Ay kumot!
Nagulat ako ng makarinig ako ng mga yabag, palakas ng palakas 'yon kaya alam kong papalapit sila sa 'kin. Success! Buti naman may kasama na 'ko rito. Hindi na 'ko matatakot sa mga multo.
"Oh, gising na pala siya..."
Isang boses na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari. Bago lang ang boses niya sa pandinig ko kaya naman alam kong hindi ko pa siya nakita o nakasama man lang. Kahit sa mga panaginip ko, wala akong maalala na may ganoong boses.
"Gising na ang mahiwagang prinsesa!" Anang isa pa, nagtawanan silang lahat.
E mga kolokoy pala ang mga 'to. Pa'no nila nalaman na gising na 'ko ngayon, samantalang nakatakip ang mga mata ko. Siguro mga maghuhula sila o kaya naman may powers sila na nakikita ang mga bagay-bagay ilalim ng damit.
Ang sama naman pala ng powers na 'yon.
Hindi muna ako gumalaw para isipin nila na tulog ako, tutal medyo nakayuko na rin naman ako, pinandigan ko na. Hihilik sana ako pero wala namang silbi 'yon dahil sa busal ko bibig
Umakto akong natutulog dahil ayaw ko muna na alaskahin nila ako sa sandamakdak na tanong na ibibigay nila sa 'kin, hindi pa handa ang tenga ko 'no. Basta pinapakinggan ko na lang ang mga sinasabi nila.
"Tulog pa ata, Boss." Rinig kong sabi nung tauhan, syempre boss ang tawag niya sa isa, malamang aso— este tauhan siya.
"Sampalin niyo ng magising."
Umayos agad ako tsaka ginalaw-galaw. Ayan, gising na po ako, hindi niya na po ako kailangang gisingin. Ayaw ko munang makasapo ng sampal, sayang ang pisngi ko kung malalamog lang.
"Gising na siya! Buti naman! Akala ko kailangan ka pang pagbuhatan ng kamay." Sabi naman nung isa. Siguro siya 'yung tauhan na inuutusang gisingin ako.
"Tanggalin niyo ang piring niya." Utos nung boss.
Naramdaman ko naman ang paglapit nila, pinigilan ko ang paghinga ko hindi dahil natatakot ako kundi dahil amoy silang mga sigarilyo. Ang babaho!
Padarag nilang tinanggal ang piring ko, napapikit pa 'ko ng mariin dahil pati ata mga pilik mata ko nahila nila. Alam kong gulo-gulo na nito ang buhok ko dahil sa ginawa nila.
Agad kong nilibot ang paningin ko kung nasaan ba 'ko. Una kong napansin na walang bubong ang kinaroroonan namin. May mga nagkalat na mga silya at lamesa, may mga parang mga sirang gamit na nagkalat sa paligid.
Muntik na akong malagutan ng hininga nang makitang nasa... rooftop kami. At malapit ako sa may dulo. Kaunting galaw ay mahuhulog ako. Hindi pa ata talaga gawa ang building na 'to dahil haligi pa lang ang mero'n dito, wala man lang sabat sa mga gilid.
Napakataas nito. Kumpara sa nakikita ko kanina sa swing, higit na nakakalula ito, mga nasa 15 floors ang taas nito. Ayaw kong mahulog dito dahil sigurado akong lasag ang mga buto ko kapag nangyari 'yon.
Sinikap kong alisin ang atensiyon ko sa paligid dahil magdadala lang 'yon ng takot. Takot na hindi mo magagamit para manalo pero isang dahilan para matalo. Huminga ako ng malalim para alisin ang sobrang kaba ko.
Tumingin ako sa mga tao rito. Hindi ko naman mailarawan o masabi kung ano ang itsura nila dahil mga nakamaskara sila. Maskara na hanggang mata lang.
Mga nakasandong puti at nakapantalon na maluwang. May suot pa silang mga kwintas na silver tapos puno ang braso nila ng mga tattoos. Nakamask pa sila. Kaya pala parang bulol amputa.
Matitikas at malalaki ang katawan, mga matatangkad din sila, baka hanggang balikat lang nila ako. Pinanliitan ko sila ng mga mata para lang matakot sila dahil hindi nila alam ang kaya kong gawin kapag ako na ang sumabog.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 189
Mulai dari awal
