Lumingon ako sa katabi ko. Nakasandal siya sa upuan. Nakatingin sa harapan at nakakrus ang nga braso. Humikab ako dahil inaatok talaga ako ngayon.
Kinuha ko ang earphones ko tsaka sinaksak sa cellphone ko. Mas gugustuhin ko pang makinig sa mga kanta kaysa naman sa makinig ako sa mga pambubwisit nila.
Inilagay ko ang isa sa tenga ko. Nakita ko namang nakatingin sa 'kin si Kayden at parang inoobserbahan ang nga ginagawa ko. Huminga ako ng malalim at inalok ko sa kaniya 'yung isang earphone.
"Gusto mo ring makinig?" Tanong ko sa kaniya. Marahan siyang tumango tsaka niya kinuha 'yung inaalok ko sa kaniya.
Ng mailangay niya na tenga niya tsaka ako naghanap ng kanta. Mga lumang kanta lang naman 'to dahil hindi ako marunong magdownload no'n. Kung ano lang ang nasa cellphone ko, 'yon lang ang pinapakinggan ko.
(Now playing: With a Smile by Eraserheads)
"Favorite." Narinig kong bulong niya.
Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o ang sarili niya. Paboritong kanta ko naman kasi talaga 'to, memoryado ko na nga dahil paulit-ulit kong pinapatugtog 'yon.
♫♪ Lift your head, baby, don't be scared... Of the things that could go wrong along the way... You'll get by with a smile... You can't win at everything but you can try... ♫♪
Tama naman ang sinasabi ng kanta. Gusto ko 'tong pinapakinggan dahil may malalim siyang kahulugan, hindi lang basta kanta, may natutunan din ako. Pumikit muna ako saglit dahil pinaandar na nila ang van.
Nandito na siguro kaming lahat. Naghabilin pa kasi si Elijah sa mga nagbabantay na pakilinisan minsan ang bahay niya dahil hindi pa raw niya alam kung kailan ulit siya makakauwi rito.
♫♪Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way... When they're closing all their doors... They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway... ♫♪
"Eli, may dala ka bang unan?" Rinig kong tanong ni Eiya.
Kawawa. Hindi niya katabi si Elijah, nasa likod lang siya. Ayaw kasing umalis ng batang hapon sa tabi niya, nagtulog-tulugan pa siya at umaktong humihilik.
Wala namang magawa si Eiya dahil hindi rin bakante ang upuan sa tabi ni Elijah. Nando'n kasi si Maurence, nakajacket at knocked out na.
"I brought nothing. Bakit namab ako magdadala ng unan dito? May mga throw pillows naman."
Bahagya akong natawa. Tama naman siya. Alangang dalhin niya pa ang mga unan namin hanggang sa Maynila. Hulaan ko, nakasimangot nananaman 'yong isa.
♫♪ Girl, I'll stay through the bad times... Even if I have to fetch you everyday... We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life... ♫♪
"Why are you smiling?" Tanong nitong katabi ko. Gising pa pala siya, akala ko naman umidlip na rin. Umiling lang ako sa kaniya.
Humikab uli ako tsaka umupo ng maayos para hindi sumakit ang leeg ko kung makatulog man ako. Ilang saglit lang ay nahulog na ako sa antok.
Good bye Batangas, hello, we're back, Manila.
———————————————
KAYDEN'S POV
♫♪ Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life... ♫♪
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 184
Start from the beginning
