"Okay. Mabuti naman." Pagkasabi niya no'n ay bigla akong kinabahan dahil unti-unti akong umaangat sa lupa.
Hindi 'to pwede. Hindi niya ako pwedeng maiangat. Pinanliitan ko siya ng mata at humawak ng mabuti sa handle. Gusto kong hinalihin ang lupa para hindi niya ako maingat pero hindi ako nagtagumpay.
Napasimangot na lang ako ng makitang nasa ere nananaman ako, nalululula nananaman ako sa ibaba. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya naman kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi mapikon.
"Bakit ka tumatawa?"
"Because... I won. You'll treat me... tomorrow."
"Bukas agad?!"
Tumango siya. "Yes. Kung hindi ka naman pwede, It's okay. May ibang araw pa naman."
Nag-isip naman ako. Wala naman akong gagawin bukas sa bahay. Dadalhin ko na lang ulit ang bike ko para hindi na lang ako hintayin ni Kio sa pag-uwi, mainipin pa naman ang kumag na 'yon.
"Sige sige. Ikaw ang bahala." Pag-sang-ayon ko. "Ikaw, ang daya mo ha. Dapat ikaw dito e. Hindi ata pantay ang lupa kaya lagi kang nasa ibaba!" Singhal ko sa kaniya habang tinuturo siya.
"Aaaah!" Napahawak ako ng mahigpit sa hawakan ng seesaw dahil tinaas niya ng konti ang inuupuan niya tsaka pabiglang ibinaba.
Kung may bato lang siguro ako kanina ko pa siya nabato. "Pinagtitripan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya.
Parang ayaw ko na atang gumalaw dahil baka inulit niya 'yon ay malaglag na 'ko. Ang sakit ata sa likod ng babagsakan ko. Pagtatawanan lang ako ng mga hudlong kapag nangyari 'yon.
"No. I just want to wake up your senses." Umangat ang gilid ng labi niya.
"Ang galing mong manggising." Kahit hindi tulog ginigising mo. "...Nakakabigla, pati kaluluwa nahihiwalay." Dagdag ko pa.
Nagbangayan pa kami ng ilang minuto bago umayos ang seesaw. Nagsalitan kami sa pag-tataas-baba nung swing kaya naman nakakawili 'yon. Gustong sumali sa 'min ni Kenji pero binelatan ko lang siya at inasar.
Sa huli, silang dalawa ni Hanna ang nag-seesaw, buti nga napilit niya ang babaita e. 'Yung iba, ewan ko kung nasaan, kaniya-kaniya sila ng laro, sina Eiya nasa swing.
Hindi ko maiwasang mainggit habang nakatingin sa kaniya. Bakit kapag siya ang bagal at ang ayos ng pagkakatulak sa kaniya habang nakasakay siya sa swing, pero nung ako, parang gusto na akong paliparin papunta sa ibang planeta.
Bwisit na Mavi 'yon e. Hindi pa nga ako nakakaganti sa kaniya ro'n sa ginawa niya sa 'kin tapos nadagdagan pa ang atraso niya sa 'kin kanina. Yari ka sa 'kin mamaya kapag nahuli kitang bwisit ka.
"Tara! Doon tayo sa fishballan!" Pang-aaya sa 'min ni Eiya.
Natamaan ng mata ko si Adriel, nginitian ko na siya. Ngiting may pahiwatig. Alam niya 'yon. Nginiwian niya lang ako tsaka kinamot ang ilong niy habang nakapamewang pa.
Pinauna na 'ko ni Asher na bumaba dahil baka raw mahulog pa 'ko kapag hinayaan niya 'kong mag-isa sa seesaw. Nagthumbs up lang ako sa kaniya tsaka ko ginulo ang buhok niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 188
Start from the beginning
