Kung ano man ang alitan sa pagitan nila, wala na akong pakialam. Kapag ayos na ang lahat saka ko na lang aalamin kung ano 'yon. Hindi naman siguro sila magsasalita kung tatanungin ko sila ngayon.

"Malay ko bang mangyayari pala 'to." Nakangusong sagot ko kay Kayden.

"Ayon na nga, hija. Hindi mo naman alam ang mangyayari, kung inaalok ka na pala ni Zycheia na ihatid ka, dapat ay pumayag ka na." Sabi ni Aling Soling.

"I told you to wait for me." Malamig na sabi ni Kio.

"Ang tagal mo kaya, alangang magpagabi ako sa harap ng university?"

"Damn this." Narinig kong mura niya kaya naman mas humaba ang nguso ko. "Bumalik ako sa park kung saan kita iniwan kanina pero wala ka na." Sabi niya pa.

"Nang-aya na kasi silang umuwi e. Uuwi na rin daw si Eiya dahil hinahanap na siya ng mama niya, sinong makakasama ko ro'n, aber?" Sarkastikong sabi ko.

Narinig ko naman ang matunog na pagngisi ni Kauden. Wala muna akong pakialam sa punyemas na sinabi niya sa 'kin dati. Hangga't gusto kong maging sarkastiko, magsasalita pa rin ako. Sinamaan ko siya ng tingin para sabihing 'wag ngayon' pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

Hayop talaga.

"Malay mong mangyayari 'to? Tsk. Kailan ka pa ba magiging bukas sa paligid mo? Always think, Heira. Always put on your mind that you are not as safe all the time... just like what happened a while ago." Seryosong sabi niya sa 'kin.

Umayos ako ng upo. "Sanay naman kasi akong umuwi ng nakabike. Tsaka anong malay ko na makikidnapped pala ako, kung alam ko lang edi sana nagpahatid na lang ako." Paliwanag ko sa kaniya.

Mas sinamaan niya pa 'ko ng tingin. Umigting ang panga niya at kumuyom ang mga palad niya. Parang gusto ko na talagang lumubog sa kinauupuan ko ngayon dahil nakikita ko ang galit niya.

"Are you really that stupid?! May nangingidnap ba nagpapaalam?!" Inis na sabi niya, nagulat pa kaming lahat dahil sa pagtaas ng boses niya. Nag-echo ang boses niya sa buong sala.

"Can you not shout?! Nakakabulabog ka ng mga natutulog na kapit bahay!" Suway sa kaniya ni Kio, at ayon nananaman ang labanan ng mga tingin nilang dalawa.

"Wala naman, ang akin lang naman..." Kinamot ko ang ulo ko dahil wala akong alam na isagot.

"What?!" Inis na tanong ni Kayden.

"Ang akin lang naman... aksidente lang ang lahat, wala namang may gusto nito e." Palusot ko.

"Huwag na kayong mag-away-away pa. Nangyari na, wala naman kayong dapat sisihin kundi iyong nandukot kay Heira." Sabat ni Aling Soling.

Tumango naman ako. "Oo nga po." Bumaling ako kay Kayden. "Oh, 'wag mo na 'kong sisihin. Hindi ko raw kasalanan ang nangyari."

"Tsk. Whatever." Inismiran niya 'ko.

Maluha-luha pa 'ko ngayon dahil sa hapdi ng mga sugat ko tapos itanatampalan pa ni Aling Soling ang mga 'yon ng bulak na may alcohol. Para raw luminis 'yon, dapat sana betadine na lang ang ginamit mo, Aling Soling, ang sakit kasi.

"Bakit ka ba nila nakidnap, Yakie?" Tanong sa 'kin ni Xavier.

"Hindi ko rin alam basta ang natatandaan ko, may nararamdaman akong sumusunod sa 'kin tapos nung nasa gate na 'ko ng subdivision, wala na, may nagtakip na ng ilong ko tapos... nawalan na 'ko ng malay." Paliwanag ko sa kanila.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now