"Because I'm studying here." Sagot niya at nagpalabas ng isang matamis na ngiti.

Namilog naman ang mga mata ko. "Dito ka nag-aaral?!" Tanong ko sa kaniya, nakakabigla naman kasi siya, bigla na lang sumusulpot, akala ko naman sa resort lang siya nagiging kabute, dito rin pala.

"Yes. Matagal na, nakita lang naman kita ngayon kaya nalaman kong dito ka rin nag-aaral."

Kinagat ko ang balat ko sa daliri ko. "Pero bakit hindi kita nakikita rito?! Sa resort lang kita nakikita ah—!"

"Hep! Tama na ang daldal, tutal may pagkain ka na rin namang dala Mr. Landon, sumama ka na lang sa 'min sa tambayan namin." Sabat ni Trina.

Do'n ko lang napansin na may tray pala siyang dala. Kung ano ang nasa tray ko na pagkain, gano'n din ang sa kaniya. Ginaya ba 'ko ng kumag na 'to?

Tumalikod ako sa kanila dahil um-oo naman na rin si Cale sa alol ni Trina sa kaniya. Kukuhanin ko na sana ng tray ko sa lamesa nang may humablot sa buhok ko. Napadaing agad ako, parang pati ulo ko nahila ah.

"Hoy! Anong sino ka ba para gawin mo sa kaniya 'yon!" Sigaw ni Eiya at dinuro-duro ang babae.

Ngayon alam ko na kung sino ang gumawa sa 'kin no'n. Si Zoenrox together with Queen Bobowyowg and her alipores. Nagsama-sama ang mga galit sa 'kin kahit hindi ko naman alam ang dahilan.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit sila nagagalit sa 'kin. Sobrang babaw lang naman ng mga nagawa ko sa kanila. Tubig at basa lang naman ang dahilan

Una si Queen Bobowyowg, parang tubig lang naman ang nabuhos ko sa kaniya nung nasa banyo kami e. Tapos si Zoenrox, natapunan ko lang siya noong nagmamadali kami ni Aiden, malay ko ba na magagalit sila sa 'kin.

Dinaluhan naman ako ni Cale at tinanong kung ayos lang ako. Tumango ako sa kaniya pero ang totoo, ang sakit ng anit ko dahil sa biglang pagkakasabunot sa 'kin, hindi ko alam kung sino sa kanila ang gumawa no'n pero alam kong isa kina Zoenrox ang may kasalanan.

Hinilot ko ng bahagya ang bahagi kung saan nila ako sinabunutan. Mahapdi ah, e kung kayo kaya ang kalbuhin ko ng malaman niyo? Makasabunot wagas.

Yinapos ni Zoenrox ang kamay ni Eiya na nakaduro sa kaniya. Umatras siya tsaka nagcross arm bago ngumisi. Kami nananaman ang pinagtitinginan nila. Syempre, sila nananaman ang kinakampihan nilang lahat.

"Don't you dare to point a finger to me." Mataray na sabi niya.

"Sino ka ba? Bakit mo naman ako pinipigilan sa gusto kong gawin?! Una sa lahat! Ikaw ang nauna, ikaw ang nanabunot sa kaibigan kong wala namang ginagawa sayo!" Sagot sa kaniya ni Eiya.

Nginisian ako ni Trina, gusto ko rin namang tumawa dahil lumalabas ang pagkamaldita nitong Eiya na 'to. Kapag talaga wala sa tama ang kaaway namin, biglang lumalabas ang mga sungay niya.

"I don't care, as long as I see her face, hindi ko mapigilan ang inis ko sa kaniya." Sagot niya.

"Ano bang kinaiinis mo sa 'kin?" Mahinahong tanong ko, lahat ng alitan pwedeng idaan sa magandang usapan.

"You wanna know why?" Hamon niya tsaka niya ako pinagtaasan ng kilay.

Nakatayo lang ako ng tuwid at sa kaniya nakatingin. Kung pwede ko lang siyang sipain at daplisan ang ilong niya ginawa ko na pero syempre pinigilan ko ang sarili ko dahil baka maparusahan lang ako.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin, lumalagutok pa ang mga suot niyang takong bawat hakbang niya dahil ang tahimik ng paligid. Gaya ko, pati sila pinapanood ang gagawin ni Zoe 'd Zoenrox.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now