May nakita akong isang babae, wala sa sariling hinila ko siya at nahalikan. Nang matauhan ako ay saka ko siya binitawan. Fuck. What did I do? Bakit ko nagawa 'yon?
♫♪ Lift your head, baby, don't be scared... Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye... Let me hear you sing it.. With a smile... ♫♪
Hinawakan ko ang gilid ng ulo niya at pinatong sa balikat ko. Wala namang nakakakita sa 'min bukod kay Elijah. I know... he's thinking about something suspicious. I don't care about it tho. I caressed her hair. Bakit ba ganito kaagaan ang loob ko sayo.
I know I hate her but why? What for? I want to hold a vengeance Jaxon... I want to make revenge to Fynn and I am using her. But why am I not comfortable because of what I am doing now? Parang nagbago na ang isip ko.
I shooked my head. No. It's not possible, I can't give up what I started just because I feel sorry for her. Heira, what the fuck did you do to me?! I still hate you because you're related to the people I hate the most.
Gumalaw siya at parang aalinpungatan pa dahil may sinasabi siya habang tulog. Muntik pa nga akong matawa. Kailan ba ako huling tumawa at pabagaan ang loob ng ganito? Hindi ko na alam.
I still can’t move on with Natalie but every time I see Heira, I can’t help but soften. Nakikita ko si Natalie sa katauhan niya. Mali na 'to but...
When I'm with her, I feel happy and... comfortable.
———————————————
HEIRA'S POV
"Heira, gising na."
Nalingat ako dahil sa pagyugyog ng isang tao. Kinusot ko ang mga mata ko, si Kio ang nasa harapan ko. Nakahinto ang van na sasakyan namin at iilan na lang kaming nandito sa loob. Baka naihatid na ang iba.
Ilang oras ba akong nakatulog? Ang huling natatandaan ko ay 'yung binigay ko kay Kayden 'yung isang earphone tapos na katulog na 'ko no'n. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Nagugutom na 'ko
Umayos ako ng upo. Nagulat pa nga ako ng tumingin ako sa tabi ko, sinalubong ng mga mata ko ang mukha ni Kayden, nakataas ang isa niyang kilat at nakangisi. Wala sa sailing napahikab ako.
Ngumiwi siya at tinakpan ang ilong, gano'n na rin si Kio. Ay putch, mabaho ba ang hininga ko? Nagtoothbrush naman ako kanina ah. Bumuga ako sa palad ko at inamoy 'yon.
Mabaho nga.
Tumingin ako sa bintana, ro'n ko nakita na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Wala na si Eiya dahil mas mauunang madaraanan ang bahay nila bago ang sa 'min. Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling bumaba.
"Nakakahiya..." Bulong ko sa sarili ko, sumama ang mukha ko.
Anak ng... kakagising ko lang tapos sinalubong ako ni kamalasan.
Hinintay ko munang makababa si Kio bago ako pumasok sa loob. Nabatukan ko na lang ang sarili ko, bakit ba iniwan ko 'yung dalawang 'yon sa van? Warla nga pala sila ngayon. Baka magsapakan na sila sa loob nito.
"Ano? Tatayo ka na lang d'yan?" Nakahinga ako ng maluwang nang makitang buo pa naman si Kio nang bumaba siya.
Walang bangas.
Tumango ako tsaka pumasok na sa loob, pinihit ko ang doorknob, gaya ng palagi naming ginagawa, tinanggal ko ang sapatos ko sa may pinto at nagsuot ng tsinelas.
"Mommy! Daddy! Nandito na po kami!" Nauhan tuloy ako ni Kio sa pagsasalita.
Epal.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Ficção AdolescentePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 184
Começar do início
