Nagtaka kami ni Kio ng walang sumagot. Walang mommy na lumabas sa may kusina na may dalang miryenda, nakakapanibago. Baka umalis sila. Napailing ako. Hindi e. Sinabi ko sa kaniya na ngayon ang uwi namin.

Tumango si Kio sa 'kin, alam ko na ang ibig sabihin no'n. Nilapag namin ang mga gamit namin sa may sofa tsaka pumunta sa may kusina. Nagulat ako ng may pumutok na lobo pagkapasok namin sa loob.

"Welcome back to Manila!"

Sinalubong kami ng mga confetti, nasa kusina pala silang lahat. Si Aling Soling, ang anak niya, si mommy, daddy... at 'yung lalaking nagligtas sa 'kin dati laban kita Madison. Kununot ang noo ko. Anong ginagawa nitong lalaking 'to sa 'min?

May tarpaulin pa silang pinagawa. Muntik pa kaming manghina ni Kio dahil sa kahihiyan ng makita namin 'yon. Parehas kaming kumakain ng chocolate ice cream at madungis ang mukha. Nakanguso kami sa camera.

Para limang araw lang kaming nawala tapos ito na ang madadatnan namin. Ang dami ring pagkain sa lamesa. Ano 'to, fiesta? Minsan kasi OA din si mommy e. Hindi naman kami galing ng ibang bansa.

Sabagay. Mauubos naman namin 'to. Gutom na rin ako at alam kong wala pang tanghalian. E sa hindi ko naman naubos ang kinakain kong almusal kanina, wala akong gana tapos nagmamadali pa ang mga kasama namin.

"Welcome back mga anak! I missed the both of you!" Sabi ni mommy sa 'min, may dala pa siyang cake.

'Yung totoo? Birthday party ba 'to?

Parehas kaming tulala ni Kio habang nakatingin sa harapan namin. May mga nahuhulog na confetti mula sa ulo namin pababa, may nakain pa nga ako. Masarap naman, lasang papel.

"Mommy!" Sabi ko na lang tsaka ko siya patakbong niyakap. Jusme. Parang gusto ko na lang ulit magbakasyon. "Namiss ko po kayo!" Sabi ko pa at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ako? Hindi mo ako namiss?" Nakasimangot na tanong ni daddy. Nginiwian ko siya.

"Hindi niyo po bagay na sumimangot, nagmumukha kayong matanda." Pagbibiro ko kaya naman ngumiti na lang siya bigla at nagpogi sign.

Nilapitan din ni Kio sina mommy. Ako naman, nakipag-appear-an kay Rolen. Nandito pala ang bubwit na 'to. Bahagya akong yumuko at ginulo ang buhok niya.

"Buti na lang nandito ka?" Tanong ko, nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi.  Ngumiti ako, bata naman siya, walang malisya.

"Binibisita ko po 'yung liligawan ko pagkalaki ko!" Taas noong sagot niya at tumingin sa likod ko na animong may hinahanap. Alam ko na kung sino.

"Hindi ko kasama si Ate Zycheia, umuwi siya sa bahay nila."

Ngumuso siya pero saglit lang 'yon dahil bumalik ang saya sa mga mata niya. "Sayang naman po pero ayos lang! Atleast kasama ko po kayo ng matagal!"

"Matagal?" Tanong ko, mukhang mali ata ang salitang ginamit ko dahil natigilan siya.

"Opo! Dito muna raw po ako sabi ni tatay Robin!"

Robin? Wala akong kilalang gano'n ah. Baka naman nakita niya na ang tatay niya. Ay mali, wala na nga pala siya sabi sa 'kin ni Aling Soling, namayapa na raw siya.

"Sinong tatay Robin?"

"Siya po!" Turo niya kay daddy. At kailan pa naging Robin ang pangalan niya?

"Hindi Robin ang pangalan ni daddy. Korbin. Korbin ang pangalan niya." Pagtatama ko sa kaniya saka ko siya nginitian.

"Korbin ba ate?" Tumango ako. "Ay, napalitan na? Dati kasi Robin 'yun." Sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya tsaka tumayo.

Pagkatayo ko ay may nabunggo akong bagay... ay tao pala. Lumingon ako at namilog ang mata. Hindi lang pala ako nag-hahallucinate kanina. Nandito talaga siya.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ko, mukhang mas matanda siya sa 'kin kaya may 'po' ang sinabi ko.

"Visiting a relative?" Nagkibit balikat siya.

"Ikaw? Relative namin? Kailan pa?" Kamag-anak pala namin siya pero bakit ngayon ko lang nalaman?

"Matagal na."

Tumango ako tsaka lumapit sa tenga niya. Hindi naman siya gano'n katangkad pero ayos na para tumingkayad ako. Ang hirap kapag pandak ka

"Ikaw 'yung tumulong sa 'min dati, 'diba?"

Tumango naman siya tsaka bumungisngis. "Oo. By the way, I'm Jaxon Lincoln Mendez." Inilahad niya ang kamay niya kaya naman tinanggap ko 'yon.

"Heira Yakiesha."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz