"Walang matutulog!" Pag-uulit naman nilang lahat.

Napailing na lang ako sa kanila, kayo na lang ang 'wag matulog, basta ako, mahimbing at maganda ang panaginip ko mamaya, walang makakapigil sa 'kin.

"It's last night. When can we get back here?" Parang nanlalamyang tanong ni Alzhane.

"Hindi pa nga tayo nakakaalis, pagbabalik na agad ang iniisip mo." Sabi ni Shikainah sa kaniya.

"Sa susunod na bakasyon kaya? O kaya naman sa may para summer na!" Masiglang sabi ni Jharylle.

"No. Hindi na kayo babalik pa rito." Sagot ni Elijah.

"Bakit, 'dre. Ayaw mo na ba kami rito? Ayaw mo na bang makita ang maganda kong mukha na nakababad sa tubig?" Pagdadrama ni Xavier.

"Yes. Ayaw ko ng makita ang makapal mong mukha."

Natawa kaming lahat dahil sa isinagot ni Elijah. Kahit kailan talaga marunong mambara ang lalaking 'to. 'Yung isa naman nakasimagot lang.

"Straight to the point." Sabi ko sa sarili ko. Hindi man lang nagpaligoy-ligoy ah.

"Wala na tayong sembreak niyan, pa'no po tayo makakabalik dito kung gano'n?" Inosenteng tanong ni Hanna.

Hanggang kailan ba siya hindi mamumulat sa katotohanan. Ayos lang 'yan, Heira. Ayos lang 'yan, basta lang siya. Natampal ko na lang ang noo ko at napailing ng ilang beses.

"Hindi lang naman sembreak ang pahinga. Mero'n pang bakasyon." Sarkastikong sagot ni Xavier. Sinapak naman ni Shikainah ang tyan niya.

"Tama na nga 'yan, pati bata ginaganyan mo." Sabat ni Eiya.

Makabata ka naman d'yan. Para two years lang naman ang tanda natin sa kaniya. Natawa ako sa sarili kong pag-iisip. Baka nga wala pang two years ang agwat namin e.

"Wow, bata. Matanda ka na? Matanda ka na?!" Biro ni Alexis.

"Hindi. Pero mas matanda pa rin naman tayo sa kaniya, kaya nga 'ate' at 'kuya' ang tawag niya sa 'tin e."

"Kahit na! Mukha ka na raw kasing gurang." Pang-aasar niya pa.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Umuusok na ang ilong ni Eiya.

Ayaw na ayaw niya kasing sinasabihan ng gano'n. Sa lahat ng salitang 'pangit' ayaw niyang marinig ang 'gurang' na paglalarawan sa kaniya.

"Mukha ka ng gurang kaya naman akala mo mas matanda ka sa kaniya." Nakangising pag-uulit ni Alexis at itinuro si Hanna.

"Bawiin mo 'yang sinabi mo!" Gigil na sagot naman nitong isa.

Nag-eenjoy pa 'yung isa sa pang-aasar niya. Nanonood lang kami sa bangayan nilang dalawa. Lahat ata kaaway ni Eiya e. Kunwari maayos ang usapan sa una, ilang saglit lang no'n ay may gyera na.

"Ayaw ko nga, gurang." Pagdidiin niya.

Dahan-dahang lumapit si Eiya sa gawi ni Alexis. Umatras naman 'yung isa habang nakangisi pa. Hindi naman siya makatakbo pero nagmadali siya para hindi siya mahuli nitong isa. Pumunta siya sa likod ni Adriel.

"Lumabas ka r'yan!" Sabi ni Eiya.

"Ayaw ko nga! Ano ako, tanga? Hindi mo naman ako kagaya!"

Ay gago.

"Patay na. 'Wag kang papahuli r'yan." Sigaw ko kay Alexis, nagthumbs up siya tsaka niya ako kinindatan.

"Sinasabi ko sayo! Kapag nakahuli kita, kakalbuhin kitang bwisit ka!"

"Edi mas binigyan mo ako ng dahilan para hindi ako lumabas dito. Bleh bleh bleh bleh!" Binelatan siya ni Aexis.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now