Tumawa sila ng malakas dahil sa reaksyon ko sa kanila na siyang nagkapagdadag ng inis ko. Patuloy ko lang silang tinitignan ng masama, mas matakot kayo sa 'kin.

'Yan lang ang masasabi ko sa inyo...

"Tinatakot mo ba kami bata?!" Tanong nung isang nakasuot na coat na itim, siya siguro ang boss nila.

Hindi.

Isasagot ko sana sa kanila 'yan kaso nakatakip nga pala ang bibig ko. Marahan akong tumango at wala sa sariling napangisi na lang.

"Sa tingin mo ba matatakot mo kami? Mas matakot ka sa 'min dahil ano mang oras... isang maling galaw lang ay malalagutan ka ng hininga." Anang isang nakasando.

Naglabas siya ng isang mahabang punyal na siyang nakapagpakaba sa 'kin ng todo. Akala ko ba hanggang suntukan lang, bakit may saksakan?

"Tama na 'yan, baka maihi siya dahil tinatakot mo siya." Pigil nung isa na mas kalmado kaysa ro'n sa isa na parang gigil na gigil na patayin ako ngayon din.

May binulong 'yong boss nila, tumango naman ang mga tauhan niya. Kinuha niya ang cellphone niya tsaka niya ako pinicturan. Binaling-baling ko sa ibang direksyon ang ulo ko para hindi niya ako makuhanan ng kahit na anong litrato.

"Anak ng... pati ba naman sa picture ang gulo mo?!" Inis na sabi niya sa 'kin, konti na lang ibabalibag niya na ang cellphone na hawak niya.

Lumapit ang isa sa 'kin tsaka niya hinawakan ang panga ko ng mahigpit, naiipit 'yung dalawa kong pisngi at napanguso na lang ako dahil doon.
Sumakit ang panga ko, napapikit ako dahil tumama sa mga mata ko ang sunod-sunod na flash ng camera.

"Ayos na 'to. Mamumukhaan ka naman nila kapag nakita nila ito." Sabi ng may hawak nung cellphone, kapag nakuha ko 'yan, ibabalibag ko hanggang sa maging tatlo.

May pinindot-pindot siya sa cellphone niya, may pangisi-ngisi pa siyang nalalaman. Kinawag ko ang ulo ko ng marahas dahilan para mabitawan ako nung isa.

Halos manlamig ako nang lapitan niya ako, sobrang lapit ng mga mukha naming dalawa. Nang tumama ang mga mata ko sa mata niya... hindi ako nagkakamali, kilala ko ang mga matang 'yan, pamilyar sa 'kin.

Napapikit na lang ako ng ilapit niya sa 'kin ang mukha niya. Akala ko kung ano ang gagawin niya pero nakahinga ako ng maluwang ng ilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko.

"Masasaktan ka lang kapag nanlaban ka... maghintay ka dahil tutulungan kitang makatakas..."

Bulong lang 'yon pero bigla akong kinilabutan. Pero nang sabihin niya 'yon ay nakakita ako ng pag-asa. Panghahawakan ko ang mga sinabi niya ngayon. Alam kong iba siya sa mga kasama niya.

Buti na lang at nakatalikod 'yong isa pa at hindi naman nakatuon ang atensyon ng iba sa 'min kaya naman tumango ako sa kaniya, tumango rin siya bilang pag-oo.

Umalis na rin siya pagkatapos no'n. Hindi ko pa rin alam kung bakit niya 'yon sinabi sa 'kin. Gusto ko siyang paniwalaan pero may parte sa 'kin na tumututol dahil kasapi siya ng mga taong nandukot sa 'kin.

Pa'no kung patibong lang ang sinabi niya? Pa'no kung gumawa lang siya ng patibong para hindi ako manlaban? Pa'no kung 'yon ang ginawa niya para mahulog ako sa patibong nila?

Ilang saglit pa 'kong nakaganoong posisyon. Nakatali, namamanhid ang katawan habang pinapanood ang mga taong nasa paligid ko at nagbabantay sa 'kin.

"Yakie! Nandito na kami!"

Isang sigaw ang narinig ko mula sa kilalang tao. Napaangat agad ang tingin ko sa mga bagong dating lang. Nangunguna na ang batang hapon. Kung hindi lang ako nakatali ay baka natampal ko na lang ang noo ko.

Nandito nananaman ang hapon na 'to, sigurado akong mamayang may labanan, ang katawan ko ang papasakitin niya, ako ang sasapo sa mga sakit na dapat ay kaniya.

"Let her go now!"

Parang nabunutan ako ng tinik ng sumigaw si Kayden. Nandito rin ba siya para iligtas ako? Napailing ako, malamang obligado siyang sagipin ako, sigurado naman akong sila ang pakay ng mga 'to e.

Kumpleto sila. Mga walang dalang armas. Naka-t-shirt at... panjamas. Luh, patulog na agad ang mga hudlong na 'to? Samantalang ako hindi pa nakakauwi. Mga mugto pa ang mga mata nila, siguro nagising lang ang mga diwa nila dahil sa mga pagtawag nung tauhan kanina?

"What if i don't want to?" Tanong nung boss habang nasa likod niya ako. Kung hindi lang ako nakatali, baka nasipa ko na ang lalaking 'to e.

Gawin ba raw akong pain, ano ako, bulate?

"Zagan..." Tawag ni Kayden, nag-aalab ang mga mata niya at ramdam mo talaga ang galit niya, 'wag mo siyang hahawakan dahil mapapaso ka.

"Alas." Nang-aasar na tawag din nitong isa, inirapan ko lang siya, gaya-gaya naman 'to.

"Let her go... before something bad happens." Sabat ni Adriel.

"Surrender." Sabi nung isang tauhan.

"Anong sinabi mo?!" Inis na tanong ni Vance. Easy ka lang, hindi alam ni Trina na nandito ka kaya naman dapat buo ka pa kapag umuwi ka.

"Surrender to us. Sumuko kayo at kami ang papanaluhin niyo." Paliwanag nung isa.

Ngumisi si Elijah. "In your dreams."

Sa isang iglap. Nagkakagulo na ang lahat. Umaalingawngaw na ang mga samut-saring ingay sa paligid, pati mga tunog ng mga bakal ay naririnig ko na. Wala naman akong magawa kundi ang manood sa kanila.

Hindi ko naman kayang sumali na ganito ang kalagayan ko. Nagulat ako ng may maramdaman akong isang kamay sa kamay ko sa likod. Akala ko ay ikakadena pa nila ako para hindi ako makawala pero nagmali ako.

Naramdaman ko na lang na unti-unting nakakalas ang mga tali ko. Gusto kong tignan kung sino 'yon pero hindi abot ang ulo ko. Pagkatapos no'n ay ang busal ko sa bibig ko naman ang tinanggal niya... tuluyan na akong nakawala.

"Salamat..." Sabi ko sa kaniya, siya 'yung lalaking bumulong sa 'kin kanina. Sinenyasan niya akong umalis na, tumango naman ako tsaka tumakbo sa mga hudlong.

Sinalag ko ang suntok na dapat ay igagawad sa mukha ni Kenji gamit ang kamao ko. Mabilisan ko siyang tinulak tsaka ko sinuntok ang panga niya. Nang hindi pa rin siya tumigil ay saka ko siya ginawaran ng isang malakas na tampal sa noo.

Bumaling naman ako sa pwesto nina Adriel dahil hindi niya napansin na may hahampas na sa likod niya, kumuha ako ng tabla tsaka ko hinampas sa ulo niya. Ayon, tulog.

May humablot naman sa buhok ko. King ina, bakit may kasama pang sabunutan?

"Akala mo makakatakas ka? Hindi— aray! Putangina!" Sigaw niya ng bigla akong umikot paharap at sinipa ko ang nasa gitna ng hita niya.

Ilang beses pa akong may nakasapakan, nakasipaan, nakasuntukan pati na rin hampasan. Napaupo na lang ako sa lupa dahil sa pagod. Lahat ng kalaban namin ngayon, tulog na.

Iniwan na sila ng amo nilang gunggong, hindi ko rin makita 'yung lalaking tumulong sa 'kin kanina. Alam kong mabuti siya, napilitan lang siyang makisama.

Lahat kami napabuntong hininga na lang ng may makita kaming isang tumayo pa. Hindi pa pala knocked out 'to? Walang sino man sa 'min ang gusto pa siyang labanan dahil para na siyang lango at hindi na makatayo ng maayos.

Akmang tatayo na 'ko para patulugin siya ng unahan ako ni Kayden. Kuyom na kuyom ang mga kamao niya tsaka siya patakbong lumapit sa lalaki.

"Why don't you just fucking sleep!" Sigaw niya.

Napatili ako ng mariin ng umikot siya at patalikod na sinipa ang lalaki. Grabe, nagawa niya 'yon ng wala man lang ilang segundo.

Tulog 'yong tao...

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now