Palaging napupunta 'yon sa gilid ng daan, hindi ako nakalingon sa magkabilang gilid kaya naman kamuntik-muntikan na akong mahagip ng isang sasakyan, buti na lang at nahila agad ako ni Adriel papunta sa kaniya.

"Heira!" Sigaw niya, nabunggo ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa lakas ng pagkakahila nila.

"Ang tigas ng dibdib mo..." Nakasimangot na reklamo ko sa kaniya at hinilot ang noo ko habang magkaharap kami.

Naramdaman ko naman na huminto ang iba sa paglalakad gaya ng ginagawa namin. Sinubukan kong lumayo kay Adi pero bigla niya akong niyakap at hinaplos ang buhok ko.

"Damn. Please... look at the road, focus on your senses... focus on where you stepping on. Muntikan ka ng masagaan dahil lang sa bote." Sabi niya sa 'kin, kumunot ang noo ko pero tinapik ko na lang ang likod niya ng tatlong beses para sabihing ayos lang ako.

"Ayos lang ako. Tignan mo oh. Buo pa naman ako!" Sabi ko na animong pinapakita ang buong katawan ko... na may damit.

'Wag kayong ano r'yan.

"Ano pang ginagawa niyo r'yan?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nagsalita. "... Let's go, I have a lot of things to do." Sabi niya pa tsaka nagpauna ng naglakad.

Humiwalay kami sa yakap, nginitian ko lang si Adriel tsaka nagthumbs up. Kinamot niya naman ang batok niya, ginulo ko ang buhok niya bago ko lapitan si Kenji at inakbayan siya.

"Aray naman! Ang bigat ng kamay mo!" Reklamo niya sa 'kin. "Shoo! Shoo! Shoo! Tanggalin mo 'yan." Pagtataboy niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa balikat niya.

"Ayaw ko nga!" Sabi ko at hinigpitan ang pagkakaakbay ko sa kaniya.

Gamit ang braso ko, sinakal ko siya tsaka ko kinikiskis ang kamao ko sa ulo niya. Panay naman ang pagdaing niya.

"Aray— aray! Aww! Aray! Yakie— aray!" Sabi niya sa 'kin at iniiiwas ang ulo niya pero nakaipit 'yon sa braso ko kaya naman wala siyang magawa.

Gano'n ang posisyon namin hanggang sa makarating kami sa park. Mangiyak-ngiyak pa siya ng bitawan ko ang ulo niya. Akala ko naman hahagulgol siya pero nagulat ako ng pitikin niya ang ilong ko.

"Pwede na 'yan. Pangganti lang." Sabi niya tsaka kumaripas ng takbo.

"'Wag kang babalik dito! Susunugin ko ang kilay mo!" Pagbabanta ko sa kaniya, hahabulin ko pa sana siya pero nawala siya sa paningin ko.

Umupo kami sa mga benches at pinanood ang mga batang naglalaro. Uwian na siguro nila kaya sila nandito. Mga naka-uniform pa. Iniwan ko ang bag namin sa lamesa at sumunod sa mga naglalaro.

"Yakie, sa may seesaw tayo!" Pang-aaya sa 'kin ni Mavi.

"Sige tara!"

Sa masalilong na parte kami pumunta kung saan may puting seesaw. Nagkatinginan pa kami kung sino ang unang sasakay. Balak ko sanang mauna pero naunhan niya ako. Umangat tuloy 'yon sa taas.

"Hoy! Teka lang, ibaba mo muna, pa'no ako sasakay niyan?" Reklamo ko.

Bahagya siyang nagpagaan at inaba ang swing. Inabot ko naman 'yon pero hindi ko pa rin maibaba para makasakay ako. Inuna ko ang mga paa ko pero hindi pa rin umabot.

"Konti pa! Ibaba mo muna." Sabi ko.

"Hindi na abot ng mga paa ko. Lumundag ka na lang, kaya mo na 'yan."

Kinamot ko ang noo ko. Wala naman akong makitang upuan o kaya naman monoblock na pwedeng gamitin para makasakay ako. Nagpabigat pa 'ko sa swing pero hindi pa rin 'yon bumama.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now