"Ah, 'yon ba. Kahit ano na lang basta walang lason at pwedeng inumin." Walang kwentang sagot ko sa kaniya.
Tumango lang siya tsaka pumunta sa counter para mag-order ng iinumin namin. Naiwan nananaman akong mag-isa rito kaya naman malayang naglakbay ang isip ko sa mga problemang umiikot at naglilikot sa utak ko.
Palagi kong nakikita 'yung babae, araw-araw na lang ata ay nagmumukha siyang stalker dahil sunod siya ng sunod kay Aiden. Bumagsak na nga halos ang katawan niya, parang ilang linggong hindi kumakain.
Kanina nga ay para akong nabunutan ng tinik ng makita ko ulit sila sa likod ng building kung saan ako sila nakita naghiwalay dalawa. Sinundan at pinakinggan ko ang usapan nila sa pag-aakalang magkakaayos na sila.
Alam kong mali ang ginawa ko kanina pero wala ng mali-mali kapag sinipa ka na ng kyuryosidad ng utak mo, nagtago ulit ako, 'yung tipong hindi nila makikita kahit pa hibla lang ng buhok ko.
-FLASHBACK-
"Pwede ba, Kate! Tigilan mo na 'ko! Tigilan mo na ang kakasunod sa 'kin!" Sigaw ni Aiden sa babae.
Nakatagilid silang pareho kaya naman
kita ko ang kalahati ng mga katawan nila, kita ko kung ano ang ginagawa nila. Kita ko kung ano man ang emosyon ng mga mukha nila. Anak ng... nagmumukha na 'kong chismosa rito ah.
Nakayuko lang 'yung babae at panay ang punas niya sa luhang lumalabas sa mga mata niya. Kung ako sa kaniya, nagdala ako ng panyo dahil palagi naman siyang umiiyak, 'yon lang ang magagamit niya para matuyo ang luha niya.
Gusto kong lumabas sa pinagtataguan ko ngayon at sapakin ng tatlong beses si Aiden para naman maliwanagan siya at kausapin niya ng maayos ang babae.
Gusto ko ring sampalin 'yung babae kahit isang beses lang para naman magising siya sa katotohanan at hindi niya na habulin ang lalaking hudlong na 'to. Ang martyr mo naman.
Napailing na lang ako ng marahas. Hays! Bakit ba ako namomroblema sa kanila, bahala na nga sila kung ano man ang maging desisyon nila tungkol sa relasyon nilang dalawa.
"Baby... I can't, I can't lose you. I can't see you happy with others." Sagot sa kaniya ni Kate Lizainne.
"Wala na tayong dalawa. Wala na tayong relasyong dalawa. Hindi mo na dapat ginagawa 'yan dahil nasasaktan ka lang, sinasaktan mo lang ang sarili mo." Malamig na sabi ni Aiden habang nakacross arm at pinapanood kung pa'no umiyak itong isa.
"Ikaw lang naman ang nakipagbreak sa 'ting dalawa. Ikaw lang ang nagdesisyon, you didn't even ask for my opinion... you didn't even ask for my opinion... if I want to break up with you, if I want to end the relationship between the two of us." Pumiyok ang boses niya sa huling sinabi niya, alam kong nasasaktan talaga siya.
"Sa relasyon natin... I don't need your opinion, sinuko kita dahil 'yon ang tama. Ayaw ko na, sinusuko na kita. Pagod na 'ko sa relasyon na mero'n tayo."
"Sumuko ka dahil pagod ka na?" Tumawa ng sarkastiko ang babae. "Nung mga panahon na ako ang pagod, nakita mo ba akong sumuko? May narinig ka ba sa 'kin na 'Oh, Aiden, ayaw ko na, magbreak na tayo kasi pagod na 'ko.' May narinig ka ba? 'Diba wala?!" Sigaw ni Lizainne sa kaniya tsaka hinampas-hampas niya ang dibdib ni Aiden.
"Tumigil ka na..." Mahinahong sabi ni Aiden tsaka niya hinawakan ang dalawang kamay ni Lizainne na patuloy pa rin ang paghampas sa kaniya. "Sinabi kong tumigil ka na!" Sigaw niya tsaka niya tinulak ang babae dahilan para tumimbawang siya sa lupa.
DU LIEST GERADE
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
JugendliteraturPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 191
Beginne am Anfang
