Ngumiti ako ng malawak sa kaniya dahil halata naman sa kaniya na hindi niya naiintindihan ang mga sinabi ko sa kaniya. Umiling-iling lang siya tsaka marahang nagpagaan.

Teka, 'wag niyang sabihin na naintindihan niya ang sinabi ko sa kaniya? Siya naman ang umangat, nilagay ko ang lahat ng timbang ko sa upuan para lang hindi siya makababa.

Kinawayan ko lang siya habang nasa taas siya. Tipid siyang ngumiti tapos kinawayan niya ako pabalik. Hindi siguro makapaniwala na naitaas ko siya. Malakas kaya 'to.

"Ayos ka pa ba r'yan?" Nakangising tanong ko sa kaniya.

"Pinagbibigyan lang kita. Once I get down here, you'll be the one to up and then I won't let you get down again." Pagbabanta niya.

"Akala mo ba hahayaan kita na makababa pa r'yan!" Binelatan ko siya. "Hindi 'no! R'yan ka na lang hanggang mamaya."

"Talaga lang ah." Sarcastic na sabi niya.

"Oo naman!" Tugon ko sa kaniya.

"You will treat me when I get down here, treat me some coffee. Deal?"

Taas noo kong sumagot. "Sige, deal! Kape lang pala e. Tsaka hindi ka na makakababa. Sinisigurado ko 'yan."

Wala namang kaso sa 'kin kung ilibre ko siya ng kape. Nakita ko rin 'yon bilang isang pagkakataon para makausap ko siya tungkol do'n sa nangyari sa pagitan ni Aiden at Lizainne.

Siguro naman maiintindihan niya ako kapag sinabi ko sa kaniya 'yon. Mas maiintindihan naman siguro ako ni Aiden kung tutulong ako sa pagresulba sa problema niya. Pinapanalangin ko na lang na 'wag siyang magalit sa 'kin.

Hindi ko pa ata kayang makita ang sarili ko na may kaaaway na hudlong. Nung una, oo, dahil hindi pa naman kami magkakakilala dati noong unang araw namin sa Twenty-third Section.

Pero hindi na ngayon. Sa halos limang buwan na magkakasama kaming lahat, nakagawa na rin kami ng mga memorable experience. May pinagsamahan na rin kami kahit papaano.

Kahit na stress ang nakukuha ko sa kanila, hanggang inis lang naman 'yon, hindi ako nagagalit o hindi ko man lang sila kinamumuhian kahit na gano'n pa sila. Huminga ako ng malalim.

Kapag kaibigan mo, tutulungan mo hanggang sa kaya mo. Pumasok din sa utak ko 'yong pangako ko kay Maurence na tutulungan ko siya para makapasok sa varsity team, tatanungin ko na lang siya kapag may pagkakataon.

Hindi ko pa alam kung kanino ako hihingi ng tulong pagdating kay Maurence. Hindi naman pwede si Kayden dahil sigurado akong manghihingi nananaman 'yon ng kapalit.

Umiling ako ulit. Saka ko na iisipin 'yon kapag natapos na 'yung isa. Lahat naman may oras para gawin. Tumingin ako kay Asher. Kunot-noo siya at parang nagtataka kung bakit ako iling ng iling dito.

"Are you okay, Heira? Do you have a headache?" Tanong niya.

"Wala naman. Ayos lang ako rito."

"Why do you keep shaking your head?"

"Trip ko lang umiling-iling ngayon, baka magka-stiff neck ako e!" Palusot ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now