Matalinong aso.
["Heira..."]
Mas sumalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nung lalaki sa kabilang linya. Hindi ko alam kung kaninong boses 'yon pero alam kong sa lalaki 'yon. Ang laki ng boses e.
"Sino po 'to?" Tanong ko, baka naman nagkakamali lang sila ng tawag at nagkataon lang na Heira rin ang pangalan ng tinatawagan niya.
Hindi lang naman ako ang may Heira na pangalan sa mundo.
["I can't tell you right now..."] Sagot niya sa isang malalim na boses.
"Po? Sino po kayo? Baka naman nagkakamali lang po kayo ng tawag." Sabi ko sa kaniya, sino nananaman kaya ang taong 'to?
May pa 'I can't tell you right now— I can't tell you right now' pa siyang nalalaman. Nagpapakamisteryoso siya gano'n ba 'yon?
["No... I know you."]
Ako hindi.
"Sino nga po kayo. Kilala niyo 'ko?"
["Yes... kilalang-kilala kita."]
Ay, anak ng. Hindi kaya si Chadley 'to? Parehas sila ng linyahan e. Kilalang-kilala raw nila ako pero hindi ko naman sila kilala.
"Sino po kayo? Magpakilala nga kayo."
["Hindi pa pwede pero makikilala mo rin ako sa tamang panahon."]
Wow, si Lola Nidora ka ba?
"Sabi niyo e. Ano pong kailangan niyo? Kumakain po kasi ako e. May pasok pa kami." Sabi ko dahil nagwawala nananaman ang mga bituka ko.
["Nothing, I just wanted to hear your voice."]
"Ha?" Tanong ko pero biglang namatay ang tawag niya. "Hello! Hello po, hi hello." Sabi ko pero wala na talagang sumasagot.
Binalik ko na lang sa bulsa ko ang cellphone ko. Ang weird naman nung lalaking 'yon, tumawag pero hindi nagpakilala, ni hindi man lang niya sinabi sa 'kin kung ano ang pangalan niya. Tumawag siya pero hindi niya man lang sinabi sa 'kin ang pakay niya.
"Sino 'yon?" Tanong sa 'kin ni Eiya.
Nagkibit balikat ako "Hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi kung sino siya."
"Baka naman wrong number lang. Does he or she know you?" Tanong naman ni Alzhane.
"Oo, siguro... ewan ko, alam niya ang pangalan ko pero hindi ko alam kung pa'no niya nalaman 'yon."
"Eeeeikkkk!"
Bigla na lang tumili si Hanna. Nagulat kami ro'n. Pare-pareho kaming napatingin sa kaniya habang hawak ang dibdib. Bigla na lang sumisigaw. Need oxygen, full tank. Walang butas puro hangin lang dapat.
"Baka naman stalker mo siya. Alam mo ba 'yung may gusto sayo tapos ayaw umamin kaya naman hanggang stalk na lang siya tapos ngayon tumawag siya pero hindi nagpakilala!" Sabi niya tsaka pa siya pumalakpak. "May nagkakagusto na siguro sayo, Yakie!"
Ngumiwi ako. "Ni ayaw nga niyang magpakilala, tsaka sino namang magkakagusto sa 'kin?!" Natatawang sabi ko.
"Ako."
Napalingon kaming lahat dahil sa nagsalita. Nalaglag ang panga ko ng makita kung sino 'yon. Siya si Brazen Cale Landon. 'Yung nakita ko sa resort, hala! Bakit siya nandito?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya.
Bumungisngis naman siya habang naghahagikgikan naman ang mga kasama kong babaita rito sa likod. Kilala na nila si Cale dahil nagpakilala siya sa kanila nung nasa resort pa rin kami.
VOUS LISEZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Roman pour AdolescentsPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 194
Depuis le début
