Ang lakas nga ng loob niya e. Ang tatag ng katawan niya dahil nagawa niyang mabuhay ng mahabang panahon na walang mga magulang sa tabi niya... nag-iisa, walang kasama.

Sa mga oras na may problema siya ay wala siyang makausap... gaya na lang ng nangyayari ngayon sa kaniya. Pwede naman siyang lumapit sa 'min, makikinig kami sa kaniya dahil kami... kaibigan niya kami.

Baka nahihiya rin siguro siya na magsabi sa 'min kaya naman sinasarili niya ang lahat ng mga pinoproblema niya. Ang hirap kaya 'nun, 'yung tipong buong gabi mo iisipin kung ano ba ang magiging solusyon mo para sa problema na 'yon.

Bumuntong hininga ako tsaka napailing na lang ng ilang beses. Bakit ko ba iniisip ang kapakanan ni Aiden kung gano'n din naman ang gawain ko? Hindi ako nagsasabi ng problema sa iba... sinasarili ko, ako lang ang may alam hanggang sa matuldukan ko na.

Ayaw ko kasing makaperwisyo sa iba, ayaw ko na may madamay pang iba dahil alam kong may problema rin sila na kinakaharap. Ayaw ko naman na pati sila ay mag-isip ng kung ano-ano para lang matulungan ako.

Pero ako... kami, handa naman ang mga tenga namin na makinig sa kung ano man ang gustong sabihin sa 'min ng kahit na sino, kaibigan man namin o hindi, kung kaya naman namin makinig, bakit hindi?

Sa ngayon, ang nararamdaman muna ni Aiden ang inaalala namin dahil iba siya, iba ang sitwasyon niya sa 'ming lahat. Kami, kaya naming lumapit sa mga pamilya namin, may pamilya kaming nasasandalan.

Si Aiden, parang hindi man lang ata tinatawagan ang mga magulang niya dahil buong araw kami ang kasama niya, gabi na lang kung umuwi, sigurado naman akong nakakatulog na lang siya.

Kung ako sa kaniya, mag-voice out siya kung may nakakausap man siyang nakakapagkatiwalaan naman dahil mahirap kamkamin ang lahat, nakakabaliw.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at hinila ang laylayan ng uniform ko. Kapag may oras... kapag may panahon ako, kakausapin ko siya.
Kung hindi man siya magsalita sa 'kin, baka sa ibang mga hudlong ay magkwento siya.

Hindi na kami magkakaklase sa Twenty-third Section dahil ang problema ng isa, problema na ng lahat. Lahat kami naapektuhan lalo na kung may nalalaman din naman kami.

Hindi ako 'yung tipo ng tao na binabalewala lang ang narinig ko dahil ako... ako mismo, alam ko sa sarili ko na patuloy 'yong iikot sa utak ko buong magdamag at sa huli, maiisip ko na lang na dapat ko silang matulungan.

"You're welcome. See you tomorrow." Sambit niya bago bumalik sa sasakyan niya.

Binaba niya muna ulit ang bintana no'n kaya naman lumapit ako sa kaniya. Nginitian niya ako, nagthumbs up naman ako sa kaniya para sabihing ayos na 'ko rito.

Tinapik ko ang bubong ng kotse niya, nagpapahiwatig na pwede na siyang umalis. Sumaludo siya sa 'kin at tuluyan ng pinaandar ang kotse niya paalis.

Kinawayan ko lang siya at pinanood hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pagkatapos no'n pumasok na 'ko sa loob dahil nilalamok na rin ako sa kinatatayuan ko kanina, hindi ko lang pinapahalata sa kaniya.

"Ang lamok, ang kati!" Bulong ko sa sarili ko at kinati ang paa ko, pinapak na ng mga lamok ang mga binti ko.

Kinandado ko ang gate namin, baka may pumasok na hindi namin kilala. Naninigurado lang. Pumasok ako sa loob namin, alam naman ni mommy na medyo mahuhuli ako ng uwi ngayon, nagpaliwanag na ako sa kaniya.

Sisigaw na sana ko ng 'mommy, nandito na po ako' pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naririnig ko silang nag-uusap sa may kusina. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?

Dahan-dahan naman akong humakbang patungo sa kusina pero hindi ako pumasok ng tuluyan. Nagtago ako sa isang haligi no'n pero kita ko pa rin sila.

Tatlo silang nandoon. Si Kio na nakasandal sa counter at may hawak na baso, seryoso siyang nakatingin sa tubig pero nakikinig pa rin sa kung ano man ang sinasabi nina mommy at daddy.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now