Sinasaktan mo lang din ang sarili mo, edi makikisali na rin ako para sulit naman ang ilang araw na pag-iisip ko.
Bumuga ako tsaka umiling. Tatanggalin ko muna ang mga 'yon, mababaliw ako nito e.

Lahat kami. Sabay-sabay kaming lumabas dahil nang-aya sila na magpunta muna sa park malapit dito tutal maaga naman ang uwiaan namin ngayon.

Hindi na kami nagdala ng mga sasakyan pero inilabas namin sa parking lot, baka kasi masarhan nananaman kami, wala kaming sasakyan pauwi. Dinala ko ang bike ko, hindi muna ako sumabay kay Kio.

Ilang linggo ko na rin kasing hindi nagagamit 'yun. Kailangan na ng tuhod ko ang exercise. Baka mangalawang lang 'yung bike ko kung aabandonahin ko na lang sa bakuran namin.

"Ayaw ko nga." Sagot ni Adriel sa sinabi ko sa kaniya.

"Ang damot mo. Para ngayon lang e."

"Anong ngayon lang? do you want me to enumerate all the things I gave you for free? Una, nung nasa amusement park—!"

"Oo na. Oo na. 'Wag mong sabihin. Nanunumbat ka na e!"

"It's not like that. Gusto ko lang na— Aish! Oo na, ililibre na kita!" Sabi niya, nagtaka naman ako dahil sa mabilisan niyang pagpayag.

"Ayon! Papayag ka rin pala nanunumbat ka pa."

"Shut up."

Nakakita ako ng bote sa daan kaya naman sinisipa-sipa ko 'yon habang naglalakad kami. Dapat bato na lang kaso maliit lang 'yon, mabilis mawala, gaya ni Kenji.

"Ililibre mo si Yakie tapos ako hindi? Hindi mo na ba 'ko mahal?" Madramang sabi ni Kenji.

Agad naman akong umalma. "Hoy! Ako lang ang ililibre niya, sa ayaw at sa gusto mo! Ako lang." Binelatan ko pa siya.

"Adriel naman ih... hindi na kita bati! Hoy! si Adriel nililib— hmm hmm hmm!" Hindi na natuloy ni batang hapon ang sinasabi niya dahil tinakpan ni Adriel ang bibig niya.

"Ji, don't make noise. Bawal dito baka hulihin ka ng mga enforcer." Sabi ni Adriel saka niya ako kinindatan. Do'n ko nakita na may mga enforcer na nakatigil sa isang gilid, mukhang may iniinterview lang.

Malayo naman kasi sa highway ang university namin. May paliko at paloob pa 'yon kaya nagtataka kami kung bakit may enforcer dito e wala namang traffic dito sa 'min.

Bakit ba pati 'yon pinoproblema ko. Hays!

"Oo nga, Ji. Ipapatokhang ka namin kapag nag-ingay ka." Pagsakay ko sa pananakot niya.

Dahan-dahang binitawan ni Adriel ang bibig nitong isa sa pag-aakalang titigil at tatahimik na siya at 'wag ng sabihin ang napag-usapan namin ni Adriel pero nagkamali kami.

"SI ADRIEL ILILIBRE SI HEI— hmm hmm hmm!" Tinakpan ulit ni Adriel ang bibig niya.

Natawa ako at napailing. Nagpatuloy na kami sa paglalakad, nahuli na pala kami sa iba, buti na lang hindi siya narinig kundi... butas nananaman ang bulsa ni Adidas. Ang dami kaya namin.

"Manahimik ka na, fine, I'll treat you too, just shut your mouth." Sabi ni Adriel.

Agad namang tumango 'yung isa sa kaniya. Binitawan ni Adi ang bibig niya, buti na lang hindi nagsisisigaw 'tong isa dahil baka makotongan ko na
siya. Napapalingon na lang 'yung mga tao sa paligid dahil sa kaingayan niya.

Sinipa ko ang bote ang kaso pumunta 'yon sa gilid ng daan. Wala namang sasakyan kaya naman sinipa ko ulit 'yon pabalik sa nilalakaran namin. Parang nag-s-soccer ngayon tapos bote 'yung bola.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now