"Didn't the guards even see you? Or did they not see who kidnapped you?" Tanong ni Kio.

Umiling naman ako. "Hindi e. Napansin ko lang kanina na wala palang mga guards na nagbabantay, 'diba dapat dalawa silang nando'n?"

Tsaka isa pa, hindi naman nawawala ang mga guards sa may guard house, palagi silang may mga kapalit kung magpapahinga man sila. Sobrang tahimik pa ng paligid kanina.

Hindi ko nga rin napansin na may dumaraan ba o may tao ba malapit sa gate. Parang abandonadong lugar ang subdivision namin kanina dahil sa tahimil no'n. Nag-isip naman ako na baka kumain lang saglit ang mga nagbabantay dahil oras na rin naman.

"Fuck it. They planned this." Rinig kong sabi ni Kayden na siya namang pinagtaka ko.

Kumunot ang noo ko pero kalaunan ay naintindihan ko rin naman ang sinabi niya. Oo, plinano nilang lahat 'to. Kasi kung normal na araw lang 'to hindi naman aalis ang mga nagbabantay.

Anak ng... pati mga guards namin hindi nila pinalampas? Nasa'n na kaya ang mga 'yon, baka naman pati sila dinukot ng mga gagong 'yon. May nagbukas kanina sa 'min ng gate nung papasok na kami pero hindi naman sila 'yung nakasanayan naming nagbabantay.

Hindi kaya... hindi kaya, tauhan ng mga 'yon ang nagbabantay ngayon? Napailing naman ako. Imposible naman 'yon dahil baka papasok pa lang ay haharangin na nila kami kung sila man 'yon. Baka bago pa lang sila dahil nawawala 'yung dalawa.

Buti na lang talaga hanggang gate lang ako kanina. Hindi kasi maganda kung hanggang sa bahay masusundan nila ako, pwedeng pati sina mommy at daddy ay madamay pa dahil sa plano nila.

Hinilot ko ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa kakaisip sa mga gunggong na 'yon. Kamuntik-muntikan pa 'kong mahulog kanina sa rooftop dahil sa kanila, buti na lang talaga at nahila agad ako ni Lucas pabalik.

Nakita ko nga kanina 'yung cellphone na ginamit nila pang-picture sa 'kin e. Kinuha ko naman 'yon tsaka mukhang pinapaboran ako ng tadhan dahil walang password 'yon. Ang tanga naman nung tauhan na 'yon.

Binura ko 'yung litrato ko tsaka ko hinulog ang cellphone mula sa rooftop pababa, ayon, nakita ko na lang na parang may kumislap sa baba, sigurado akong hindi lang 'yon magtatatlo, nagsampo pa 'yon.

Ang pangit ko pa naman do'n sa litrato ko, para akong puyat ng limang araw dahil nangingitim ang ibaba ng mga mata ko, hindi namana ko puyat, baka mero'n lang talagang uling 'yong panyo na pinagtakip nila sa 'kin.

Gulo-gulo pa ang buhok ko, kulang na lang pangil tsaka mahahabang kuko para magmukha akong aswang. Hindi pala siya pwedeng maging photographer, hindi marunong manguha ng litrato.

"Ilang araw mo ng nararamdaman na may sumusunod sayo?" Seryosong tanong sa 'kin ni Maurence.

Nagkibit balikat ako dahil hindi ako sigurado. "Kanina lang. Kanina ko lang napansin na parang may sumusunod sa 'min ni Kenji."

"Luh, bakit kasama ako?" Tanong naman nung batang hapon.

"Sumabay talaga ako sayo kanina, Ji. Nung nasa park kasi tayo pakiramdam ko may nakatingin sa 'tin pero hindi ko na lang pinansin..." Paunang sabi ko sa kanila.

"...Tapos kanina, nung pauwi tayo, iba na ang kaba ko kaya naman nakisabay na 'ko sayo..." Dagdag ko.

"...Kaya nga gusto pa kitang ihatid hanggang sa loob ng subdivision niyo... sa bahay niyo dahil masama na ang kutob ko." Paliwanag ko sa kaniya, inabutan ako ng tubig ni Kio dahil hiningal ako bigla pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Tsk. Why didn't you tell us right away?" Tanong ni Kayden.

Teka nga. Kanina pa 'to e. Kanina pa siya naiinis sa 'kin akala mo naman ginusto ko 'yung nangyari. Parang ako pa ang sinisisi niya kung bakit ako nakidnap. Napanguso na lang ako, sino bang tanga ang gustong madukot ng hindi kilalang tao?

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now