"Kaya naman pala singkit ka. Arigato!" Yumuko pa si mommy.
"Ah... hahaha hindi po chinese ang arigato, japanese po 'yon." Pagtatama ni Chloe.
"Ay, napalitan na?"
"Ano pong pangalan niyo, tita...?"
"I'm Helen Sylvia Montebello. Mother of her. You can call me tita Helen or mommy Helen. It depends on you." Sagot ni mommy, teka, dumugo ata ang ilong ko ro'n ah.
"Sige po, tita Helen."
Sumabat na ako sa kanila. Parang magkumare kasi silang nag-uusap tapos paepal lang si Oliver na sumasali sa usapan nila. Hindi man lang binalingan 'yung tatlo pang iba.
"Mommy, siya naman po si Nathaniel. Kasama po namin dati sa group activity." Pakilala ko habang tinuturo si Nathan.
"Hi po, tita Helen. I'm Nathalie, I mean Nathaniel Cielo." Pilit pinatigas ni Nathaniel ang boses niya sa harapan ni mommy pero hindi niya rin kinaya dahil lumiit 'yon sa huli.
Natawa pa ako dahil nadulas siya sa sinabi niyang 'I'm Nathalie.' Hindi ko na lang pinahalata 'yon para hindi masira ang good mood nila. Basta nakikitawa lang ako.
"Teka. Huwag mong sabihing kagaya ka rin niya?" Turo ni mommy kay Oliver. Tumango naman 'yung isa at tumili. "Ay, diyos miyo! Ano bang nangyayari sa mga binata ngayon at nagiging babae ang puso ang ganito kagwapong lalaki." Sabi ni mommy.
Nagkatinginan 'yung dalawa, bahagyang nawala ang ngiti nila. Hindi ata nila inaasahan ang sinabi ni mommy sa kanila. Malaki ang naging epekto no'n sa loob nila. Hinila ko ang kamay ni mommy para tumahimik na muna siya.
"D'yan sila masaya, mommy. Kung saan sila masaya, dapat doon tayo!" Sabi ko para gumaan ang loob nila. Muling nanumbalik sa 'kin 'yung mga sinabi nila sa 'min dati. Pati na rin 'yung pag-amin sa 'kin ni Lucas sa 'kin.
-FLASHBACK-
“What was the most embarrassing moment that happened in your life?” Tanong niya, natigilan naman kami at nag isip pa muna ng masasagot.
Natahimik muna kami dahil pare- pareho kaming nagsusulat ng mga sagot namin sa mga papel na dala namin.
“Hmm, yung sa'kin siguro, nung pinagkalat ni Aling Trabelita na bakla ako sa buong barangay namin, kashabwat niya yung mga intreeemitidang mga kapit bahay namin, kaya ayon, minsan nahihiya ako dahil pangarap pa naman ni tatay na maging sundalo ako tapos gano'n ang nangyari, pero hindi siya nagalit kasi tanggap niya 'ko, oo hindi kami gano'n kayaman, scholar ako kaya nakapasok ako dito, 'wag kayong ako d'yan!” Nakangiting mahabang paliwanag ni Oliver.
“Ay, same us 'te, nakakaimbyerna ang mga chismosa na 'yan tapos gusto ng mga magulang natin yung mga panglalaking trabaho, pang maton, tapos kakalat 'yon aba'y inamez nakakahiya, tanggap din naman ako ni papa, scholar din ako ng taon!” Si Nathaniel na tuwang tuwa pa.
-
"Hindi kaya!"
"Pero bakit kapag ano, alam mo na... kapag sa maraming tao ang straight mo?" Hindi ko intensyon na insultuhin niya, nirerespeto ko kung ano siya.
"Ang hirap magtago, dahil sa ibang tao, isang maling galaw mo lang ay pagchichismisan ka na nila. Ayokong ipakitang ganito ako..." Aniya tsaka inilahad ang katawan sa 'kin. "Parang minamaliit nila ang pagkatao ko porke silais ako." Malungkot na aniya.
ČTEŠ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
TeenfikcePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 186
Začít od začátku
