tanong niya.
Yumuko naman 'yung isa. Iba talaga ang mga tao ngayon, sila pa ang may ganang magpanggap na parang biktima pero ang totoo, sila ang may kasalanan. Hanggat kaya kong pigilan ang emosyon ko, gagawin ko.
"She said... that I'm a flirt kaya naman lumaban lang ako." Sagot ni Zoe.
"Aba naman! Talagang mambabaligtad ka pa ha!" Inis na sabi ni Eiya, tinignan ko na lang siya para sabihing tumigil na.
Nag-alala ang mga mata ni Alzhane at Hanna, parang takot sila kung ano man ang mangyari ngayon. Si Shikainah at Xavier naman, parehas na umiiling habang nakatingin kay Madison.
"No. I'm not! Sinabi niya sa 'kin na malandi raw ako tapos kanina sinigawan niya pa 'ko!" Sambit ni Zoe at tumingin sa paligid. "Right. Totoo naman 'yong sinasabi ko 'diba?" Tanong niya sa paligid, syempre um-oo naman sila.
"Heira? What's happening with you?! Bakit mo naman ginawa kay Zoe 'yon?" Galit na tanong sa 'kin ni Kio.
Parang dinaga naman ang puso ko. Isipin mo 'yon, kapatid ko siya pero kinampihan niya 'yung sikat na babae na 'to kahit hindi niya pa naririnig ang mga paliwanag ko.
"Yakiesha?!" Tawag niya ng hindi ako sumagot.
"Wala akong sinasabing gano'n sa kaniya! Siya ang nauna sa 'ming dalawa. Sa tingin mo ba, gumagawa ako ng gulo—!"
"Oo!" Agad na sagot niya, tuluyan ng tumulo ang luha ko pero agad ko ring pinaalis 'yon, tanginang luha na 'to, panira, nagmumukha lang akong mahina.
Napailing ako at natawa ng sarkastiko. "Ganiyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa 'kin, Kio?"
"Yes." Sagot niya. "Alam kita, alam kong gumagawa ka ng gulo."
"Alam mo lang naman ang mga maling nagagawa ko pero hindi mo pa talaga ako kilala..."
Kapatid nga kita pero masyado mo akong binaba... masyado mong pinapakita sa 'kin na gano'n ako kapasaway... kasama.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 194
Start from the beginning
