Ilang beses pa ba akong makikipaglaban sa mga taong hindi naman ako ang pakay? Ilang beses pa ba akong madarapa, masasapak, matatamaan, mahahampas at dadaing dahil lang sa kamay ng iba?

Ilang beses pa ba akong masasali sa gulo na hindi naman ako ang gumawa? Ilang beses ko pa bang pag-aalalahanin ang mga tao sa paligid ko? Ilang beses pa akong tatawagan ng mga magulang ko dahil nawawala?

At higit sa lahat, ilang beses pa ba akong makakarananas ng ganito? 'Yung tipong hanggat hindi ako mapapagod kakasuntok at kakasipa ay hindi ako makakatakas. 'Yung tipong kailangan ko pa ang iba para lang matalo ang mga kalaban.

Napailing ako. Makakatakas ako rito. Makakatakas ako ng buo, ng walang pasa, ng walang sugat o daplis man lang dahil ayaw kong makita ang mga mata ni mommy... at ni Aling Soling na puno ng pag-aalala.

Sa ngayon, kailangan ko munang mag-isip ng mga paraan para makaalis ako sa pesteng lugar na 'to, nagugutom na 'ko. Hindi na 'ko nakapagmiryenda tapos hindi pa 'ko makakapaghapunan?

Hindi ako makakapayag do'n!

Kinapa ko ang tali sa likod ko. Nasa likod kasi ang mga kamay ko. Nasaan na 'yung buhol dito? 'Yung parang lock nung tali para hindi ako makawala. Nang makapa ko na ay pinag-aralan ko na lang kung paano nila natali 'yon kahit ko tinitignan.

Sobrang higpit no'n tapos limitado lang ang galaw ko. Kulang na lang pati ang mga daliri ko itali na nila e. Sinubukan ko ulit. Nanggigil na 'ko ha! Kapag ako nakawala rito, susunugin kitang lubid ka!

Hindi rin ako nagtagumpay, naubos lang ang lakas. Putcha, pati ba naman pagtatanggal ng buhol nakakapagod na? Ang galing naman ng mga taong 'yun, makaubos energy ang ginawa nila.

Ginalaw-galaw ko ang ulo ko at sinubukang tanggalin ang busal ng bibig ko pero ang tanga ko sa parteng 'yon. Kahit na ilang beses ko pang gawin 'yon, malamang hindi ko magagawang tanggalin.

Nang mapagtanto ko ang katangahan ko ay saka ko ginalaw ang panga ko, 'yon pala dapat ang ginalaw-galaw ko para lang lumuwang ang tali. Inuusog-usog ko pa ang tali gamit ang nguso ko.

Naglalaway na kaya ako dahil sa kagat-kagat kong busal. Hindi na lang nila tinakpan ng masking tape ang bibig ko. Tsaka isa pa, wala naman akong balak na magsisisigaw ngayon.

Sinong tangang kidnapper ang magdadala ng biktima sa lugar na maraming tao, sa lugar kung saan pwedeng may makarinig. Mauubos lang ang lakas ko kapag ginawa ko 'yon kaya naman tinigil ko na lang ang ginagawa ko.

Wala naman akong naririnig na mga tao sa paligid. Ni humihinga nga wala akong naririnig. Pati mga kaluskos wala rin. Ibig na ba nitong sabihin ako lang ang nandito? Wala akong kasamang iba?

Patay! Bakit niyo naman ako iniwan dito mag-isa. Kahit dalawa man lang ang naiwan para magbantay sa 'kin. Maririnig ko naman kasi kung mero'n. Hindi ba kayo natatakot na baka makatakas ako rito?! Sigaw ko sa isipan ko. Talagang competitive ang mga 'to ah, akala niyo ba hindi ako marunong tumakas?!

Tama ang akala niyo. Hindi nga ako marunong tumakas.

Nangilabot ako bigla. Wala ba talaga akong kasama ngayon? Mas takot pa 'ko sa multo kaysa sa mga dos por dos na hawak ng mga kalaban. Mas takot pa 'ko sa mga white lady na duguan kaysa sa mga sapak at suntok na matatanggap ko.

Hello, is everybody home?

Nagdasal na lang ako ng ilang beses at hiniling na sana makatakas ako kaagad dito bago pa 'ko makita ng mga ligaw na kaluluwa. Ayaw ko naman na multuhin nila ako. Wala akong third eye kaya 'wag niyo akong tatakutin.

Nilalamig ako ngayon. Nakauniform pa rin naman siguro ako pero napunit kasi kanina ang manggas no'n dahil sa nangyari kanina sa park. Kumot, pahingi ako ng kumot.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now