Ang hirap nga talaga ngayong panahon na 'to. Kapag hindi ka kabilang o naiiba ka sa kanila ay agad ka na nilang mamaliitin, lalaitin at pagsasabihan ng kung ano-ano.

Natatakot silang magtapat dahil natatakot sila na baka pandirihan sila o kaya naman ay pagchichismisan. Masakit para sa kanila iyon, minsan nakikita natin silang palatawa pero ang totoo ay problemado sila.

-END OF FLASHBACK-

Alam ko na nahihirapan pa rin sila na makisama sa iba lalo na 'yung mga taong hindi pa talaga sila tanggap. Sila nakakalabas na gano'n... na napapakita nila sa iba kung ano talaga sila.

Ngayon ko lang napagtanto, ganito rin ba si Lucas kapag aksidente silang nasabihan ng iba na mas mababa sa kaya ng dignidad niya. Sina Oliver at Nathaniel, nahirapan din ba sila bago nila masabi sa lahat kung ano sila gaya ni Lucas?

"Mommy..." Pagbabanta ko sa kaniya kaya naman tumahimik siya at tinignan ako na para bang nagtataka. Lumingon ako kina Oliver at Nathaniel at ngumiti ng may pag-aalinlangan at pagpapaumanhin.

Pasensya na, madaldal lang talaga ang nanay ko. Nagmana lang ako sa kaniya pero mas mabunganga siya. Pasensya na ulit.

"Opo, auntie! I'm proud of it. I'm a gay, Nathaniel sa umaga, Nathalie sa gabi. Oh 'diba, bongga!" Si Nathan na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan namin.

Nakahinga ako ng maluwang ng makitang ayos lang sa kanila ang sinabi ni mommy at wala namang problema roon.

"Siya naman po si Eugine at si... basta hehehe hindi ko po alam ang pangalan niya e." Sabi ko habang nakatingin do'n sa babae.

"Hello po Mrs. Sylvia," magalang na sabi ni Eugine. "I'm Eugine Melladizon." Pormal na pagpapakilala niya tsaka niya inilahad ang kamay niya.

Kinuha namam ni mommy 'yon, lahat kami napasinghap ng halikan ni Eugine ang likod ng kamay ni mommy. Tinignan ko 'yung babae, mukhang ayos lang naman sa kaniya 'yung ginawa ni Eugine. Siguro sanay na siya sa mga nakikita niya.

Imposible namang pagselosan niya pa si mommy. Kahit naman may asim pa siya, loyal 'yan kay daddy. Hindi siya maghanap ng mas bata at hindi ko rin matatanggap na magkakaroon ako ng pangalawang tatay na halos kasing-edad ko lang.

Teka. Ayan nananaman ang isip ko, masyado ng nagiging malawak. Pati tuloy si Eugine napag-iisipan ko ng kung ano-ano. Napailing ako. Erase.
Erase.  Erase.

"Hello. Who's this beautiful lady beside you?"

Sus. Nambola pa. Mas maganda ako r'yan, ma.

"She's my... girlfriend."

Nalaglag ang panga ni mommy, namilog pa ang mga mata niya at hindi inaasahan na sasabihin ni Eugine 'yon. Ano pang ipagtataka mo, sa tingin pa lang nila alam mo ng may namamagitan sa kanilang dalawa.

"Girlfriend? Wow, what a nice couple." Papuri niya pa.

"Hi po... uhm, I'm Maleha Ryvia Delasera." Pormal na pakilala rin nung babae. Halatang kinakabahan siya, hindi ka naman kakainin niyan ni mommy.

"Maleha. Ang ganda naman ng pangalan, just like you." Nginitian ni mommy si Ryvia. Mas gusto ko 'yung second name niya.

"Thank you po."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now